CHAPTER 8

145 9 1
                                    

Nilibot ko ang aking paningin na nagbabakasaling magpapakita na si Dave, ilang minuto nalang ay magsisimula na ang contest, siya ang representative ng kanilang kurso para sa singing contest, maganda ang kanyang boses at magaling magpatugtug ng piano, mas lalo siyang nakilala ng mga kababaihan nang dahil dito.

"Miss! Pwede bang wag kang haharang, di ko makita ang stage!"

Napalingon ako dito, tinaasan ko siya ng kilay.  "Di pa naman nagsisimula ah!"

Di na siya nagsalita at napatitig sa akin.

Inirapan ko siya.

Nasa unahang upuan ako nakaupo , dalawang oras na akong nakaupo dito, sinigurado ko talagang ako ang mauuna dito sa pwestong ito.

Tatlong araw ng lumipas ngunit di ko parin nakikitang pumasok si Dave pagkatapos ng araw na iyon.

Pinuntahan ko siya sa Condo niya pero wala siya, di ko naman matyimpuhan ang mga kaibigan niya dahil abala rin ito sa pagsasanay at naging abala rin ako dahil ako ang incharge sa aming mini cinema , ako lang daw ang walang sinalihan.

Di rin kami masyadong nagsasama ni Rheena dahil sumali siya sa MISS UNIVERSITY OF ADLER  , lalo na ngayon na di ko siya nakita ngayong araw dahil pinaghandaan niya to lalo dahil bukas ng gabi na ito.

Nagsimula na at wala parin siya pati ang kaibigan nito, natawag na ang aming kurso ay wala parin ito, di ako mapakali simula ng makauwi siya sa araw na iyon hanggang ngayon.

Marami akong tanong.

Kung tumalab ba ito sa kanya o wala dahil kung Oo bakit hanggang ngayon di pa rin siya nagpapakita.

Baka wala dahil ayaw niya akong makita.

Napaalis ako ng aking upuan ng makitang iba ang pumunta sa stage nang tawagin na ang kurso nila.

Napatakbo ako patungo sa back stage.

Hinanap ko ang incharge sa contest  pero di ko ito malapitan dahil abala ito sa ibang contestant, agad akong napatakbo sa contestant sa dance competation, hinanap ko sila Brent, Carl pero isa sa kanila ay wala. Naisip ko si Red, baka nandoon si sa gym, kasali ito sa basketball , nag-iinsayo sila para sa championship bukas.

Nang makarating ako doon ay natuwa ako dahil naroon si Red pati na si Carl at brent , oo nga pala versity player din sila , nilibot ko ang paningin ko nagbabakasaling narito rin si Dave dahil kasali rin siya bilang substitute player pero wala talaga kahit anino niya ay wala.

Nakita kong papalapit sa akin si Carl at nakangiting malapad.

"Nasaan si Dave?" Agad kong tanong ng mapalapit ito sa akin.

Napasimangot ito.

"Siya parin ba! Akala ko pa naman ako ang hinahanap mo!"

"Di ako naglulukuhan sayo Carl! Please sabihin mo naman sa akin! Malapit na akong mabaliw dahil di ko alam kung nasaan siya!"

Bumuntong hininga ito.

"Umuwi siya sa kanila"

"Umuwi? Bakit ?"

"'Yan ang di ko masasagot"

"Magpinsan  naman kayo diba? Baka naman may masamang nangyari sa kanila kaya umuwi siya."

"Siguro meron---- nagkibit balikat ito at tinigan ako ng mabuti --------merong  gustong iwasan." Mahina nitong sabi pero rinig na rinig ko ito at paulit-ulit itong naririnig nang utak ko.

Napalaki ang mata nito ng makitang lumuluha ang mata ko. Nalilito siya kung paano ako tatahanin, nang magtangkang lumapit ito sa akin ay agad ko siyang tinalikuran.

MAGIGING AKIN KA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon