Napabaling ako at hinahanap ang pwesto ni Dave, nandito kami ngayon sa AVR pinatawag lahat ng mag-aaral sa paaralang ito.
"Jelly! 'San ka na naman pupunta? " hinigit ako ni Rheena papunta sa pwesto namin na naayon sa kurso namin. Napasimangot ako dahil gusto kung umupo malapit sa inuupan ni Dave.
"Ano kaya ang aanunsyo ngayon?" Tanong ni Rheena. Marami siya sinabi pero hindi ko siya pinapansin.
Siya ang isa sa kaibigan ko dito, actually marami naman akong naging kaibigan pero hindi masyadong malapit sa kanila, tahimik lang ako sa paaralan pero kapag si Dave ang pinag-uusapan ay parang may bombang sasabok sa loob ko.
Niyogyog niya ako nang di ko siya sinasagot.
Maganda si Rheena Bautista, mestisa, makintab ang buhok at bagsak na bagsak pero maakala mong halfFilipino siya, dahil sa taglay nitong ganda pero Filipino talaga ang dugong dumadaloy dito, maraming nanliligaw nito. Gusto ko siya bilang kaibigan dahil maramdaman mong tunay ito.
"Si dave na naman ba yang iniisip mo??!"
"Hmmn! Tumango ako at tumingin sa iba, dahil nag-iingay ito.
"Anong meron?" Takang tanong ko dahil ang sasaya ng mga mukha ng kaklase ko hindi lang kami kundi lahat ng nandoon sa AVR.
"Yan kasi hindi nakikinig!" Hinawakan niya ang balikat ko at tinitigan, ngumiti ito ng malapad.
"Ano??" Nakataas kong kilay na tanong
Tumili ito at niyogyog ako.
"Magkakaroon tayo ng College Night!!! Sigaw nito.
Tinaasan ko siya ng kilay! Dahil wala namang bago yan eeh!
"Araaay!! ANO BAAAAA!!!
Sigaw ko ng binatukan ako."Ito na ! Ito na!! " sabi nitong may palakilaki pa ng mata.
"Anooo ba ang ito na!! Huuh!!!"
"Makakadate mo na si Dave!!"
Napalaki ang mata ko at nagtataka!
"Paanong mangyayari 'yon eh iba ang kurso non!!"
Binatukan na naman niya ako.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Yan di kasi nakikinig!! Iba ngayon Jell, LAHAAAAT---" sabi nito at binuka ang kanyang kamay" LAHAAAT ay sasabay nating makasama sa COLLEGE NIGHT! "
Napalaki ang mata ko at napahawak sa kamay nito.
"Talaga????" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo!!" Patangotango pa nito.
Napatayo ako at napahiyaw sa tuwa.
Hinigit ako ni Rheen paupo!!
"Nakakahiya naman ! " mariing wika nito.
Nakita kong napatingin ang mga kaklase ko at napailing, wala akong pakialam ang mahalaga sobrang masaya ako, napakagat ako ng labi. Gagawin ko ang lahat upang siya ang kadate ko sa araw na iyon.
Huminga ako ng malalim , unti unti kung pinihit ang siradura ng theater.
"Fuck! Naguguluhan ako kung sino ang magiging ka date ko." Rinig kong sigaw ni Brent.
"Kung sino ang huling magyaya , 'yon ang magiging kadate ko." Wika ni Carl.
Napatayo sila sa kanila kinauupuan ng makita nila ako, habang si Red ay napahinto sa pagguitara.
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
De TodoNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.