"NAKAKAINIS! DI BA SILA MARUNONG BUMASA!!! Sigaw ni James.
Pinagpupulot namin ngayon ang mga nagkakalat na plastik.
"DI BA SILA MAGKAKAINTINDI NG "BASURA KO , UWI KO?! "
"Wag ka ngang magreklamo jan! Kung pinagpupulot mo nalang yang dada ng dada mo eh sana tapos na tayo at makapasok na ang ibang nakapila sa labas!"
"Last na ito! Gusto ko nang magpahinga! Manonood pa tayo ng pageant, kailangan nating suportahan si Rheena, di ba Jelly?"
Napatigil ako sa pagpupulot nang nabangit ang pangalan ko.
"Oo"
Nginitian niya ako at lumapit ito sa akin.
"Sigurado ka bang numero 'yon ni Rheena ang ibinigay mo sa akin?" mahina nitong wika.
Tumango ako.
"MAGPATULOY KA NGA JAN!" sigaw ni Carin , kababata nito.
"ITO NA!!!"
May pagtingin ito kay Rheena mula noong High school pa lamang ngunit ang torpe nito, gwapo naman siya pero nabansagan siyang nerd dahil sa salamin nito, iwan ko ba sa tao ngayon kapag ba nakasalamin ay nerd na!!!? Ako nga rin eh nabansagan ring nerd dahil sa salamin na suot suot ko at hindi ako palaayos kaya mas lalo akong naging nerd sa tingin nila kaya inalis ko ang pagsasalamin ko ng dahil kay Dave, wala namang sira ang mata ka , gusto ko lang magtago dahil ayaw kong may makakilala sa akin pero ang tadhana talaga kapag umibig ka hindi mo talaga mapipigilan kaya inalis ko ito at inayos na ang pananamit ko. Kahit naman papano di siguro ako makilala ng kakilala ko.
"Jelly! Ikaw na ang bahala sa mga papasok, paalalahanin mong dalhin nila ang kanilang pinagkainan"
Pumunta sila sa pwesto nila.
Tumungo rin ako sa labas.
Ako ang kukuha ng mga Ticket nila at tatakan ang pulupulsohan nila.
Sa ngayon ay marami-rami na kaming nandito , papatapos na kasi.
Maramirami na ang nakapasok.
Nakakainggit naman.
Binabalik balikan ito ng estudyante , patok ito sa kanila dahil dito maraming nagkaroon ng kasintahan, ang magkakaibigan , magbestfiend ay nauuwi sa pag-iibigan..
Ikaw ba naman, NO DATE, NO ENTRY POLICY!!! sino ba ang hindi magkakaroon ng kasintahan!!
Napakunot ang noo ko nang may naglagay sa mesa ko ng tatlong ticket.
Napaangat ako dito.
"Di pweding dalawa" tinaasan ko siya ng kilay at sinulyapan ang dalawang babaing kaakbay niya.
Inalis niya ang pagkakaakbay rito.
Napaabanti ako ng bigla itong yumuko.
"Di niyo naman nilagay jan na bawal."
Ipinagsak ko ang kamay ko.
"Sinabi ngang di pwede eh! 'San mo ba yan papaupuin? Sa sahig?!!!" Inis kong wika habang nilakihan ko siya ng mata.
"Ba't ba galit ka!!"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Naiinis ako sayo!!
"Dahil ba ito kahapon?"
Mas lalo akong nainis sa sinabi nito.
"Wag mo nga 'yon ipaalala sa akin!!"
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
РазноеNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.