K A B A N A T A 27

394 15 0
                                    

"Mauuna na kami sayo, doon nalang tayo magkita" kausap ko ngayon si James sa landline. Na sa trabaho pa kasi siya kaya ako nalang ang nagaasikaso kay baby Princess.

"Sige, see you. Bye" sabi ko sabay baba ng telepono at agad na napatingin sa orasan. Alas syete na ng gabi, late na kami.

Agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng strapless fitted dress na kulay pink na siyang pinadala sa akin ni Cassy para sa susuotin ko sa engagement party nila ngayon.

Medyo nahihiya nga ako sa suot ko kasi wala naman akong dibdib tapos hindi naman ako tulad ng ibang babae na sobrang sexy. Payat lang talaga ako. Yun lang.

Agad kong kinarga si baby Princess na nakasuot din ng pink na dress at yung cute niyang hairband. Daladala ko rin yung bag na may laman ng mga gamit niya.

"Hey! Zup Astrid!" napatingin ako sa lalaking naka shades at nakasandal sa isang magarang kotse. Nakunot-noo akong nakatingin doon kaya agad niyang tinanggal ang shades niya. Ang dilim na nga na ka shades pa.

"Sebastian?" Saad ko nang tanggalin niya yung shades niya kaya agad akong lumapit sa kanya habang nakangiti.

"Woah! Is this your daughter?" tanong niya sa akin kaya natawa ako. "Bakit? Hindi ba halata?" Pagbibiro ko sa kanya ng buksan niya yung pinto ng kotse kaya agad akong pumasok doon habang karga ko parin si baby Princess na ngayon ay tahimik lang habang yakap yung teddy niya.

"Grabe, muntik na kitang hindi makilala" saad ko habang nasa biyahe na kami kaya agad siyang napangiti. Ang laki na kasi ng pinagbago niya. Actually silang lahat. Ako lang ata yung ganun parin.

"Ikaw nga, hindi ko inakala na may anak kana" saad niya kaya natawa nalang ako. Naniwala talaga siya.

"You didn't even bother to inform me and them" saad pa niya kaya napailing iling nalang ako habang tumatawa.

Agad kaming nakarating sa mansyon nila Cassy. Doon kasi nila cenelebrate yung engagement party kaya agad na akong bumaba.

"So whose the lucky guy?"tanong niya sa akin ng makababa na ako. "Ewan ko sayo" saad ko at agad ng naunang pumasok kaya agad niya akong hinabol.

"Pahawak ako" ani niya sa akin kaya napangiti nalang ako sa kanya sabay bigay sa kanya si baby Princess na ngayon ay nakatingin sa kanya kaya natawa nalang ako.

"Hindi kayo magkamukha" saad pa niya habang hinahalikan sa cheeks nito. "Can she walk?" Tanong pa niya sa akin kaya agad akong napatango. 2 years old na kasi si baby Princess kaya nakakapaglakad na ito.

Bumungad sa amin ang maraming tao sa garden nila na kung saan ay doon gaganapin ang engagement party.

"Congrats sa inyo" saad ko ng makalapit ako kay Cassy habang nakayakap ako sa kanya. "Thank you besyy" saad pa niya kaya habang nakangiti sila sa akin.

"Woah bagay lang sayong maging tatay seb" panunukso ni Inigo kay Sebastian ng makalapit sila sa amin kaya natawa nalang ako. Akay akay niya ngayon si baby princess kaya kinuha ko nalang ito sa kanya.

"Tara Astrid. Dito tayo" saad ni Sebastian at agad kaming lumapit doon sa isang pwesto. Kaya kinarga ko nalang si baby Princess dahil medyo nahihirapan pa itong maglakad lalo na kapag walang may umaalalay sa kanya.

"Astrid?" biglang lumakas ang kabog ng puso ko ng madinig ko yun. Kilala ko ang boses na yun.

"Heiro" bulaslas ko ng makalapit siya sa akin. Napatingin siya kay baby Princess na ngayon ay umiiyak na at sa akin kaya pilit ko itong pinapatahan.

"Who's this little girl?" Tanong niya sa akin habang nakangiti kaya nanatili akong nakatingin sa kanya. I miss gim so much.

Napabalik nalang ako sa wisyo ko ng makita kong lumapit sa kanya si Liana at pumulupot sa braso nito kaya agad akong napaiwas tingin. Damn, bakit masakit parin?

I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon