Napasandal ako sa upuan at napariing ng pikit habang nag-aabutan ang hininga ko dahil pinatakbo pa ako ng 50 meters bago niya ako pinasakay sa sasakyan nito.
Napalingon ako kay Dave ng bigla niya pinabilisan ang pagtakbo ng sasakyan.
Napalaki ang mata ko ng speed nito ay naging 80----90---
Napahawak ako ng mahigpit sa magkapilang upuan at napasiksik.
"Waaaaah! Ayaw ko pangmamataaaay!!! Daaaaaave!! Wala tayong hinahabol upang magmadali tayo!!!"
Narinig ko ang tawa nito.
Ang sarap sanang pakinggan ang tawa nito, baka napatalon na ako sa tuwa dahil narinig ko rin ang ganito niyang pagtawa pero malas lang eh , parang naghahabulan kami ngayon ni kamatayan!! Ang saklap.
Napayuko ako at mariing pinikit ang mata ko parang nanginginig ang kalamnan ko.
Paano nalang kung may masamang mangyari sa amin? maaksidente kami??
Di ko panga siya nahahalikan! Kahit nga yakap wala pa!
Mamatay akong hindi 'yon naranasan!
Napabaling ako sa kanya ng humina na ang takbo at hindi parin ito tumigil sa pagtawa.
"Ihinto mo ang sasakyan" seryoso kong wika.
Napalingon ito sa akin at napahinto sa pagtawa.
Humina ang takbo hanggang sa huminto ito.
Nagmadali akong tanggalin ang seat belt.
"Hindi mo ba ako pipigilan?" Tanong ko sa kanya ng matanggal ko na ito, napatawa ako ng pilit, ba't ko ba tinanong! Wala nga siyang pakialam sa akin pero di ko magawang magalit, kahit gawin niya ito ulit, wala akong pakialam hanggat makita kong masaya siya. Mahal ko eh. Di ko siya pinahinto para lumabas ng sasakyan nito, swerte nga ako dahil pinasakay niya ako kahit na pinatakbo pa ako bago niya ako pinasakay.
Di ito lumingon sa akin.
Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisnge niya upang mapaharap ito sa akin, tiningnan ko saglit ang mata niyang may pagtataka at agad kong pinaglapat ang labi namin, wala pang sampong sigundo ay nilayo ko na ang labi ko sa kanya at bumalik sa pwesto ko.
Napahawak ako sa labi ko at Napakagat ,ramdam ko parin ang labi niya sa labi ko kahit na saglit lang 'yon.
Kasalanan niya 'to bakit siya tumawa! Di ko mapigilang halikan siya.
"Ba--bakit mo ko hinalikan!!!?" . Gulat nitong tanong.
Ang tagal din nitong naproseso ang ginawa ko sa kanya.
"Kaw kasi!!! Nagmaneho ka ng mabilis kaya na----'
"AKO NA NAMAN ANG MAY KASALANAN ! ANO NAMAN ANG KONEKTADO NITO----
"NAISIP KO KASI KUNG MAMATAY MAN AKO ! ATLEAST NATIKMAN KO NA 'YANG LABI MO!!!" Hiyaw ko pabalik sa kanya, nakaramdaman ako ng hiya sa sinabi ko.
Hindi siya kumibo.
Napatingin ako sa kanya.
Nakahawak ng mahigpit ito sa manobela.
"FUUUCCK!!!"
Pinagsuntok nito ang manobela.
"LABAAAS!!!"
Hindi ako agad nakagalaw sa kaba sa sigaw nito.
Nakita ko siyang agad bumaba sa sakyanan at ang bilis ng pangyayari , nakatanaw na ako sa sasakyang papalayo sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/221871259-288-k963272.jpg)
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
AléatoireNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.