K A B A N A T A 11

429 11 0
                                    

"Anak anong nangyari sayo?" salubong sa akin ni mama ng makita niya ang itsura kong tulala at namamaga ang mata habang papasok ng bahay.

Nagsimula na namang magpatakan ang mga luha ko habang diritsong nakatingin kay mama na ngayon ay nag-aalala sa akin.

"Ma, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong ko kaya nagulat si mama sa akin at bahagyang lumayo. "Tungkol sa ano anak? Ano ba ang pinagsasabi ko?" saad niya at pilit na umiiwas kaya napapikit nalang ako at tuluyang napahagulhol.

"Ma! Nakita ko si papa na may kasamang iba!" saad ko kaya napatigil si mama at nang lumingon siya ay nakita kong unti-unting kumawala sa mga mata niya ang luha.

"M-ma, kaya ba hindi na umuuwi si papa dito?" Humihikbing saad ko sa harap ni mama. Nakita kong masl along napahagulhol si mama at agad na napaupo sa sahig kaya mas lalo akong naiyak ng makita siyang ganun.

I hate seeing my mother crying. Nakapanghihina.

Agad akong lumapit sa kanya at yinakap siya kaya maslalo akong naiyak. "Oo anak, matagal na pala akong niloloko ng papa mo" saad niya na siyang nagmistula itong kutsilyo na siyang sumasaksak ngayon sa puso ko.

Hindi ko inakala na magagawa yun ni papa, ang pagtaksilan si mama.

"Noon palang ay nararamdaman ko na ang pagbabago niya. Naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya pala ganun, kasi may pinagkaiinitan na siyang iba" saad pa niya habang pilit na pinupunasan ang luha niya sa mga mata.

"Hindi ko lang sinasabi sayo anak kasi akala ko simpleng away lang yung mangyayari sa amin ng papa mo. Hindi ko alam na yun na pala ang simula para makahanap siya ng dahilan para iwanan na tayo" saad niya kaya maslalo akong nagulat.

Mas lalong lumakas ang iyak ni mama sa akin kaya mas lalo ko siyang yinakap habang patuloy naman dumadaloy sa mga mata ko ang luha.

"Tuluyan na tayong iniwan ng papa mo anak nung araw na umalis ka para sa recollection mo" saad niya kaya mas lalong nadurog ang puso ko. Sumasakit na din ang ulo ko sa sobrang pagiyak at lalong lalo na ang mga mata ko.

"Alam mo ang mas masakit? Yung kaibigan ko pa ang pinatos niya. Sa dami-dami ng babae sa mundo bakit yung kaibigan ko pa? pinagtaksilan nila akong dalawa" mas lalong humagulhol si mama habang sinasabi niya iyun kaya napapikit nalang ako dahil sa mga nalaman ko.

Kaya ganun pala ang kinikilos ni mama na naging matamlay siya at palaging namamaga ang kanyang mata dahil yun ang nangyari. Sa sobrang busy ko sa pagmamahal kay Heiro ay hindi ko na mamalayan na yung sarili kong ina ay napapabayaan ko na.

Ang sama kong anak, hindi ko manlang napansin ang bigat na nararamdaman ni mama. Alam ko kung gaano kasakit ang mga nangyayari lalo na't kaibigan pa niya ang ipinalit ni papa.

"Ang sakit anak, ginawa ko naman ang lahat para lang sa kanya pero bakit hindi parin naging sapat?" Saad pa niya kaya napapikit nalang ako. "Ako ang palaging umiintindi sa kanya para lang hindi magkawatakwatak ang pamilya natin piro bakit siya mismo ang gumagawa ng paraan para masira tayo?"

Hinagod ko nalang ang likod ni mama habang umiiyak siya.

Sobrang sakit ng mga nangyari, nakapanghihina lalo na't nalaman ko na matagal na palang nagloloko si papa.

Akala ko iba si papa sa lahat ng lalaking nakikita't nakilala ko. Akal ko hindi siya magloloko. Tama nga, akala ko lang yun.

"Pinapili ko siya anak, tayo na pamilya niya o yung kabit niya" agad kong hinarap si mama at pilit na pinupunasan ang mga mata niya piro hindi matigil ang mga luha niya.

"M-Mas pinili niya anak ang bago niya kaysa sa atin na siyang pamilya niya" halos pumiyok si mama ng sabihin niya iyun dahil sa sobrang pagiyak niya kaya niyakap ko siya ng sobrang higpit at ganun din ang ginawa niya.

Umalingawngaw sa buong tahanan namin ang mga hagulhol.

Wala na ang hiligi ng tahanan namin, wala na si papa. Sumama na siya sa iba






















"I'm sorry to hear that" dinig kong malungkot na usal ni Cassy mula sa telepono matapos kong ekwento sa kanyan ang nangyari lahat.

Andito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatingin sa salamin. Hinatid ko na din si mama sa kwarto niya at ngayon ay natutulog na siya. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak habang nakatingin sa itsura niya, sobrang pagod na pagod si mama at medyo namamayat na siya.

"Alis na muna ako. Kakausapin ko si papa" sabi ko. Buo na ang desisyon ko napuntahan ngayon si papa sa bagong bahay na tinitarhan niya. Hindi pa sangayon si Cassy kaya agad ko ng pinatay ang tawag at agad na tumayo.

Dahan dahan akong pumunta sa kwarto ni mama at agad na kinuha sa cabinet ang susi ng bahay. Mahimbing ang tulong ni mama habang namamaga ang kanyang mga mata kaya maslalong nadurog ang puso ko.


Agad akong sumakay at dumiritso sa isang subdivision. Alam ko ang address dahil nabanggit iyun ni mama kanina.

Akala ko talaga na kaya hindi umuuwi si papa ay dahil sa nasa travel siya kasama ang boss niya, piro hindi pala. May iba na pala siyang inuuwian.

alas otso na din ng gabi kung kaya't madilim na. Pagdating ko sa bahay na iyun ay agad akong kumatok doon.

Sobra ang kaba ng dibdib ko habang kumakatok. Ito lang ang natatangi kong paraan para makausap si papa at maliwanagan.

"Sino yan?" nakangiting bungad sa akin ng babae habang nakahawak sa tummy niya kung kaya't napatingin ako doon. Buntis siya.

Nakita kong gulat na gulat siya habang nakatingin sa akin kaya tinignan ko lang siya ng walang emosyon at agad na pumasok sa loob ng bahay. Pilit niya pa akong hindi pinapasok kong kaya't naitulak ko siya ng mahina.

"Anong ginagawa mo ditong bata ka!" Galit na saad ni papa sa akin at agad na lumapit sa kabit niya na ngayon ay nagtago sa likod niya.

Nanghina ako sa harap harapang nakita ko kaya't nagsilabasan na naman ang mga luha sa mga mata ko.

"Pa bakit mo nagawa sa amin ni mama to?"  tanong ko kaya napasalubong ang kilay niya. "Umalis ka na dito. Ayokong pagusapan ang bagay na yun" dinig kong sabi niya piro ibinaling ko ang tingin ko sa kabit ni papa na siyang kaibigan ni mama.

"WALANG HIYA KANG BABAE KA! ANG KAPAL NG MUKHA MO! ASAWA NG KAIBIGAN MO PINATOS MO! GANYAN KA NA BA KADESPERADA PARA KUMABIT SA MAY ASAWA!?" Sigaw ko sa kabit niya kaya nakita ko na mas lalong nagalit si papa.

pak!

Mas lalo akong napaiyak ng sampalin ako ni papa. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya ay napatumba ako. Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng mukha ko piro baliwala lang yung sakit nun sa sakit na nasa dibidib ko.

"WALA KANG KARAPATAN NA MAGSALITA NG GANYAN! ANAK LANG KITA!" sigaw niya kaya agad akong napatayo at matapang na hinarap siya.

Bastos man ang ginagawa ko sa harap ng papa ko ay wala na akong pakialam lalo na't sobra niyang sinaktan si mama.

"Hindi mo ako anak! Sa pagkakakilala ko ay ang ama ko ay hindi manloloko! at hindi papatol sa kaibigan ng asawa niya!" dahil sa sinabi ko ay tinulak pa ako ni papa kung kaya't tumama ang ulo ko sa pader.

Nadinig ko pa ang sigaw ng babae at oilit na pinipigilan si papa piro hindi talaga maawat si papa at sinampal niya pa ako ng paulit-ulit kaya inipon ko ang lakas ko at agad siyang tinulak.

"Sige! Sakatan mo pa ako! magkakademandahan na tayo!" Galit kong saad kaya napatigil siya at napapikit habang nakakuyom ang kamao niya.

Napamura ako sa harap nila habang patuloy na dumadaloy sa mga mata ko ang luha. Naramdaman ko din ang sakit ng ulo ko sa pagkakatama sa pader kaya napapikit nalang ako.

Agad akong lumabas sa bahay na yun habang  humahagulhol kahit na madaming nakatingin sa gawi namin ay hindi ko iyun pinansin.

Pa, wala kang pinagkaiba sa mga lalaking sinaktan ako.


I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon