CHAPTER 20

132 9 1
                                    

Namula ako ng makita ko si Dave ng mabitiwan nya ang hawak niya pizza.

Agad siyang napatakbo sa akin at bigla niyang hinubad ang tshirt niya.

"Isuot mo yan!!" May galit niyang wika.

"Bakit ko naman niyan susuotin!!!"

"Ayaw kong may makakita sayo ng iba!!!"

"Bakit!! Ikaw nga eh! Kita yang katawan mo!!!" inis kong wika habang tiningnan ang katawan niya.

"Magbibihis ako kapag isusuot mo yan!!"

"Ayaw ko!!" Pagmamatigas ko.

Tinalikuran ko siya.

Pero bigla niya akong inakbayan."okey! Basta hindi ka lalayo sa akin."

Naging masaya ang kainan namin.

"Meron nga pala kaming sasabihin sa inyo." Biglang wika ni Dave at hinawakan ang kamay ko.

Itinaas niya ang kamay naming may singsing.

Napatili si Rheena sa tuwa.

"Congratulations!" Pagbati nila sa amin maliban kay Carl.

"Kailan ang kasal ninyo?" Masayang tanong ni Rheena.

"Kapag naayos na ang mga papeles namin." Sagot ni Dave.

"Double celebration pala tayo.!" Wika ni Red.

Naging masaya ang araw namin, naglalaro kami ng valleyball sa dagat habang sakay kami sa leeg ng kalalakihan, nagtakbuhan, nagbibiruan at nagsasayahan.

---

"Mauna kana Rheena , matatagalan pa ako" Wika ko kay Rheena dahil baka mainip siya.

"Okey."

Natagalan ako dahil inayos ko pa ang buhok ko bago ko isinuot ang wig ko at pinalitan ko ang contact lense sa mga mata ko.

Nang makalabas ako ay nagulat ako dahil nakita ko si carl na naghihintay.

Agad kong iniwasan ang tingin ko ng tinigan niya ako.

"Gusto ko sanang mag-usap tayo."

Tumango ako at sinundan siya.

"Kailan mo ba sasabihin sa kanya ang totoo.?"

"Hindi ko pa alam."

Tumago siya.

"Masaya ako at binalikan mo siya at pasensya na----

"Wag ka ng humingi ng tawad, naunawaan kita." Wika ko.

"Salamat pero sana maging masaya ka sa piling niya."

Nangingilid ang luha ko dahil ramdam ko ang sakit sa dibdib niya, kahit na may nararamdaman siya sa akin nagparaya siya, tinulungan niya ako upang mapalapit kay Dave at Binuksan niya ang mata ko upang malaman ang totoo.

"Pwede ba kitang mayakap kahit sandali lang."

Tumango ako.

Tumulo ang luha ko ng maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap.

"Sana ako nalang ."

"Makakahanap karin ng iba."

---

Masakit ang dibdib ko hindi dahil sa pag-uusap namin ni Carl kanina kundi dahil kay Dave.

Hindi niya ako kinikibo hanggang sa makauwi kami.

MAGIGING AKIN KA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon