K A B A N A T A 21

388 11 0
                                    

"CATBALOGAN!" napatingin ako doon sa sigaw na yun kaya't agad akong sumakay sa bus na tinutukoy ng konduktor.

Nang makaupo na ako sa bandang may bintana ay agad kong nilagay doon ang mga gamit ko.

6 am na ngayon ng umaga at isang sakay na to para makauwi na ako sa bahay ng mga kamag-anak namin.

Buong biyahe ay hindi ako kumakain dahil wala din naman akong pambili kaya tubig nalang tung iniinon ko para magkalaman ang tiyan ko.

Nang mapuno na ang bus ay agad na itong umandar kung kaya't napasandal ako doon.

"Uhm? Excuse me miss? May nakaupo ba rito?" napatingin ako sa lalaking kasing edad ko rin na may dala ding bagahe kung kaya't agad akong napailing at kinuha ang mga gamit ko at nilagay iyun sa akin.

"Galing ka sa manila?" napatingin ako sa lalaking katabi ko ng sabihin niya iyun kung kaya't ngumiti nalang ako at napatango. "Bakit?" Tanong ko sa kanya kaya ngumiti siya at sumilay sa pisnge ang dimple niya.

"Wala, halata kasi sayo na hindi ka taga probinsiya" saad niya sabay bigay sa akin ng mansanas kaya nagulat ako. "Sayo na, marami pa naman ito. Hindi ko naman to mauubos" sabi niya sabay pakita ng supot ng mansanas kaya pilit akong tumatanggi sa kanya dahil nakakahiya. "Masama ang tumatanggi sa grasya" ani pa niya kaya tinanggap ko nalang iyun.

"By the way, I'm James Sartiga" saad niya sabay lahad ng kamay niya kaya agad akong nakipag shake hands sa kanya. "Astrid. Astrid Ortega" saad ko sabay ngiti.

Naibaling ko ang tingin ko sa labas ng makita kong na sa San Juanico bridge na kami. Totoo pala ang sabi ni mama. San Juanico bridge is the longest bridge in the philippines at sobrang ganda pa nito.

 San Juanico bridge is the longest bridge in the philippines at sobrang ganda pa nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Salamat pala dito" saad ko kay James dahil nakalimutan kong magpasalamat sa kanya. "Maliit na bagay" ani pa niya sabay ngiti ulit sa akin at agad na nagsuot ng earphone kaya ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa labas ng bintana.

Biglang sumagi sa isip ko sina Cassy at  ang banda na The Hives. Sa pagkakarinig ko kasi ay ngayon din yung alis nila papuntang canada para sa audition.

Miss ko na sila, lalo na si Cassy. Sana hindi siya magalit kapag malaman niyang umalis ako ng hindi nagpapaalam.


"Hey are you okay?" napatingin ako kay James ng sabihin niya iyun. Sumagi naman sa isip ko ang mukha ni Cayden. Palagi niya kasi akong tinatanong ng ganun.

"Ahh okay naman" sabi ko sabay iwas ng tingin at agad na pinunasan ang luha ko sa mga mata na hindi ko na mamalayan na tumulo na pala.

"Are you sure? Alam mo kung may problema ka, you can tell me naman. Ika nga nila, its better to tell your problems to stranger dahil no judgements" sabi niya kaya natawa nalang ako sa kanya.

I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon