CHAPTER 15

147 10 2
                                    

Naging abala kami ni Dave sa pag-aaral lalong lalo na siya dahil nagsisimula na ang OJT nila.

Namimis ko na siyang makasama ng matagal halos isang linggo ko ring di siya nakasama.

Sa ngayon ay hanggang text  at tawag lang mo na kami, pinag-igihan ko rin ang pag-aaral ko dahil gusto kong makapasa sa Scholarship.

Bukas na ang schedule ng exam, kailangan talaga akong magsunog ng kilay upang hindi ako mapilitang maghanap ng trabaho, hindi naman sa ayaw kong maghanap ng trabaho, sayang naman ang pagkakataong maging libre ang pag-aaral ko.

Narito ako ngayon sa library.
Napatingin ako sa harap ko sa dami pa ng babasahin ko.

"Hi"

Napaangat ko ang tingin ko.

"Anong kailangan mo?"

"Pwede bang umupo rito, wala na kasing bakante"

Napalingon ako sa paligid, tama siya wala na nga kaya tumango ako.

Muli kong binasa ang librong nasa kamay ko.

"Naghahanda ka rin ba sa Exam para sa scholarship?"

"Oo"

"Pareho pala tayo."

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbasa.

Napatayo ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

"Kakain ka na ba?"

"Bakit?" Tanong ko habang hindi siya sinulyapan dahil inayos ko ang mga aklat.

"Gusto ko sanang sumabay sayo."

"May kasabay akong kumain."

Kinuha ko ang mga aklat at ibinalik ko ito sa nilalagyan, mamaya ko nalang ito hihiramin pag-uwian na.

Tiningnan ko sa cellphone ko kong may mensahe ba si Dave sa akin, pero wala.

("Kumain ka na , wag kang magpalipas ng gutom" )
Send to: mahal

Nagsimula na akong kumain ng biglang may umupo sa harapan ko.

Nataas ang kilay ko ng siya na naman. Siya yong naka partner ko sa college night.

"Wala na kasing bakante"

Napalingon ako sa paligid, wala nga, tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Nasaan ang kasama mo?"

Napahinto ako sa pagkain.

Nakatanggap din ako kay Rheena na hindi siya makasabay sa akin dahil may lakad daw siya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin, ayaw ko na ng paligoy ligoy." Prangka kong wika.

"Eh , kase gusto ko sanang makaibigan ka."

"Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Dahil---- dahil matagal na kasi kitang napapansin kaya lang nahihiya akong lumapit at----

"Ano ba ang ipinupunto mo?"

"Alam ko naman may gusto ka sa iba , hindi ako lumapit para ligawan ka man ,gusto kitang maging kaibigan."

Hindi ko siya sanagot.

Naglalakad ako patungo sa silid namin pero napansin kong may sumusunod sa akin kaya tumigil akong lumakad at nilingon ito.

"Akala ko ba di mo ko gusto ligawan! Bat mali ang kinikilos mo!"

Matagal niya akong sinagot.

MAGIGING AKIN KA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon