"Cayden paano yung damit natin?" I ask habang nasa mini-resto kami at kumakain. Maraming tao na din dito. Siguro dahil tanghalian na at karamihan na nandito ay mga foreigner.
"No need to worry. I already call someone to buy us some clothes. Dadating din yun mamaya" saad niya habang tinatapos ang pagkain niya
"Eat this. Its healthy" ani niya sabay lagay ng beef ampalaya kaya napangiti nalang ako. Hindi sea foods ang pagkain ko dahil allergic ako dun . Akala ko nga nakalimutan na niya, hindi pa pala.Matapos naming kumain at bumalik na kami sa room namin. Nakita ko din na may dalawang box na nakapatong sa kama kaya agad akong lumapit doon. "Yan yung pinabibili ko. Tignan mo nalang" saad ni Cayden habang inaayos ang buhok niya kaya napatango nalang ako sa kanya.
"I have to go, my meeting pa ako. See you later?" Saad niya sabay lapit sa akin at agad na hinalikan ang noo ko. "Ingat ka" saad ko bago siya umalis.
Agad akong napalundag sa kama at agad na binuksan yung isang box. Bago ko paman ito mabuksan ay nadinig ko ang pag ring ng phone ko kaya agad ko itong kinuha.
Its Cassy. She's calling.
"Cassy!" Masaya kong saad habang kausap siya. "Is it true Astrid? You and Cayden are now in the same roof?" Hindi makapaniwalang saad niya. Siguro ay sinabi na sa kanya ni Inigo.
"Uhm? Yes" saad ko kaya nadinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Pumasyal kami kanina ni Inigo sa bahay ni Cayden, but both of you are not here. Asan kayo?" Tanong niya kaya napangiti ako at agad na humiga sa kama.
"Nandito kami sa taytay palawan. Sinama ako ni Cayden sa meeting niya" saad ko. "Gosh! This is unfair! Hindi manlang kayo nagsabi para makasama kami" saad pa niya kaya natawa nalang ako.
"We have a lot of things to talk too, Astrid. Pupunta kami diyan" saad pa niya before she end the call kaya hindi na ako nakapagsalita. Napabuntong hininga nalang ako at agad na umupo para buksan yung box.
Napangiti ako ng bumungad sa akin ang mga Bohemian dress na bagay na bagay lang talaga na outfit dito sa Beach. May mga bra at panty din. Gosh! Nakakahiya. I never thought na pati ganito ay ipapabili niya.
Agad akong nagpalit ng damit, wearing the Bohemian dress. Kinuha ko din ang cellphone ko para naman makapagpicture ako.
Katapos nun ay humiga na muna ako sa duyan habang nakatanaw sa dagat. This is one of the dream of my mother. Ang makapunta kami sa palawan para magbakasyon. But it turns out na ako nalang ang nakapunta dito, kasi wala na si mama at nasa ibang pamilya na rin si papa.
Napapikit nalang ako habang nagduduyan hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.
"C'mon let's enjoy. Nakakabagot dito"
"Damn! Huwag kayong maingay. She's sleeping" naalimpungatan ako dahil sa ingay na yun. Bumungad sa paningin ko ang mukha ni Cayden na ngayon ay nakabusangot na habang nakatingin sa kung saan kaya agad akong napaunat at agad na tumayo.
"Finally, sleeping beauty is awake" saad ni Sebastian kaya napangiti ako ng makita ko sila dito. "Cassy!" Saad ko at agad kaming nagyakapan ni Cassy sa harap nila.
"Group hug!" Saad ni Sebastian at nakisali din sa pagyakap sa amin kaya agad siyang binatukan ni Inigo. Natawa nalang kaming dalawa habang nakatingin sa kanila.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila habang nakaupo sa kama at katabi si Cassy. Nakaupo din sa maliit na sofa sina Ethan at Vincent habang may hawak naman itong guitara.
"Para abalahin kayo" pabirong saad ni Ethan sabay tawa kay Cayden na ngayon ay nakabusangot parin kaya natawa nalang din ako.
"By the way, anong oras ba kayo dumating?" Tanong ko ng mapansin kong medyo madilim na kaya napatingin ako sa oras, ala singko na pala. Ang haba pala ng tulog ko.
BINABASA MO ANG
I watched him fall for someone else
Ficción GeneralAstrid Ortega has been friends with Heiro since the day they were little. She was always there when Heiro started his career in singing and joining the band till he was discovered and become an Idol. Heiro knows everything about Astrid but only one...