"Ano ba ang nangyayari sayo! Palagi ka nalang lutang!" sigaw sa akin ni tita Ana ng mali na naman ang iabot ko sa kanya. Kaya nagsimula na namang manginig ang kamay ko sa harap niya.
"S-sorry po t-tita" natatakot kong saad sa kanya piro hindi niya ako pinakinggan at agad na sinabunutan kaya napahiyaw nalang ako sa sobrang sakit na ginawa niya.
"Wala kang kwenta! Kung hindi ka lang anak ng kapatid ko ay pinaalis na kita dito!" sigaw niya sa akin sabay tulak kaya napaupo nalang ako habang umiiyak. Hindi pa siya nakuntento at pinagtatadyakan pa ako kaya maslalo akong napahagulhol.
"Malas!" Sigaw pa niya sabay alis. Ako lang ang nandito sa bahay nila kaya napayakap nalang ako sa sarili ko habang umiiyak.
Its been a week narin simula ng pagtangkaan akong gahasain ni tito Arnel kaya dahil doon ay nagkatrauma na ako. Natatakot ako ng sobra kapag nandito siya sa bahay at umaabot ako sa punto na hindi na ako nakakatulog.
Kaya dahil doon ay nagiging lutang na ako na siyang ikinagagalit ni tita Ana. Tuluyan na ding lumabas ang tunay na ugali niya. Sa una ay masakit ang mga salita niya sa akin pero ng tumagal ay nananakit na din siya sa akin katulad ng kanina. Mas lalo niya akong sinasaktan kapag umuuwi siyang talo sa sugal o di kaya ay lasing.
"Astrid, anong nangyari sayo?!" napatingin ako kay Gado ng pumasok siya at agad akong nilapitan kaya pilit akong lumalayo sa kanya habang umiiyak.
"Please, umalis ka! Hindi kita kailangan!" Sigaw ko sa kanya kaya agad niya akong yinakap kaya pilit akong kumakawala sa kanya.
"Andito lang ako Astrid. Tutulungan kita" sabi pa niya kaya pwersa ko siyang itinulak kahit na nanginginig ang mga kamay ko.
"MGA WALANG HIYA!" napatingin kami kay Roselyn na ngayon ay galit na galit habang nakatingin sa akin. Agad ako nitong sinugod at sinabunutan kaya mas lalo akong napahagulhol habang tinatanggal ang kamay niya.
"Ano ba Roselyn tumigil ka!" Pag-aawat sa kanya ni Gado, mabuti nalang talaga at natanggal na nito ang kamay ni Roselyn sa akin at naawat na niya. Agad ng pumagitna si Gado habang prinoprotektahan ako kay Roselyn.
Nakita ko ang paghagulhol ni Roselyn sa harap namin. "Tumigil ka Roselyn, sinabi ko naman sayo na hindi ikaw ang gusto ko" saad nito kaya mas lalong napahagulhol si Roselyn at masamang tumingin sa akin.
"Walang hiya ka! Ang landi landi mo!" Sabi nito at pilit akong sinusugod kaya pinigilan siya ni Gado.
Napatingin din ako sa labas at nakitang marami na pala ang nakatingin sa amin kaya mas lalo akong natatakot kapag malaman ni tita ang ganitong pangyayari. Siguradong sasaktan na naman ako.
"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Roselyn sa kanya at agad itong pumunta sa kwarto at nakita ko ang pagtapon nkya sa mga gamiy ko. "Lumayas ka dito! Huwalang hiya!" sigaw niya habang tinatapon ang mga damit at gamit ko kaya napahagulhol nalang ako habang pinupulot ang mga gamit ko at maleta ko. Mabuti nalang nakatago sa loob ng maleta ko ang pera ko kaya hindi nila ito nakuha. Minsan kasi, nahuhuli ko si tita Ana na kumukuha ng pera sa pinagtataguan ko dati kaya pati ipon ko ay nakuha niya.
"Lumayas ka!" Sigaw niya sabay tulak sa akin papalabas kaya agad kong pinamulot ang mga damit ko. Tinulungan pa ako ni Gado kaya agad ko siyang sinigawan at tinulak.
"Kawawang bata" dinig ko pang bulong ng isang babae na kapitbahay nina tita Ana habang naglalakad ako papaalis doon at dala-dala ang mga bagahe ko.
Tulala lang ako habang naglalakad sa papalabas ng barangay na yun. Napatigil ako sa gitna ng antio bridge at agad na napaiyak doon habang nakatingin sa dagat.
Bakit ba ganito kapait ang tadhana ko? Bakit pa hilig nito ang paiyakin ako't saktan? Habang buhay nalang ba akong iiyak? Habang buhay nalang ba akong magdudusa? Sawa na ako!
Wala ako sa sarili na napasampa sa gilid ng tulay. Buo na ang pasya ko. Ayoko na. Hindi ko na kaya.
"Ma patawad kong gagawin ko to, pagod na pagod na po kasi yung anak niyo" bulaslas ko at hinayaang mahulog ang sarili ko sa tulay.
Napapikit nalang ako hanggang sa maramdaman ko ang malakas na pagbagsak ko sa dagat.
[CASSY'S POV]
Its been a year simula ng huli kong makita si Astrid which is nung graduation namin. I tried to contact her pero hindi ko siya matawagan. Days past at hindi siya nagpakita kaya napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila ngunit ibang tao na ang naabutan ko doon.
I even ask them kung nasaan na si Astrid pero hindi din nila alam. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nina Cayden at Heiro. Muntik pa ngang hindi sumama si Heiro sa audition nila sa ibang bansa para lang hanapin si Astrid mabuti nalang at nakumbinsi namin siya.
"Sikat na sikat na talaga ng The Hives" sabi ni Faye na siyang kaklase ko. 2nd year college na ako at dito parin sa Anderson University nag-aaral. Business ad naman yung kinuha komg course para sa business nadin namin na siyang mamanain ko.
She's right. 1 year palang ang nakakalipas piro sobrang sikat na ng The Hives kahit na nasa ibang bansa parin sila ngayon. Nagkalat na din ang mga billboards nila sa manila at masdumadami ang fandom nila. Kaya sa ngayon ay ldr na muna kami ni Inigo.
To be honest, nagagalit ako kay Astrid dahil umalis siya ng hindi manlang nagpapaalam. Pero, in the same time. Mas nananaig ang pag-aalala ko sa kanya. I always post her timeline about how much I miss her pero hindi siya online.
Miss ko na siya ng sobra. Sobra na ding nasasaktan si Cayden. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya ng hinahanap namin si Astrid noon hanggang sa kusa nalang kaming sumuko.
Pilit niya rin akong tinatanong kung saan yung probinsiya ni Astrid pero wala talaga akong alam. I saw how Cayden change ng umalis si Astrid.
Kung sino-sino nalang yung kasama niyang babae kapag nakikita ko siya sa Campus tapos minsan ay nakikita ko siya sa Bar na naglalasing. I know, nandoon din kasi ako for night's out party kasama ang mga pinsan ko.
"So, that's all for today! Good bye" saad ng professor namin at agad na lumabas ng room kaya agad kaming nagsitayoan.
"What's your plan today?" Tanong ni Faye sa akin habang naglalakad kami papalabas ng University. "Wala, uuwi ako sa bahay. Nakakapagod kasi" sagot ko habang nakatutok sa cellphone ko.
Napadako ang tingin ko sa lalaking nagfriend request sa akin. Agad kong clinick ang profile niya ng may nakita akong familiar na mukha doon.
Nagulat ako ng makitang kasama niya si Astrid sa picture niya kaya inaccept ko agad yun. Agad kong clinick ang message request ng lalaking yun.
Tila nanlambot ang mga paa ko ng makita ko ang message niya at kusa ng pumatak ang mga luha ko sa mata habang binabasa yun at nakatingin sa picture na senend niya.
-5:02-
Hi! Ako nga pala si James Sartiga from Catbalogan City. Kaibigan ako ni Astrid Ortega dito. Nabanggit ka niya sa akin noon kaya hinahanap kita dito sa facebook, medyo nahirapan pa nga ako dahil ang dami ng kapangalan mo pero I guess ikaw na talaga ang kaibigan na tinutukoy niya dahil sa cover photo mo na kasama si Astrid.
Ikaw nalang ang tanging makakatulong sa kaibigan ko. Nandito siya ngayon sa Samar Provincial Hospital. Astrid has been comatose for almost a year. Please sana matulungan mo kamiClick to see Image
BINABASA MO ANG
I watched him fall for someone else
Ficción GeneralAstrid Ortega has been friends with Heiro since the day they were little. She was always there when Heiro started his career in singing and joining the band till he was discovered and become an Idol. Heiro knows everything about Astrid but only one...