"Hey! Kanina ka pa tulala" napatingin ako kay Cassy na ngayon ay na sa harap ko habang kumakain ng pizza. Napangiti ako at agad na kumuha ng pizza sa box na nasa gitna namin. Hinid ko namamalayan na kanina pa pala ako nakatulala.
"Sorry haha may iniisip lang" saad ko sa kanya kaya napairap siya. Nandito kami ngayon sa tent. 5 pm na at mamayang 6 pm ay may activity ulit kami kaya't nagpapahinga na muna kami ngayon.
Matapos ang nangyari kanina na tungkol sa sinabi ni Cayden sa akin ay agad na niyang ibinigay sa akin ang cellphone ko at agad na umalis. Hindi ko nga alam kong pinagtritripan niya lang ba ako o seryoso siya sa sinabi niya. Siguro nga joke niya lang yun. Oo tama! Kaya self huwag kang maniniwala.
"Uy! Tulala ka ulit!" napailing iling nalang ako sa sarili ko. Gosh! Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Omg! Don't tell me na may nangyari!" gulat na gulat si Cassy habang nakatingin sa akin kaya natawa nalang ako sa itsura niya. "Wala no! Oa ka talaga" saad ko kaya napairap siya sa akin.
"Ikaw nga yung may hindi sinasabi sa akin" sabi ko kaya nakita ko ang pagkagulat niya at biglaang pamumula. "Awieeeee ano yun ha? Sabihin mo na" pangungulit ko sa kanya kaya agad siyang napangiti ng malapad sa akin.
"Ang totoo niyan, Me and Inigo are dating" mahinang saad niya kaya agad akong napatili kung kaya't agad niyang tinakpan ang bibig ko habang tumatawa. "I knew it! Alam kong mangyayari to!" sabi ko at sabay kaming nagtilian.
Napatigil nalang kami ng biglang mag ring ang phone niya at nakita ko sa screen na si Inigo yung tumatawag. "Omg! I'm gonna answer this call muna" saad niya habang kinikilig pa kayanatawa nalang ako habang pinagmamasdan siyang nagmamadali sa paglabas ng tent.
Napahiga nalang ako at agad na inabot yung isang maliit na rose na dala ni Cassy kanina. Pumitas ako doon ata gad itong pinagmasdan habang nakahiga ako.
Agad kong pinitas ang bawat talulot nito.
"He loves me"
"He loves me not"
"He loves me"
"He loves me not"
"He loves me"
Napapikit nalang ako habang nakahawak sa huling talulot ng rosas. "He loves me not" hindi ko mapigilan ang masaktan habang iniisip ko na siguro kaibigan lang talaga ang tingin sa akin ni Heiro. Ang tanga ko sa part na linagyan ko ng malisya ang kabaitan niya.
It hits me hard knowing the fact that, even the last petal told me that he loves me not.
"Yeahy!" Umalingawngaw sa buong kapaligiran ang kasiyahan lalo na nang malagyan na ng apoy ang ginawang bonfire ng mga ssg officers.
Malamig ang kapaligiran kung kaya't tamang tama lang ang ginawang bonfire upang mainitan kami. Nakapalibot kami sa bonfire at hindi na rin by section kung kaya't depende na sa circle of friends ang magiging katabi mo.
"Oh, masarap to" napatingin ako sa katabi ko na si Cassy na ngayon ay inaabotan ni Inigo ng stick ng marshmallow na ininit niya. Agad namang namula si Cassy at agad na kinuha ang stick kay Inigo. Awieee pabebe pa to.
"Eat this" napaangat ang tingin ko kay Cayden na ngayon ay nasa harap ko at inaabot sa akin ang marshmallow kung kaya't agad akong napaiwas ng tingin ng makuha ito sa kanya. Ewan ko piro lumakas ang tibok ng puso ko ng tumabi siya sa akin. As in sobrang dikit niya sa akin lalo na't uminsert lang siya sa pwesto namin.
Puno ng tawanan at kwentohan ang lahat habang ako ay nananatili lang na tahimik sapagkat wala namang akong kausap. "Guys! Lets play a game!" sigaw ni Jaine na siyang Vice president ng ssg kung kaya't agad na sumang-ayon ang lahat. "And no kj!" dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
I watched him fall for someone else
General FictionAstrid Ortega has been friends with Heiro since the day they were little. She was always there when Heiro started his career in singing and joining the band till he was discovered and become an Idol. Heiro knows everything about Astrid but only one...