"Ang ganda ganda mo Jelly! Sa tingin ko luluwa ang mata ni Dave kapag nakita ka niya, at parang totoong totoo ang mga mata mo." Tukoy nito sa asul kung mga mata. "Maglagay kaya ako ng contact lense sa mata ko katulad mo para pareho tayo!!"
Napatawa ako sa sinabi nito. "Babagay rin sayo."
Kaya dali dali siyang tinungo ang make-up artist namin.Napatitig ako sa repleksyon ng sarili ko sa salamin.
Tinitigan ko ang sarili ko.
Kinuha ko ang wig sa aking ulo.
Hinayaan kung bumagsak ang maaalong buhok at klarong klaro ang blonde kung buhok.Hahayaan ko ang sarili kong ipakita sa lahat kung sino talaga ako, kahit sa araw lang na ito.
Nasasabik na akong makita si Dave, napakasaya ko dahil sa wakas ay pumayag siya.
Narito kami sa 5 start hotel , kumuha ng room si Rheena upang dito na kami ayosan at upang di kami mahirapan pa sa pagbiyahe ,sa Seda Vertis North ang napili ng aming paaralan para sa event, sapat lang ito para sa dami ng mag-aaral sa University of Adler.
-----
"Ang daya mo naman! Ba't ba di mo sinabi na magwiwig ka!!!" Wika nito habang papunta na kami sa convention hall."Bagay naman sayo ang buhok mo sa suot mo at napakaganda nga ng buhok mo , parang wig kung titingnan dahil napakakintab at mas lalo kang gumanda."
"Talaga?"
"Oo naman, mananalo ka ba sa pageant kahapon kapag hindi!" Siya ang hinirang na MS. U.A, masaya ako para sa kanya.
"Muntik na kitang di nakilala kanina!!"
"Ako nga eh muntik ng di ka makilala" tukoy sa mga mata niyang nakacontact lense.
Napakagara ng damit ng aking mga kamag-aaral , halos hindi ko makilala ito, makikita sa mga mukha nito ang saya.
Inunahan akong maglakad ni Rheena at may niyakap siya , siguro 'yon ang magiging partner niya.
"Jelly, Si kent pinsan ko, siya ang kinukwento ko "
May nabanggit kasi siyang may pinsan siyang darating galing sa ibang bansa.
Malaya ka kasing pumili ng makakadate mo kahit na hindi siya dito nag-aaral.
"Hi, Kent Bautista" ngiti nitong at nilahad ang kamay nito
Tinggap ko naman ito. "Jelly Cortez"
Binalingan ko si Rheena. "Rheena, aalis mo na ako." Pagpapaalam ko sa kanya.
Tumago ito dahil alam nito na hahanapin ko si Dave.
Napansin kong may ibang kalalakihan na nagtatakang lumapit sa akin pero di ko ito pinapansin.
Nabaling ako sa kaliwa at kanan pero wala akong nakitang Dave, kahit kaibigan niya ay wala.
Napahawak ako sa laylay ng aking gown para makalakad ako ng mabilis. Di naman naging sagabal ang suot kung high heels dahil nasanay na ako noon mag suot nito.
-------"Pwede ba kitang maging partner,, inindyan kase ako ng partner ko."
Tiningnan ko siya ng pagtataka dahil di ko siya kilala.
"Ako pala 'yong sa stage na nagpatabi sayo, pasensya ka na, inutusan lang ako ng kakilala ko."
"Im sorry meron akong hinihintay"pagtanggi ko.
"Ah okey, pero kung di siya pumunta , pweding ako."
"Pupunta siya!!!!" Diin kong wika.
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
De TodoNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.