K A B A N A T A 37

393 8 0
                                    

"Are you sure about this?" Tanong ni Cassy habang nakatingin sa akin na nagiimpake kaya napatingin ako sa kanya. "Buo na ang desisyon ko Cass. Aalis na ako" saad ko kaya napabuntong hininga siya.

Its been a week na rin at mamaya na uuwi si Cayden, I guess. Hindi nga lang siya nagtext sa akin o tumawag manlang. Wala akong balita sa kanya kaya sa tingin ko ay totoo yung sinabi ni Vincent.

Walang araw na hindi ko inisip kong kumusta na siya o naiisip niya ba ako. O di kaya kung totoo yung sinabi ni Vincent. Natatakot ako na baka kasal na sila ni Zarhana doon. Natatakot akong maiwan ulit.

Matapos kong magimpaki ng gamit ko ay agad na akong lumabas sa guest room. Tinulungan din naman ako ni Cassy sa pagdala ng mga gamit ko papunta sa sasakyan niya. "Pwede ka naman sa bahay" ani pa niya kaya napailing nalang ako habang nakangiti sa kanya dahil sa malasakit niya.

"Kina James nalang ako Cass, salamat talaga" saad ko. Agad na niyang pinaandar yung kotse niya at nagpapahatid ako sa kanya papunta sa bahay ni James. Nag-usap narin kami kahapon ni James at mabuti nalang at okay lang sa kanya na tumira na muna ako sa kanila.

Pagkadating namin ay agad kaming sinalubong ni James habang karga niya si baby Princess kaya nakangiti akong yinakap sila. "Miss ko na kayo" saad ko kaya natawa si James habang karga ko na ngayon si baby Princess.

"Tara pasok tayo" ani ni James kaya agad kaming pumasok sa bahay niya. "Girl, Congrats. Ikakasal ka na next week" saad ni James kay Cassy habang nagsasalin siya ng juice sa baso namin.

"Thank you James. Aasahan kita sa kasal ko ha? At yung pretty little flower girl natin na si baby Princess" saad ni Cassy habang nakikipaglaro kay Princess na siyang hawak ko kaya napangiti ako sa kanila.

"By the way, bukas ng gabi pala yung bridal shower ko. Punta kayo ha?magtatampo ako kapag hindi kayo pumunta" ani pa niya kaya napatawa nalang kami.

Hindi na nagtagal si Cassy dahil may aasikasuhin pa raw siya kaya agad na siyang umalis. "Thank you talaga James" saad ko habang nakahawak sa kamay niya kaya napangiti siya ng malapad. "Hindi ka naman iba sa akin, Astrid. Syempre beshy tayo" saad pa niya kaya napangiti ako.

"Ano pala ang nangyari sayo? Busy kasi ako these few days kaya hindi na kita nakumusta" tanong niya sa akin kaya napabuntong hininga ako at agad na nagkwento sa kanya.

Nasa sahig lang din si baby Princess at naglalaro. Na sa palengke naman si Aling Rica at bumibili ng ulam kaya kami na ang nagbantay sa bata.

"I can't believe this!" yun nalang yung naging usal niya matapos malaman ang lahat na nangyari sa akin. "So does it means na wala kayong label ni Cayden pero you're engaged with him? Unbelievable" saad niya at agad na tumawa kaya na pa simangot nalang ako sa kanya dahil pinagtatawanan niya ako.

"Hindi yun walang label. Let's just say that we're in between of friends and lovers" saad ko kaya napaismid siya.
"In short, wala paring label" saad niya habang tumatawa.

"But he changed a lot. Simula ng malaman kong he's already engaged woth someone" dugtong ko pa kaya napatigil siya at gulatna tumingin sa akin. "What? Seriously? Tinuhog niya kayong dalawa?" Tanong niya sa akin kaya napakibit balikat ako.

"I don't know. Pero alam mo ba, Zarahana is the ex girlfriend of Vincent" katulad ng inaasahan ko ay nagulat na naman siya at hindi makapaniwala. Umakto pa siyang pinapaypayan ang sarili niya dahil sa mga nalaman niya. "What a tragic!" saad niya kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Maling mali talaga ako. I told myself to stay away from Heiro and Cayden but look at me now, After chasing on Heiro, I end up being with Cayden and it turns out to be complicated" malungkot kong saad kaya agad niyang tinap ang likod ko.

"Lesson learned, huwag kang papatol sa magkakapatid" pang-aasar niya ulit sa akin kaya napanguso nalang ako.










































"Do you trust me Astrid?" Bulaslas ko ng mabasa ko yung text ni Cayden sa akin. 6 pm na at nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga. Paulit-ulit ko itong tinitigan at hindi ko maintindihan amg ibig niyang sabihin.

"Astrid?" Agad akong napatayo ng madinig kong tinawag ni James yung pangalan ko. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting si James habang karga si baby Princess.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Nandiyan si Vincent sa baba, hinahanap ka" saad niya kaya napahikab nalang ako. "Si Vincent lang pala---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng unti-unting nag sink in sa utak ko ang sinabi niya.

"Wait what? Si Vincent na nasa bandang Hives?" Tanong ko sa kanya kaya nakangiti siyang tumango.

"Uy ikaw ha, may hindi ka sinasabi sa akin" bulong niya sa akin habang naglalakad kami ngayon pababa kaya suminyas nalang ako sa kanya na tumigil siya.

Pagbaba namin ay bumungad sa akin si Vincent na nakaupo sa sala. Agad itong tumayo ng makita niya ako. "Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sa kanya kaya walang emosyon niya akong tinignan. "I want to talk to you Astrid" saad niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Sige Astrid. Punta muna kami sa taas para makapag-usap kayo" nagaalin-langan na saad ni James at agad siilang pumunta sa taas ni Aling Rica habang bitbit si baby Princess.

"I'm busy Vincent. Umalis ka na. Hindi kita matutulungan sa gusto mo" saad ko sa kanya.

Oo nga pala, after we talk that day ay he told me to do something para hindi matuloy yung kasal nina Cayden at Zarhana.

"Why? Astrid bakit? You love Cayden right? Bakit hahayaan mo lang siyang makasal sa iba" sabi niya sa akin kaya malungkot akong tumingin sa kanya. "Vincent, may mga bagay na dapat hinahayaan nalang kesa makipaglaban. Lalo na kung alam mong wala naman itong patutunguhan" saad ko at sarkastiko siyang tumawa sa akin.

"Did you know? Nakatira na ngayon sa bahay ni Cayden si Zarhana! They are living together now! Wala ka manlang gagawin? At bakit ka umalis doon? Kung nandoon ka sana ay hindi mangyayari to!" halos pasigaw niyang saad sa akin at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Napapikit nalang siya while pinching the bridge of his nose, pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

"Please, Astrid. Do something. I'm done doing my part. Pero walang may nangyari" saad niya at agad na tumayo. "I'm begging you. Please" dugtong pa niya bago umalis.

Napatitig nalang ako sa kanya habang naglalakad siya papalayo sa akin. Unti-unting sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin.

Dumating na pala sila and they're living now together.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko. Nakasalubong ko pa sina James pero napatigil sila ng makita yung itsura ko. Hinayaan nalang niya akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Napahiga nalang ako sa kama habang nakatitig sa kisame. I'm not sad, nor happy. I just feel nothing. I can't feel any pain right now. Namamanhid ang buong katawan ko.

Napatingin ako sa cellphone ko ng mag ring ito. Nakita kong maraming missed call na pala si Cayden sa akin. Nang mag ring ito ulit ay sinagot ko na ito habang nanatili ang tingin ko sa sa kisame.

"Astrid" usal niya sa pangalan ko kaya unti-unti kong naramdaman ang lahat. "I'm sorry" mahinang usal niya kaya napakagat ako ng labi dahil sa pagbabadya ng luha ko.

"I'm sorry. I lied to you Astrid. I'm really sorry" saad pa niya at nadinig ko pa ang pagkapaos ng boses niya. "I really have to do this. I really have to marry Zarhana... and we already did a civil wedding in US. I'm sorry Astrid" napatakip ako ng bibig ko dahil sa mga hikbi na kumakawala sa mga mata ko. Ayokong malaman niyang nasasaktan ako.

"All I need right now Astrid is for you to trust me. Just trust me Astrid. I promise, I will do everything just for us" saad pa niya kaya agad kong pinatay yung call.

Napatitig ako sa bintana. Napansin ko yung paglakas ng ulan at ganun din  naman yung pagbuhos ng luha ko sa mata.

The skies feel my sadness so it cries.

I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon