K A B A N A T A 22

382 9 0
                                    

"Ate bili na po kayo, sariwang sariwa pa po ito" pangiinganyo ko sa mga mamimili habang pinapakita ang tinda naming isdang lapulapu, dalagang bukid at pusit.

"Sige pabili ako nitong isang tambak" saad ng ali kaya napangiti ako ng malapad at agad na nilagay sa supot ang isda. "Salamat po!" saad ko sabay kaway sa aling papaalis na sa pwesto namin.

Its been a week narin simula ng makarating ako sa probinsiya at makitira kina tita Ana. Pangingisda ang tanging kabuhayan dito kaya sa tuwing umaga ay naglalako kami ng isda at kahit na anong huli ni tito Arnel at dito lang kami pumepesto sa pier uno kung tawagin.

"Bilisan mo na sa pagtitinda diyan para makauwi na tayo! Bagal bagal niyo!" Bulyaw sa akin ni Roselyn habang nakaupo lang sa tabi at nakabusangot ang mukha. Ganyan talaga siya, walang araw na hindi niya ako pinagkaiinitan tapos kahit na yung mga utos ni tita Ana sa kanya ay sa akin niya pinapatrabaho kaya wala akong magawa kundi ang sumunod nalang sa kanya tutal ay nakikitira lang naman ako sa kanila.

"Uy girl"napangiti ako ng makita ko si James sa harap ng pwesto namin. Yayakapin ko sana siya ng agad niya akong pinigilan at senenyasan malangsa ang mga kamay ko kaya natawa nalang ako.

"O' papakyawin ko nalang tong paninda mo para naman makauwi kana sa inyo nakakahiya naman sa isa diyan na walang ginawa kundi ang tumanganga, akala mo naman e'kagandahan" pagpaparinig ni James kay Roselyn kaya sumalubong ang kilay nito at masamang tinignan si James.

"Hoy bakla! Wala kang pakialam! Mga bruha kayo!" saad nito at nagdadabog na umalis kaya napatawa nalang ako sa ginawa ni James. "Salamat talaga James ha? Sobra-sobra na yung natutulong mo sa akin" saad ko sa kanya kaya natawa siya.

Simula kasi ng maglako kami ng isda dito ay naging suki ko na si James. Parati niyang pinapakyaw ang paninda ko dahil may karindirya kasi sila at siya ang palaging inuutusan na mamalengke.

"Walang problema yun girl syempre friendship na tayo" saad pa niya habang nilalagay ko ang mga isda at pusit sa supot at agad itong ibinigay sa kanya.

"O'nga pala. Have you heard about the news?" Tanong niya sa akin sabay abot ng pera. "About sa ano?" tanong ko habang kumukuha ng sukli at ibinigay yun sa kanya pero hindi niya tinanggap.

"Nanalo sa contest ang The Hives! Sikat na sila ngayon in worldwide!" saad pa niya sabay pakita ng cellphone na kung saan ay nandoon ang picture ng The Hives for winning the contest in Canada kaya nagulat ako.

"Tapos may live show sila mamaya kaya manood ka sa tv! Gosh girl ang bongga talaga nila lalo na si fafa Vincent" saad niya sabay tili kaya napapatingin ang mga tao na napapadaan sa gawi namin kaya natawa nalang ako sa kanya.

"Alam mo naman, I'm busy. Kailangan kong makapagipon para sa darating na pasukan" saad ko sa kanya kaya napabuntong hininga nalang siya. "Sige girl alis na ako at baka machugi pa ako ni mudra dahil sa sobrang tagal ko" sabi niya at agad na umalis kaya tinanaw ko nalang siya mula sa malayo at agad na nagligpit.

"Tulungan na kita Astrid" napatingin ako kay Gado na taga samin din. Ito yung crush ni Roselyn na kasama din nina tito Arnel sa pangingisda.

"Hindi na, kaya ko naman" sabi ko at agad na umalis sa harap niya. Ayoko kasing makita ulit kami ni Roselyn na malapit sa akin si Gado kasi mas lalo siyang nagagalit sa akin kesyo inaagaw ko raw sa kanya ang gusto niya kahit na si Gado naman ang lumalapit sa akin.

Pagkadating ko sa bahay ay agad kong ibinigay kay tita Ana ang benta kaya tuwang tuwa siya. Agad naman akong nagpalit ng damit para pumasok sa susunod kong trabaho.

"Alis na po ako" sabi ko at agad na umalis. Pupunta ako ngayon sa bahay nina Ma'am Divine na inerecomenda sa akin ni tita Ana para doon ako maglabada.

I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon