K A B A N A T A 6

562 26 0
                                    

"So today, nandito tayo ngayon sa 100 staircase of Magalon!" masayang saad ni Ma'am Elena na isang tour guide namin. 2pm na kung kaya't medyo mainit parin kaya napalunok nalang ako habang nakatingin sa napakataas na hagdan na aakyatin namin.

"C'mon let's go!" Sigaw nila at nagsimula ng umakyat. "Tara, dahan dahan lang tayo" saad ni Cassy habang nakahawak sa kamay ko kaya napatango nalang ako habang may hawak na pamaypay.

Agad na kaming nagsimulang umakyat sa hagdan. Kami ang pinakahuli sa lahat  sapagkat karamihan sa kasamahan namin ay nasa pinakatuktok na.

"T-Teka lang" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Nakaka sampung hakbang palang kami pero nahihirapan na agad akong huminga.

"Uy relax ka lang" natatarantang saad ni Cassy habang pinapaypayan ako. Agad akong napapikit habang nag e-inhale at exhale hanggang sa kumalma na ang pakiramdam ko.

I have an asthma kaya ganito yung nararamdaman ko, umaatake talaga ito kapag na prepressure ako o napapagod.

"Sakay ka" nagulat ako ngakita si Heiro sa harap ko na ngayon ay nakatalikod. "H-Hindi na, kaya ko naman" pagtatanggi ko sa alok niya at aakyat na ulit sana ng hawakan niya ang kamay ko kung kaya't napatingin ako sa kanya.

"Pumayag kana Astrid, mahirap na baka hikain kapa dito" saad ni Cassy sabay kindat sa akin kaya napairap nalang ako sa kanya. Nadinig ko pa ang malakas na tawa niya at tuluyan ng nauna sa amin.

"Ang tigas talaga ng ulo mo" saad ni Heiro ng sumampa na ako sa likod niya. "Masyado akong mabigat. Mahihirapan ka lang" mahinang saad ko ng tumayo na siya kung kaya't mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.

"Pwede namang magpahinga kung napapagod na" saad niya habang umaakyat kaya hindi na lang ako nagsalita.

Umukit sa mga labi ko ang matamis na ngiti. Hindi mapigilan ng puso ko ang magdiwang dahil sa ginawa ni Heiro ngayon. Palihim ko din siyang inaamoy. Kahit talaga anong gawin niya ang bango niya parin.

"Huwag mo akong amuyin, nakakahiya amoy pawis ako" saad niya kung kaya't napatigil ako sa ginagawa ko. Gosh! Hindi ko inakala na masyadong obvious na pala ako.

Nakita kong hingal na hingal na si Heiro habang nasa gitna na kami nghagdan, siguro pang 50 step na ito.

"Pahinga ka muna Heiro, pagod na pagod kana" sabi ko kung kaya't agad akong bumaba sa likod niya at agad siyang pinaypayan. Mas mataas din sa akin si Heiro kung kaya't nakatingala pa ako sa kanya.

Pawis na pawis na siya maging yung t-shirt na suot niya kung kaya't agad kong kinuha ang panyo ko upang makapagpunas siya ng pawis. "O'Heiro. Heto ang panyo, magpunas ka ng pawis" sabi ko sabay abot ng panyo sa kanya kung kaya't napatingin siya sa akin.

"Punasan mo ako, nangangalay kasi yung kamay ko" simpleng saad niya sa akin na siyang lalong mas nagpawala sa puso ko. " A-ano?" pang-uulit ko sa kanya kaya agad siyang yumuko at inilapit sa akin ang mukha niya. "Punasan mo ang pawis ko" ani pa niya.

Napaatras nalang ako sa ginawa niya at nanginginig na pinunasan ang mukha niya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin habang pinupunasan ko siya kung kaya't hindi ako makatingin sa mata niya.

"Punasan mo din ang likod ko" utos niya sa akin sabay talikod kung kaya't nagulat ako. "A-ano? Seryoso ka diyan?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya kaya napalingon siya sa akin at natawa.

"Do you think I'm kidding?" saad niya kaya napabuntong hininga ako. Nakita kong napailing siya at agad na humarap sa akin at agad na tinap ang ulo ko. "You used to do it naman diba? Dati when we are just a little" saad niya kaya natawa ako. " Oh! C'mon, nothing is wrong by doing that. Just don't mind them" saad niya kaya agad ko nalang pinunasan ang likod niya.

I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon