"Nakakainis!!!" Habang sinusuklayan ko ang aking buhok, pumunta mo na ako ng banyo upang mag-ayos, bago ko hahanapin si Dave.
Ayaw ko namang humarap sa kanya na magulo ang buhok ko, dapat ay maganda ako
May pumasok.
At ang palaka pa!!
" huh! At pumunta ka pa dito!" Tiningnan ako nito ng masama , linapitan niya ako ng may kinuha ako sa bag ko ng kutsilyo!
"Sige lumapit ka at susugatan ko yang napakapangit mong mukha!!!"
"Charo! Tama na yan! Baliw ang babaing yan!" Sabi ng kasama niyang muchahang palaka!.
Napatawa ako!! Huh charo?? Bagay nga sa kanya ang pangalan niya, kinakalawang na!!! Hahahaha
Umiiling ako habang lumabas ng banyo. Magpasalamat nga sila at hindi ko na sila pinatulan, ayaw kung maistress ang beauty ko.
Haharap pa naman ako sa aking sinta.
Napakagat labi ako ng makita na siya, nasa ilalim siya ng malaking puno , habang seryoso siya nagsusulat sa kanya kwaderno.
Ano kaya ang ginagawa niya?
Siguro nag-aaral.
' yan ang isang nagustuhan ko sa kanya, inuuna niya ang kanyang pag-aaral kaysa lumandi , di katulad ng kanyang mga kaibigan, kaya naiinis ako pagsinasama nito si Dave sa bar.
Mahina akong naglakad at nasa kabila ako ng puno , at umupo mo na habang nasa kabila naman si Dave.
Ayaw ko mo na siya abalahin dahil baka magagalit na naman ito.
Napapikit ako ng humangin.
Napakasarap sa ginhawa.
Naalala ko noong una ko siyang nakita.
Bagong lipat ako dito sa Quezon, lumabas ako upang maggrocery , nakasakay ako sa jeep at nakatingin sa labas, gusto kong makabisado ang mga nadadaanan namin, huminto ang sinasakyan kung jeep dahil merong sasakay.
Umuulan na.
May tumabi sa akin.
Ang bango niya.
"Meooow, meoooow ----
Napabaling ako sa kanya ng marinig ko iyon.
Napatitig ako sa pusang hawak ng katabi ko.
Nakabalot ito ng tela o parang jacket.
Napagtanto ko na nakita niya ito sa daan dahil imposible naman na dinala niya ito at hahawakan lang nito dapat meron kang paglalagyan nito at masama pa ang araw ngayon, mas lalong tumibay ang aking pananaw na tinulungan niya ito dahil may sugat ito at mapayat, napakabait niya tao, napatingala ako sa aking katabi upang makita ito.
Napaawang ang aking labi ng makita ang mukha nito.
Napakaperpekto ng mukha, ang hugis ng kanya mukha, ang kilay nitong napakaitim , ang pilik matang mahahaba, at ilong na matangos at ang labing napakapula.
Napalunok ako.
Malaya akong mapagmasdan siya dahil nakapikit ito, parang pagod ito dahil mabibigat ang paghinga nito pero hindi parin ito mahahalata dahil sa gandang lalaki nito, napakinis pa ng mga balat nito .
Napalaki ang mata ko ng magmulat ito.
Napabaling ako agad upang di niya mahalata na nakatitig ako sa kanya
Napakalakas ng aking dibdib at para bang may nagwawala sa aking tiyan.
Hindi siya mawala sa aking isipan hanggang makita ko siya sa unang pasukan sa paaralan, nasa unang taon na ako sa koleheyo sa kursong Education, matagal ko na itong pinapangarap na maging guro, labing-siyam na ako.
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
AcakNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.