EPILOGUE

310 11 7
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig iyon.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa mga natuklasan ko.

Nakaramdam ako ng galit pero nangingibabaw parin ang pagtatampo sa kanya, bakit di niya sinabi, inamin ko sa kanya ang lahat tungkol sa pagkatao ko.

Parang natunaw  ang galit ko nang marinig ang pagsusumamo niya sa akin na iligtas ko siya.

Hinabol ko siya.

Sinubukan kong habulin siya pero di ko magawa.

Sinubukan kong pumasok sa loob ng bahay niya pero pinipigalan akong makapasok ng mga tauhan ni kuya.

Naalala ko noon , noong una ko siyang nakita.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kong bakit pero pinigilan ko dahil may iba akong mahal.

"Kunin lang ang salamin, ayusan lang ang pananamit sigurado akong napakaganda niya!"

Narinig kong sinabi ni Carl, nakita ko ang ngisi nito habang tinitigan ang babaing sunod ng sunod sa amin, napapansin ko rin sa lahat ng lakad namin ay naroon siya.

"Sa tingin ko! Ako ang sinundan niyan!"

Inismiran ko si Carl ng marinig iyon.

Agad kong binuksan ang cellphone ko at pinasok ang headset sa tingga ko habang pinapanuod ko si Elle na kumakanta.

Kamusta na kaya siya?

Isang taon na rin ng di siya nakapag-update ng kanyang instagram.

Palagi ko itong inaabangan, dahil sa pamamagitan nito maiibsan ang pangungulila ko sa kanya.

"Hi"

Naangat ko ang tingin ko ng marinig ko ito.

Siya na naman.

Pati ba dito sa tambayan ko sinusundan ako! Wala naman ang barkada ko , anong ginagawa niya dito!

Nakayuko siya at nakita kung humigpit ang kamay niya sa dala niya .

"Anong kailangan mo."

Wika ko at binalik ko ang tingin ko sa kwaderno ko, na may mga ibat ibang desenyo ng bahay , gusto ko kasing maging engineer pero hindi ako pinayagan ni mama dahil gusto niyang magpokus ako sa kursong gusto niya para sa akin, hindi ko gusto ang humawak ng negosyo , pangarap kong magtayo ng mga bahay, gusali at iba pa.

"Ibibigay ko sana ito sayo, sana tanggapin mo" wika nito habang inilahad ito sa akin.

Nangunot ang noo ko. "Bakit mo naman ako bibigyan?" Taka kong tanong dahil nakita ko pa siya sa ilang araw na kinausap niya ang mga kaibigan ko., anong pakulo nito!!!

"Gusto kita."

Napalaki ang mata ko ng marinig iyon. Nagpapatawa ba ito. Siguro kaya ito lumapit sa akin dahil wala siyang napala sa mga kaibigan ko, tiningnan ko siya ng maayos, nag-ayos na pala ito. Napaiwas ang tingin ko ng tumingin na ito sa akin.

"Hindi kita gusto." Agad kong wika at umalis.

Hindi ko alam sa araw na lumipas na palagi niya akong sinusundan ay hinahanap na siya ng paningin ko.

Sinubukan ko siyang iwasan at isipin na may babae na akong gustong paglaanan ng buhay.

Napadaing ako ng bigla akong sinuntok ni Carl.

"HINDI KA NALANG SANA PUMAYAG KUNG HINDI MO PALA SIYA SISIPUTIN!! NAPAKA---

Nakaramdam ako ng galit at ginantihan siya.

MAGIGING AKIN KA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon