Inis akong napabangon ng may nagkalampag sa pinto ko.
"Hoy! Jelly! Lumabas ka jan !"
Napakuha ako ng unan ko at tinakip ko sa dalawa kong tingga.
"Tong bata to! Pagdi ka lumabas jan eh itatapon ko to sa basurahan ang package naito!!!!!"
Napabangon ako agad ng marinig to.
Muntik pa akong na tumba dahil sa nagkalat na basura sa sahig ko.
"Sus maryosep! Anong kabang bata ka! 'San ka ba nangaswang at nagkaganyan ang pagmumukha mo!? "
Napakamot ako sa ulo ko.
"Akin na po 'yan." Hindi ko pinansin ang tanong ni Aling Lina siya ay land lady sa dorm na tinitirahan ko.
Binigay niya sa akin ang isang di kalakihang box.
"Nako! Tong batang to! Wag kang palaging magmukmuk sa kwarto mo! Kung wala kayong pasok dapat ay mamasyal ka para makahinga karin ng fresh air." Pangangaral nito sa akin dahil kapag week end kasi ay nagkukulong lang ako sa kwarto ko.
"Opo!" Sagot ko nalang at nagpasalamat bago ko masarhan ang pinto ay inaanyayahan pa akong magtanghalian.
Nagtataka ako kung bakit may nagpadala sa akin?
Ano kaya to??
Sino kaya ang nagpadala sa akin nito.
Napaupo ako sa higaan at nilagay ito sa gilid ko.
Napatingin ako sa paligid.
Napakalat ng aking sahig, may tissue, mga selopin , bote at pinagtake-out kong pagkain.
Napabaling ako sa salamin na nasa gilig ko.
"OH MY GOD!!!" napasigaw ako at agad napalapit dito.
Namamaga ang ilalim ng mata ko at nangingitim dahil ito sa kakaiyak ko kahapon at ang buhok kong parang pugad at kulang nalang tirahan na ng ibon.
Napatayo ako at dali-daling binuksan ang maliit na ref. ko upang kumuha ng yelo para sa namamaga kong mata.
Nabitawan ko ito nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na ito pinulot at agad na kinuha ang cellphone na nasa higaan ko.
"Anne!! Kamusta ka na??" Bungad agad nito ng nasagot ko ito.
"Sy ikaw ba yan?" Galak kong wika.
"Oo ako nga to!!" Sagot na nasa kabilang linya.
"Kamusta ka na!? Ba't ngayon ka lang tumawag huh!!!" Nagtatampo kong wika dahil higit isang buwan na itong di nagparamdam.
"Sorry na grounded kasi ako dahil nakagawa na naman ako ng di nagustuhan nila mommy at daddy nakarating na ba saiyo ang box na pinadala ko???"
"Sayo pala ito.?? Ano ba to?!" Wika ko at kinuha ito at niyogyog.
"gayuma yan!"
"GAYUMA???!!!" gulat kong wika.
"Oo! Nakalimutan mo bang nasabi mong meron kang gustong eh gayuma?!"
Napatampal ako sa noo ko.
Nagbibiro ako noong pinag-usapan namin 'yon.
"Nagbibiro lang naman ako noon eh!!"
"BA'T DI MO SINABI!!! PINAGHIRAPAN KO PA YANG KUNIN ! KAYA NGA AKO NA GROUNDED NG DAHIL JAN! ALAM MO BANG TATLONG BUNDOK ANG NADAANAN KO BAGO KO YAN NAKUHA!!!" Napalayo ko sa tinga ko ang cellphone dahil sa sigaw nito.
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
RandomNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.