CHAPTER 12

141 9 0
                                    

"Sino ang lalaki 'yon?" Pagkatapos niyang bitawan ang labi ko.

Nalilito ako sa sinabi niya.

"Lalaki?"

"Sa dorm mo!!!" Iniwas niya ang tingin.

Napalaki ang mata ko at kinabahan.

Paano ko ba sasabihin ang totoo.

Hindi pa ako handa upang malaman niya ang totoo.

Nagsisimula palang kami.

"Dave" mahina kong wika, di ko mahanap ang sasabihin ko.

Nakita ko ang ang pag-igting ng panga nito.

Galit ba siya.

"Sabihin mo sa akin! Meron ka pa bang gustong iba maliban sa akin!!!" May diin nitong wika.

Nagulat ako sa tanong niya.

Tiningnan ko ang mga mata niya.

May nababasa akong takot.

"Wala!! Kapatid ko iyon! Kinamusta lang niya ako.".

Bigla niyang nilagay ang kanyang mga palad sa mukha at napasandal.

"Nagseselos ka ba dave??" lito kong tanong dahil sa kilos niya.

Hindi niya ako kinibo.

"Pinuntahan mo ako ng araw na iyon? Bakit di ka nagpakita sa akin?"

Di parin niya ako sinagot.

Nangigilid ang luha ko. " alam mo bang di mapantayan ang ligaya ko nang pumayag kang maging kadate ako, sobra akong umasa na sisiputin mo ako, pero wala -----

"Dumating ako!"

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ba---bakit di ka----

"Nalaman kong may kadate ka na!! Kaya hindi ako nagpakita!!! Ikaw lang ba ang nagalit!!, hindi mo hinintay-----

"Hinintay kita! Para akong baliw doon dahil halos minutong hinahanap ka!!!"

Napatahimik siya at makikita ang malalalim niyang hininga para bang tinitimbang niya ang lahat.

"Im sorry, may dahilan ako kung bakit natagalan ako." Nababasa ko sa mga mata niya na nagsisi siya sa nagawa.

Napapikit ako ng pinahid niya ang luha ko.

Di ko mapaliwanag ang ligaya ko dahil iba na ang pakikitungo niya sa akin, naramdaman kong mahalaga ako sa kanya.

Mas lalong bumagsak ang mga luha ko.

"Dave" tiningnan ko siya sa mata.

"Sagutin mo ako, mahal mo na ba ako?" napapaos kong wika.

Sinuri niya ang buo kong mukha.
"Hindi ko pa alam, basta ang alam ko ginugulo mo ang utak ko."

Napangiti ako.

Masaya akong marinig ito sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

-----

Nakahiga kami sa malaking sofa, habang nagtitigan.

Nakaunan ako sa braso niya habang hinahaplos naman niya ang buhok ko.

Samantalang ako ay hinaplos ko ang pisnge niya.

Parang ang hirap paniwalaan na narito siya sa aking harapan habang nakikita ko sa mga mata niya na mahalaga ako sa kanya at malaya kong nahahawakan siya, nahahalikan siya at makapiling siya.

MAGIGING AKIN KA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon