Kating-kati na ang paa ko habang patagong sinusulyapan ang cellphone ko.
Napakatagal ang oras.
Gusto kong hilahin ang oras upang makita ko na si Dave.
Napangiti ako ng makita kong nagreply siya sa text ko.
Kanina ko lang din hinintay ito.
"Okey!"
Kahit na ito lang ang reply niya sa napakahaba kong text ay masaya naman ako , dahil magsasabay kaming magtanghalian.
Bago niya ako hinatid kagabi ay nagpalitan kami ng number.
Mas lalo akong natuwa dahil sa wakas my number na ako sa kanya, ang hirap niyang kuhanan ng number dahil tangging kaibigan lang nito ang mayroon. 'Sinubukan ko namang hiningi sa kanila ngunit mali naman ang ibinigay nila.
Hindi ko makakalimutan ang lahat ng nangyari kahapon.
Hindi kami nagtagal doon dahil hindi naman kami nakapaghanda ng makakain , dinala niya ako sa paborito niyang kainan.
"Kriiiiiiingg!!"
Agad kong kinuha ang mga gamit ko.
Napangiti ako ng hinintay ako ni Rheena sa inuupuan niya. Di kasi kami magkatabi dahil gusto niyang sa unang upuan ito umupo, wala naman siyang anggal ng pinili ko dito sa huling upuan."Magsasabay ba kayong kumain ngayon?" Bungad na tanong sa akin ni Rheena.
Tumili siya ng tumango ako.
Naikwento ko na kasi ito kagabi lahat, hindi ko napigilang ibahagi sa kanya dahil nag-uumapaw ang ligaya ko.
"Ibig sabihin nito hindi tayo magsasabay ??."
Napaisip ako sa sinabi niya.
"Ayos naman sa akin na hindi mo na tayo magsabay ng kumain ang mahalaga ang masaya ka at natupad na ang matagal mo ng hinintay."
"Hindi naman niya sinabing mag-isa siya."
"Oh sige, pero kapag siya lang mag-isa lilipat ako ng upuan."
Tiningnan ko siya na may pag-alala.
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan!! Ayos lang ako."
Napanatag ang loob ko ng makitang masaya siya.
Nang makarating kami sa cafeteria ay naghanap kami ng maupuan.
Sa may sulok ko napili dahil di masyadong makikita ng mga tao.
Hindi naman sa kinakahiya ko si Dave, gusto ko lang na di kami masyadong mapansin ng iba, ayaw kong pinag-usapan kami at lalong ayaw kong marinig niya sa iba na hindi kami bagay! Paano nalang kung maisip niya iyon at bawiin nya.!!!
"Teka lang! Sinabi ba niya na dito kayo kumain o baka sa labas kayo."
Napakuha ako sa cellphone ko dahil hindi ko ito na tanong.
Tinawagan ko siya.
"Hmmn" sagot niya.Napakagat labi ako ng marinig ito, parang nakiliti ako.
"Saan ba tayo kakain?" sabik kong tanong.
"Nasaan ka ba?"
Tumalon ang puso ko sa tanong niya.
"Nasa cafeteria, pero kung di mo naman gusto dito pwede naman sa labas tayo."
"Pupunta ako ." At pinatayan ako ng cellphone
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
RandomNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.