Limang buwan na ang lumipas nang nangyari iyon, pero napakasariwa pa ito sa dibdib ko.
Natatanaw ko na ang mansyon namin.
"Namimis ko na itong bahay natin" wika ni mommy.
Pagpasok namin ay naging abala ang mga tao doon para sa malaking celebration bukas.
"Magpahinga ka na upang hindi ka mapagod bukas."
Hinalikan ko si mama bago ako tinungo ang kwarto ko.
Agad kong niyakap ang unan ko at umiyak.
Bakit?
Bakit na narito parin ang sakit!
Ginawa ko ang lahat upang makalimutan siya.
Kalahati na ng mundo ang nalibot ko ngunit bakit masakit parin!!!
Nagpapasalamat ako sa mga magulang kong hindi nila ako sinumbatan sa paglalayas ko, inunawa nila ako at niyakap ng wala pag-alinlangan.
Dapat ko ng suklian ang lahat ng kabutihan ng aking mga magulang.
Tama nga sila!
Alam ng mga magulang kung ano ang tama.
Siguro kung nakinig lang ako, sana hindi ako nasasaktan ng ganito! Di sana di ko siya makilala.
----
Inikot ako ni Cheychay habang tinitigan niya ang buo kung katawan."Grabi! Hindi pa kita inayosan pero napakaganda mo!!"
Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa sinabi nito.
Agad niya akong inayosan ng mapansin di ko siya kinikibo.
"Perfecto!!!"
Nakita ko ang repleksyon ko.
Aanhin ko ang gandang ito kong di ko naman makukuha ang taong mahal ko.
"Pero ang kulang nalang sayo ay 'yong ngumiti ka."
Sinubukan kong ngumiti.
"Yan!! Tama yan!"
Hindi mo talaga makikita ang totoo pagkatao ng isang tao paghindi mo ito pag-aralang mabuti.
Dahil kapag magtiwala ka masasaktan ka lamang.
Akala ko totoo lahat ng pinaramdam niya sa akin pero mali pala ako.
"Nakoo teh! Wag kang umiyak!!"
Inayos niya ang mukha ko.
"Salamat sa mga dumating sa gabing ito, napakasaya namin dahil dumating na ang araw na kinahihintay naming ipagdiriwang ang nalalapit na kasal ng anak ko at anak ng kumpare ko."Lets welcome my Elisse Anne William and Stave Montevilde."
Nanigas ako ng marinig ito.
"Lumabas ka na!"
Nanginginig ang tuhod ko habang mahina ko itong hinakbang pababa.
Napapikit ako ng tumama ang ilaw sa mga mata ko.
Nang naging malinaw na ito.
Halos mapuno rin ang labas ng mansyon namin.
"Hi"
Napalingon ako sa kanya.
Nilahad niya ang kamay niya sa akin.
Napilitan kong abutin ito.
Mas lalong lumakas ang kanilang palakpak ng halikan niya ako sa kamay.
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
AcakNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.