Kahit papano naging magaan ang loob ko dahil narito si Sy. habang kasama nito si Lorence.
Pinsan ni Sy si Lorence sa ama, naging malapit ako sa kanya dahil narin kapag bumisita kami ni lola sa bahay nila sy , noong una nasusungitan ako sa kanya pero nang lumaon ay nakilala ko siya ng lubusan.
"Tama nga ako! Ikaw 'yon."
Wika niya habang sinusuri niya ang kabuuhan ko ng makalabas ako ng banyo.
Narito kami sa mall.
Nagpapasalamat ako dahil narito sila, hindi sila agad nakapunta sa engagement party ko dahil meron silang inaasikaso.
Nagpalit kami ng damit ni Sy , siya ang sumuot ng damit ko habang suot ko ang disguise attaire ko upang hindi ako makilala ng bodyguard ko.
Hinila ni Sy si Lorence upang lumayo sa kinaruruunan ko.
Nilingon ako ni Sy at binigyan ng ngiti pero nakita ko ang pag-alala dito, alam kung nag-alala siya sa akin dahil sa gagawin kong pagtakas muli pero wala siyang sinumbat sa akin ng hilingin ko sa kanya ng tatakas ako samantalang si lorence dalawang oras kong kinukumbinsi upang pumayag.
Masaya ako dahil nanjan sila para sa akin.
Napalaki ang mata ko ng makita ang aking bodyguard na hinahanap ako sa kanila, hindi pa ako nakakalayo.
Nataranta ako.
Agad akong lumiko at binilisan ang lakad ko.
Parang lalabas ang puso ko sa kaba.
Hindi nila dapat akong makita.
Agad akong lumapit sa mga nakahalerang damit at nagpapanggap na pumipili habang ginagawa ko ito ay hindi mapigilang manginig ang kamay ko.
Napapitlag ako ng biglang may kumuha ng damit na hinawakan ko.
"I like this , akin na 'to."
Napalunok ako ng makilala ko ang boses niya.
Agad akong tumalikod upang makaalis doon.
Sa laki ng mall bakit nagtagpo ang landas namin ni Stave.
Muntik akong mapalundag ng may kumalabit sa akin.
"Ma'am bibilhan niyo po ba yan?"
Napatingin ako sa kamay ko.
May hawak pala akong damit.
Agad kong binigay sa saleslady ito, at yumuko bago ako lumabas ng mabilis.
Napatili ako ng biglang may humila sa akin at tinakip ang bibig ko.
Napalaki ang mata ko ng makilala ang humila sa akin.
Tiningnan niya akong may babala.
Nakarinig ako ng mga yabak na tumatakbo.
Nakita ko ang tatlo kong body guard na dumaan.
Nag-iinit ang mata ko dahil
Nahuli ako
Ng
Kapatid ko.
"Ku----kuya"
-----
Tinanaw ko si kuya ng papalayo na ako.
Nakita kong binigyan niya ako ng ngiti.
Matamis ko siyang nginitian.
Akala ko ibabalik niya ako sa bahay pero salunggat pala.
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
RandomNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.