Nginitian ako ni stave ng makita niyang lumabas ako sa sasakyan.
Nangilabot ako ng halikan niya ako sa pisnge.
"Mabuti naman at nakapunta ka dito."
Wala akong magawa kundi sundin ko sila , nadismaya sila dahil sa pag-alis ko ng maaga at hindi nagpapaalam.
Ngumiti ako ng pilit.
Hinawakan niya ako sa pulupulsuhan.
Dinala niya ako sa may Pool area.
"For you"
Inabot ko ang bulaklak na ibinigay niya.
"Alam kong naninibago ka kaya sana hayaan mo akong iparamdaman ang pagmamahal ko saiyo."
Ang salitang yan.
Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.
Oo ngat hinayaan niya ako pero sa huli sasaktan niya pala ako.
"Ayos ka lang ba Elisse? may problema ka ba? May sakit ka ba?"
"Oo , pasensya ka na kagabi hindi ko sinadyang gawin 'yon sayo, tama ka naninibago pa ako, hindi ako makapaniwala ang bilis ng panahon nagkita tayo ulit."
Naging mabuti siyang kaibigan ko noon pero mas malapit ako kay Dave dahil hindi niya ako pinagbabawalan at hinahayaan niya akong gawin ang gusto ko bilang isang bata.
Naramdaman ko ang palad niya sa ibabaw ng kamay ko.
"Oo nga, napakabilis tingnan mo ngayon ikakasal na tayo, hindi ko lang alam kong natatandaan mo pa na nasabi ko sayo noon na gusto kitang pakasalan pagtanda natin pero ---
"Tinanggihan kita"
Natatandaan ko iyon.
Tinanggihan ko siya dahil wala pa ito sa isip ko.
Napakabata ko pa noon.
Naging magaan naman ang loob ko sa kanya , may pinagsamahan naman kami noon.
-----
"Napakaganda mo" wika ni Stave ng makababa ako sa hagdan.
Inilahad niya ang kamay niya.
Tinanggap ko ito.
Tinatanggap ko na ang lahat.
Lahat
Pati ang maging asawa siya.
Kailangan kong tanggapin ang lahat upang wala ng masaktan pa.
Kinakabahan ako.
Nang makita ang familiar na hinintuan namin.
"Pasensya ka na, sila kasi ang may gusto na dito raw tayo, gusto nilamg magdiwang dahil sa ikakasal na ako."
Tumango ako ng pilit.
Nilagay niya ang kamay niya sa baywang ko.
Gusto ko itong alisin pero dapat ko ng sanayin ang sarili ko.
Napahinto ako sa paglakad ng makita ang nasa loob.
Marami-rami sila
Narito sila Brent at Carl kasama si Dave .
Napapitlag ako ng biglang may sumabog.
"Congratulation!!" Sigaw nila. Hindi ko sila kilala
Nginitian ko sila.
Pinakilala ito sa akin ni Stave.
Nalaman kong nakasalamuha ko rin pala sila noong bata pa kami.
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
De TodoNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.