CHAPTER 5

141 10 1
                                    

Nakapikit ang aking mata dahil matagal akong nakatulog kagabie, meron kaming meeting ngayon para sa mga activities na gaganapin next week , isang linggo ang celebration ng foundation day sa paaralan namin.

"Miss Cortez!!! Ba't ka natutulog sa gitna ng ating meeting?!"

Napabangon ako sa aking pagkasubsub sa lamisa ng aking upuan.

Binigyan ko lang ng peace sign ang aming president sa kurso namin.

Kaming 2nd yr ang nakaatala para sa Movie room , kailangan may kapares kang manuod kung papasok ka dito para bang nagdadate kayo ,.meron mga contest gaya nalang ng pageant, dance, singing (duet, solo) , banda at marami pang iba, wala akong interesado dito ang tanging gusto ko lamang ay ang College Night :-), hindi ko pa napipilit si Dave upang maging kapares.

Napahinga ako ng malalim at napahigpit sa dala kung bag na napalooban ng mga pagkain , habang nakatanaw kay Dave na nasa ilalim ng puno yon parin abala sa pagsusulat.

Napabuntong hininga ako at saka ngumiti ng malapad.

"Hi" malambing kong wika.

Napahinto ito at napatingin sa akin pero ibinalik nito sa kanyang ginagawa.

Umupo ako.

"Malapit ng magtanghalian, hindi ka ba nagugutom?"

Hindi parin niya ako kinibo.

"Meron akong dalang pagkain, para sayo 'to"

Inilagay ko ito sa gilid niya.

Huminto ito sa pagsulat.

"Tapos na akong kumain para sayo talaga yan, sana tanggapin mo"
Agad kong sabi sa kanya. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone nito.

"Pasensya ka na sa ginawa ko kahapon, hindi ako nakapag-isip ng maayos at pursigido talagang maging partner mo." Sabay lahad ko sa kanya ng cellphone niya.

Nangangalay nalang ako dahil hindi niya parin niya ito tinanggap.

"At salamat din sa pagligtas sa akin kagabie." Dagdag kong wika.

Tiningnan niya ako ng masama.

Napalunok ako.

"Itapon mo na yan ! Di ko na yan kailangan!" Malamig niyang sabi, tumayo ito at napatayo rin ako.

"Okey!" Pilit ko salita, pinasok ko ito sa bulsa ko.

"Pero sana pagbigyan mo ako sa hiling ko na makapartner ka." Pagmamakaawa kong sabi sa kanya pero lumakad na ito at di man lang ako sinagot.

Napaupo ako.

Nangingilid na ang aking luha.

Napakagat ako sa labi.

Mahinahon ko na itong sinabi sa kanya pero walang epekto parin.

Paakyat ako sa building ng Engeneering dahil doon ang location ng aming movie room , doon kasi nila napili dahil malaki ang space doon aakalain mong nasa sinehan ka.

napasigaw ako sa gulat ng may humila sa bag ko.

"Hoy!!!" Sigaw ko."Ang kapal din ng pagmumukha mo Carl!!! Di yan sayo!"

Tama kayo ang pinsan ni Dave na Playboy ang nanginbala sa paglalakad ko.

Tumakbo ito.

Napatakbo rin ako.

"HAYOOOOP KA!!!"

Pumasok ito sa room at sinundan siya doon.

Nag-aabutan ang aking hinga dahil sa pagtakbo.

MAGIGING AKIN KA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon