K A B A N A T A 9

476 16 1
                                    

Agad akong napaiwas ng tingin kay Heiro. Lumayo ako ng kunti sa kanya at agad na napayuko. Napayakap nalang din ako sa sarili ko sapagkat nilalamig na ako. Basa din kasi ako at hindi pa nakakapagpalit ng damit.

Nagsimula na akong bumahin kung kaya't napatakip ako ng ilong at agad na napaupo. "Come here" napatingin ako kay Heiro ng sabihin niya yun.

"H-Hindi, h-huwag na" nilalamig na saad ko habang nakaupo at nakayakap sa sarili ko. Medyo madilim narin ang paligid kaya mas lalo akong natatakot.

"Hardheaded" dinig kong usal niya at agad na lumapit sa akin at umupo. Nagulat nalang ako ng ilapit niya ako sa sarili niya at agad niya akong yinakap. Damang dama ko ang init ng katawan niya kaya kahit papaano ay naiinitan na ako.

"Basang basa ka pa" bulong niya sa akin. Nabalot ng katahimikan ang paligid at tanging tibok ng puso ko lang ang nadidinig ko na siyang sinasabayan rin ng malakas na tibok ng puso niya na siyang nararamdaman ko lalo na't nakayakap siya sa likod ko.

"Are you okay?" Pagbabasag ko sa katahimikan naming dalawa. Nadinig ko ang buntong hininga niya bago siya sumagot. "Yes, I am. Why?" ani nito at agad na isinandal ang ulo sa balikat ko.


"Ah, wala. Uhm? may cellphone ka ba?" tanong ko ulit sa kanya piro umiling lang siya. "Mahahanap din nila tayo, don't worry" mahinang saad niya kung kaya't nilingon ko siya.

Nabalot na naman ng katahimikan ang paligid namin. Nadidinig ko din ang ilang kaluskos at huni ng mga hayop sa paligid kong kaya't kinilabotan ako. Natatakot din ako na baka may ahas.


"Heiro? baka may ahas dito" saad ko sa kanya habang pilit na pinapatalas ang mga mata ko para tignan ang madilim na paligid. "Edi magpatuklaw nalang tayo" simpleng saad niya kaya napanguso nalang ako.

Tila ako naistatwa ng hawakan ni Heiro ang kamay ko. Naramdaman ko din ang malamig niyang kamay kaya hinawakan ko na din ito para mainitan. Walang malisya naman. I'm just doing this para naman hindi na din siya manlamig.

"Heiro? okay ka lang? baka nilalamig kana. Basa pa naman ako" pabulong kong saad piro mashinigpitan niya lang ang pagkapit sa kamay ko habang mas lalo niya akong yinayakap.

dug dug dug dug


Nahihiya ako lalo na't ang lakas ng kabog ng dibidb ko. Alam kong ramdam din niya.




"We broke up" ani niya kaya hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya napayuko nalang ako. "I'm sorry" yun lang ang lumabas sa labi ko habang nakayuko.


Naramdaman ko ang pagkalas niya sa pagyakap sa akin at agad na hinarap ako. Kahit na madilim na ay naaaninag ko parin ang mukha niya na ngayon ay seryoso sa akin.


"You don't have to say that. Wala ka namang kasalanan"  saad niya kaya hindi nalang ako nagsalita at agad na ibinaling ang tingin ko sa ibang bagay.

Napabuntong hininga siya at agad na napasandal. Magakatabi kami ngayong nakaupo sa gilid. Dinig na dinig ko ang mabibigat na hininga niya.

"She make me choose between you and her" napalingon ako dahil sa sinabi niya at seryoso lang ang mukha niya habang ginugulo ang buhok niya.

"and I choose you rather than her" mas lalong nagwala ang puso ko dahil sa sinabi niya. Napatingin din siya sa akin kung kaya't agad akong napaiwas.

"B-Bakit?" finally nakapagsalita na din ako kahit na hindi ako makatingin ng diritso sa kanya. "Simply because she's only my girlfriend and you're my best friend. Mas una kitang nakilala kaysa sa kanya kaya bakit kita iiwasan" saad niya kaya napakagat labi ako. Oo nga pala, kaibigan mo lang ako.

"She even told me na iwasan kita. Damn. Why do she have to say those thing? tapos nagseselos pa siya sayo! Why can't she trust the love that I gave to her? ganun ba ako ka hindi kapanipaniwala?" naramdaman ko ang lungkot sa boses niya habang sinasabi yun kung kaya't napahawak nalang ako sa likod niya at agad itong hinagod. That's my way of comforting someone.


"Hindi ka parin nagbabago" napangiti siya sa ginawa ko kaya ngumiti nalang din ako. "Andito lang ako If you need someone to talk kahit na wala akong ma-e-payo" natatawa kong saad  at agad na napaiwas ng tingin.


Nabalot na naman ng katahimikan ang paligid namin at masasabi kong mas lalong dumilim na.

"Is it possible for you to love me?" halos ma pa ubo ako sa sunod na tinanong niya mabuti nalang at hindi na tuloy kung kaya't napapikit nalang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"O-Oo naman, syempre kaibigan kita" saad ko habang papahina ang boses ko. Hindi na siya sumagot at naramdaman ko nalang ang pagkuha niya sa kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit kung kaya't napatingin ako sa kanya. He's already staring at me kaya mas lalong nagwawala ang puso ko.

"I should be feel sad and hurt now because me and Liana broke up. Piro bakit hindi ko maramdaman yun ngayon?" tanong niya sa akin habang pinaglalaruan ang kamay ko.

"Bakit ganito ang nararamdaman ko Astrid?" tanong pa niya sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin at agad na napatayo. "A-ano, humanap na tayo ng paraan para maka-alis tayo dito" natatarantang saad ko at pilit na umiiwas sa kanya.

Sobrang kaba na talaga ang nararamdaman ko lalo na't si Heiro ang kaharap ko ngayon. Naramdaman ko ang pagtayo niya kung kaya't pilit akong umiiwas sa kanya.

"Bakit ako nagkakaganito? I don't understand myself anymore" saad pa niya at kasunod non ay ang paghigit niya sa kamay ko at agad akong yinakap.

Yinakap niya ako ng sobrang higpit na parang mawawala na siya sa buhay ko.

"Nasasaktan ako kapag nakikita kitang kasama ang kapatid ko. It turns me crazy Astrid. Gusto ko sa akin lang yung atensyon mo, Astrid. Gusto ko ako lang" saad pa niya kaya napaiyak nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Ang selfish mo Heiro" saad ko sa kanya at pilit na kumawala sa yakap niya kaya nagulat siya lalo na't ng mapansin niyang umiiyak na ako. "Hindi ko alam na ganun ka pala" saad ko at pilit na pinupunasan ang luha ko na patuloy lang dumadaloy sa mata ko.

"Naguguluhan ako Astrid. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko" saad niya sabay layo sa akin  kung kaya't maslalong umalingawngaw ang impit na hikbi ko habang pilit kong pinipigilan ang sarili ko.

"Ayoko ng ganitong nararamdaman ko sayo Astrid. Gusto kong mawala na to" dinig ko pang saad niya. "Kaibigan lang dapat kita" dugtong pa niya kaya agad ko siyang hinarap.

"Oo Heiro! Kaibigan mo lang ako at hindi na magbabago yun!" Saad ko sa kanya at tuluyan ng humagulhol.

Hindi ko na siya maintindihan. Naguguluhan ako sa kanya.

"Gusto kita Heiro, matagal na" pabulong na saad ko habang nakatingin sa likod niya. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at agad na lumapit sa akin.


Agad niyang hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya at mariin akong hinalikan.

Gulat ako sa ginawa niya piro hinayaan ko nalang at tuluyang napapikit habang dinadama ang labi niya. Its a passionate kiss.


"I like you too Astrid and I hate this feeling" ani niya.

I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon