"Omg! What if he likes you too?" gulat na saad sa akin ni Cassy na ngayon ay kaharap ko habang nakaupo kami sa loob ng tent.
Day 2 na namin ngayon dito sa Camp Magayon at 9 am naman magsisimula ang open forum namin kung kaya't ngayon palang ay nag-aayos na kami.
Matapos mangyari yung kagabi ay napatigil nalang kaming lahat dahil sa kinilos ni Heiro. Paano ba naman kasi eh galit itong umalis kaya napagpasyahan na din nila na tumigil na't magpahinga.
kaya ganito nalang mag hysterical si Cassy sa akin ngayon dahil kesyo daw baka nagseselos si Heiro sa amin ni Cayden.
"I told you, nagagalit lang talaga siya kapagmalapit ako kay Cayden" simpleng saad ko habang nililigpit ko ang mga kalat. "That's the point nga, nagagalit siya because he's jealous" ipinaglalaban niya talaga na may gusto si Heiro sa akin kaya napairap nalang ako sa kanya.
"Stop saying those things Cassy, mas lalo akong umaasa niyan e" saad ko sa kanya kaya napangiti siya. " Believe me Astrid, pakiramdaman mo si Heiro. Maybe he's in denial now kaya hindi niya malaman na may feelings siya sayo but try to observe his action. Makikita mo talagang gusto k niya" sabi pa niya kaya mas lalo gumulo ang isipan ko.
Agad na kaming lumabas sa tent ng mag 9 am na at agad na dumiritso sa grass field na kung saan ay doon sila nagtipontipon.
"Hi" bungad sa amin ni Cayden habang nakangiti kaya napaiwas ako ng tingin. "Hi Cayden! Pasensya kana sa bestfriend ko hindi lang kasi maganda ang gising niyan" dinig kong saad ni Cassy habang nakapulopot ang kamay nito sa akin.
Nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa ibang direksyon dahil hindi ko talaga siya kayang tignan lalo na't dahil sa ginawa niyang paghalik sa noo ko kagabi.
"Tara na" saad ko at agad na nagmamadaling umiwas at agad na nakihalubilo sa mga kaklase namin. "Anong drama yun ha?" tanong ni Cassy kaya nagpatay malisya nalang ako.
"Uy girl ang haba talaga ng hair mo!" Bungad sa akin nila Gina na siyang kaklase din namin kaya napakunot-noo ako.
"Oo nga girl, dinaig mo pa si Rapunzel sa sobrang haba ng hair mo!" dagdag naman ni Rose na siyang kaklase din namin at kaibigan ni Gina. Kahit papaano ay kaibigan ko din sila sa school kaya kinakausap nila ako.
"Bakit?" tanong ko sabay tingin kay Cassy na ngayon ay kasama na si Inigo. Hayst, yang babae talagang yan basta-basta nalang nawawala.
Naibaling ang atensyon ko kina Gina ng hawakan ni Rose ang kamay ko. "Syempre pinag-aagawan ka ng dalawang magkapatid na Rivas!" ani ni Rose habang kinikilig pa kaya nagulat ako sa sinabi niya. "Ha? Hindi naman. Ano ka ba? huwag kang mag-isip ng ganyan. Ayoko ng issue" saad ko kaya napaismid sila sa akin.
"Obvious kaya lalo na nung nangyari yung ka gabi! Ang swerte mo naman" saad naman ni Gina habang nakangiti sa akin piro ramdam na ramdam kong plastik lang yun.
"Magkakaibigan lang kami, pinagtripan lang ako ni Cayden kaya ganun" pagdedepensa ko kung kaya't napataas sila ng kilay sa harap ko.
"Magkakaibigan daw piro parang may something" dinig kong bulong ni Gina kaya nagbingibingihan nalang ako sa sinabi niya.
"Alam mo ba girl ng dahil sa nangyari ka gabi ay naghiwalay si Heiro at Liana" gulat akong napalingon sa kanila ng marinig kong sinabi yun ni Rose. "A-Ano?" tanong ko ulit sa kanila kong kaya't napakunot noo sila.
"Hindi mo pa alam na hiwalay na sila?" tanong nito at kay sinabi pa piro hindi ko na nadinig sapagkat agad kong ibinaling sa iba ang atensyon ko.Pilit na hinahanap ng paningin ko ang presensya ni Heiro. Mula sa malayo ay nahagip ng paningin ko ang grupo mg bagong mga kaibigan ni Liana na mukhang kino-comfort siya. Nakita ko din ang pulang pulang mga mata ni Liana kaya agad akong napaiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
I watched him fall for someone else
Fiction généraleAstrid Ortega has been friends with Heiro since the day they were little. She was always there when Heiro started his career in singing and joining the band till he was discovered and become an Idol. Heiro knows everything about Astrid but only one...