CHAPTER 14

120 10 1
                                    

"Para saan niyan?" Takang tanong sa akin ni Carl nang nilahad ko ang bag na naglalaman ng pagkain.

"Baka masabi mong wala akong utang na loob, pasasalamat ko iyan sayo."

"Okey" parang napipilitan niyang sabi 

Ngumiti ako sa kanya ng magkamot siya sa ulo.

"Wala na akong utang! Bye!!" Masaya kung wika at umalis ng mabilis.

Napaisip ko kagabi na dapat di ako magalit kay Carl, tinulungan niya akong mapalapit kay Dave.

Patungo ako kay Dave , sakto naman na marami akong niluto kaya naisip kong ibigay ito kay Carl upang di niya ako masumbatan pa.

Masaya akong natatanaw siya sa ilalim ng puno.

Napangiti ako ng umangat siya ng tingin at binigyan niya ako ng ngiti.

Agad kong inilapag ang telang dala ko at inayos ang mga pagkain.

"Hindi halatang pinaghandaan mo ito."

"Ito kaya ang una nating kumain dito."

Hinila ko siya upang umupo sa tabi ko.

Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya ng makita niya ang niluto ko.

Nagluto ako ng adobong pogita,   fried squid at coconut shrimp nalaman ko kasi na mahilig pala siyang kumain ng seafood, sa dalas  ng pagsabay naming kumain ay hindi ko siya narinig na nagreklamo, kinakain niya kung ano ang nanjan.

Inabutan ko siya ng leche plan ng matapos siyang kumain.

"Ikaw rin ang nagluto nito?

"Oo"

"Nagustuhan mo ba ang mga hinanda ko?"

Tumago siya.

"Umalis ka kagabi?"

"Hindi na ako umalis ng ihatid mo ko kagabi." Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko. Nagsalubong ang kilay niya ng di niya ako naunawaan.

"Nag-order ako, may mga selling online at free shipping  , kaya hindi ako masyadong nahihirapan upang mahandaan kita ng pagkain at saka nakakatipid rin dahil narin naging suki na ako sa kanila"

"Lalaki?"

"Lalaki?" Taka kong tanong.

"Ang naghatid!"

Tiningnan ko siya sa mukha, seryoso ba siya sa tanong niya! Di ako makapaniwala na naitanong niya ito.

"Gabi-gabi kayong nagkikita!"

Lumaki ang mata ko.

"Anong pinagsasabi mo jan Dave!"

Inismiran niya ako.

Nagseselos ba siya?

"Dave! Nagseselos ka ba?" Sa wakas ay natanong ko na ito sa kanya.

Nakita kong namula siya.
Napangiti ako at kinilig.

"Babae ang naghahatid hindi lalaki."  Abot tingga kong ngiti sinabi ito.

Narinig ko ang buntong hininga niya.

Napahawak ako sa noo ko dahil nakaramdam ako ng init.

"May gagawin ka ba bukas?" Tanong niya.

Yayain ba niya ako ng date?

"Wala naman bakit?" Kaba kong tanong.

"May bibisitahin ako"

MAGIGING AKIN KA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon