"Sige na, siputin mo na yung kaibigan kong si Warren mamaya" pangungulit sa akin ni James habang tinatalian ko ng buhok si baby Princess.
Andito ako ngayon sa bahay nila at dito na ako nakikitira kasi sobrang nahihiya na ako kay Cassy lalo na't live in na sila ni Inigo. Ayaw pa nga ni Cassy na umalis ako doon, mabuti nalang talaga at napilit ko.
Parang nagbobord na din ako dito kay James. Up and down yung bahay niya at kasing laki din ito ng bahay namin noon dito sa manila.
"I told you James, hindi ako interesado sa mga ganyan" sabi ko sa kanya kaya napairap siya sa akin habang nakaupo. Linggo kasi ngayon kaya wala siyang pasok sa opisina at ganun din ako.
Those week kasi ay nagtake ako ng (Als) or alternative learning system at nakapasa ako kaya nakahanap ako ng trabaho kahit na lady guard lang sa call center company. Sa gabi ang duty ko doon. Sa tuwing umaga din ay pumapasok ako sa kahit na anong trabaho. Nag iipon kasi ako para sa pag-aaral ko next year.
"Ang sabihin mo hindi ka pa nakakamove on kay fafa Heiro" sabi niya kaya napairap nalang ako sa kanya.
Its been a week simula ng kasalang nangyari. After the wedding ceremony ay umuwi ako agad. Hinayaan nalang din ako nina Cassy at Inigo. After that day, sinabi sa akin ni Cassy na hinahanap raw ako ni Heiro sa reception pero binalewala ko nalang yun.
Balita ko ay nasa ibang bansa sila ngayon for their honeymoon.
"Its takes time kasi to move on. Hindi yun minamadali, aabot din ako diyan" sabi ko sa kanya at agad na pinaharap si baby Princess na ngayon ay nakangiti. Sinuklay ko ang bangs niya at agad itong inayos. "Ayan ang ganda na ng baby ko!" sabi ko sa kanya sabay kurot sa pisnge nito.
"Wow ang ganda ganda naman ng anak ko mana kay daddy" sabi pa ni James sabay halik sa anak niya kaya natawa nalang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi naman halatang bakla si James pero kapag magsalita na ito ay malalaman mo talagang bakla pala ito.
"Uy sige na. Mabait naman yun, pogi tapos business man minded din kaya renereto ko na sayo may datong din yun" sabi pa niya kaya napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kanya.
"May magagawa pa ba ako?" sarkastikong saad ko sa kanya kaya agad siyang natawa. "Basta samahan niyo ko ha" sabi ko habang naglalakad papaakyat kaya agad niya akong pinigilan.
"Anong sasamahan girl? Date nga diba. Ibig sabihin kayong dalawa lang" ani niya kaya natawa nalamg ako. "I mean pwede naman kayong nandoon din sa mall o na sa ibang table. Nakakatakot kayang makipag meet sa stranger" sabi ko kaya naparolled eyes siya.
"Che! Oo na. Ipapasyal ko nalang din si baby Princess" sabi niya kaya agad na akong umakyat.
Naligo muna ako at agad na nagbihis. White t-shirt lang yung suot ko tapos pants kaya pagbaba ko ay nagulat si James sa itsura ko.
"Wow girl grabe naman yung pormahan mo. Pang high school lang? Ano, mageenroll ka?" Asar niya sa akin habang nakapamewang kaya ginaya na din siya ng anak niya na namewang na din habang nakatingin sa akin kaya natawa nalang ako sa kacutan nito.
Agad kong binuhat si Baby Princess at kiniliti kaya tawa ng tawa ito. "Ano naman ngayon? I just want to be me" sabi ko sa kanya kaya agad niya akong hinatak papunta sa kwarto ko. Buhat ko pa din si baby Princess kaya ng makaakyat na kami ay inilagay ko ito sa kama.
"O' ito yung suotin mo" sabi sabay abot sa akin ng isang kulay red na strapless dress kaya napataas ako ng kilay. Hell no!
"Huwag ka ng maarte! Suotin mo na yan at baka ma late pa tayo" ani nito at agad na kinuha yung anak niya at iniwan ako sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
I watched him fall for someone else
Fiksi UmumAstrid Ortega has been friends with Heiro since the day they were little. She was always there when Heiro started his career in singing and joining the band till he was discovered and become an Idol. Heiro knows everything about Astrid but only one...