"PUMASOK KA SA KWARTO MO!!!"
Nanghina ako ng marining ito galing sa ama ko.
"Patawarin niyo po ako sa gagawin ko."
Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Dave upang tumayo at hinala ako papalabas.
"DAAAAVE!!! ELISSE!!
Napakapit ako ng mahigpit sa setbuilt ng pinaandar niya ito ng mabilis.
Dahil narin sa mga sumusunod sa amin.
Napatingin ako sa kanya ng maramdaman na normal na ang pagtakbo namin.
Nanatiling sa daan siya nakatingin.
Gusto ko siyang kausapin pero nanatili akong tahimik.
Na galit ba siya dahil sa ginawa ko.
Kung hindi ko ba iyon ginawa, itatakas pa ba kaya ako?
O
Napilitan lang ba siyang upang itakas ako?
Napasunod ako sa kanya ng lumabas siya.
May kinausap siya at binigay niya ang susi ng sasakyan niya.
Nakita ko sa unahan na may yati.
"Magpahinga ka na" sabi niya ng makapasok na kami sa kwarto. Lumabas siya at iniwan ako.
Gusto ko siyang sundan.
Gusto kong magpaliwanag.
Pagmulat ng mata ko nakita ko siyang katabi ko pero nakatalikod.
Tumulo ang luha ko.
Sobra ko siyang namimis.
Nangungulila ako sa yakap niya at halik.
Inilapit ko ang sarili sa kanya at niyakap ko siya.
Sinubsub ko ang ulo ko sa likod niya.
Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kamay ko.
Nanginig ang labi ko.
Hindi ko siya binitiwan.
Mas lalo kong siniksik ang katawan ko sa kanya.
"Da---dave. Hindi ko intensyon na lukuhin ka, sasabihin ko naman ang totoo pero naghahanap pa ako ng pagkakataon, maniwala ka totoo itong nararamdaman ko sayo"
Napahikbi ako ng pinilit niyang makawala sa akin.
"Bitiwan mo ko."
Napakalamig ng boses niya mas lalo akong nasaktan.
"Hindi kita bibitiwan Dave." Hinigpit ko lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Please"
Kahit masakit binitiwan ko siya.
Sinubsub ko ang mukha ko sa kama at umiiyak.Ayaw ko siyang makitang lumabas ng kwarto.
Napaiiyak ako lalo ng maramdaman ang kamay niya sa likod ko.
"Tumingin ka sa akin".
Tinukod ko ang kamay ko sa kama upang maangat ako.
Umupo ako pero di ko kayang tingnan siya sa mga mata , ayaw kong makita ang mga mata niya na sinusuklaman niya ako.
"Kung napipilitan ka lang dahil sa nagawa ko kanina, patawarin mo ako, ayaw ko ng manatili pa doon, ayaw ko na."
Inangat niya ang mukha ko at hinarap sa kanya.
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
RandomNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.