K A B A N A T A 24

394 12 0
                                    

[CASSY'S POV]

"Ma please, hayaan mo na akong puntahan ang best friend ko" pagmamakaawa ko kay mommy habang umiiyak at kausap siya sa telepono. Andito ako ngayon sa bahay at nagiimpake ng damit ko dahil balak kong pumunta agad sa probinsiya ng samar para puntahan si Astrid.

"Ok anak, isama mo nalang si Yaya Nora para may mag-asikaso sayo. Ako nalang ang bahalang kumausap sa professor mo" ani niya kaya napangiti ako ng mapalapad. "Thank you talaga ma! I love you!" saad ko at agad na nagpaalam.

Agad kong binaba ang telepono at nagbihis para agad na kaming makaalis. Pinapadala lang din ni mommy yung kotse namin kaya ipapasakay nalang to sa barko para makatawid kami mula sa allen hanggang sa matnog.

I tried to call Cayden and Heiro pero hindi nila sinasagot ang tawag ko. Nang makaimpake na si yaya Nora ay agad kaming sumakay sa kotse at ipinasok naman ng mga kasambahay namin ang mga bagahe namin sa likod.

Habang bumibiyahe na kami ay tinatawagan ko si Cayden and Heiro pero hindi nila ito sinasagot kaya napagpasyahan ko nalang mag online para makausap si James at mahingi ang address.

To be honest, half of me ay hindi naniniwala about doon kahit na may picture ma siyang senend kaya I ask him to have a video call with me.

Nang sagutin niya ito ay nakita ko na talaga si Astrid, lying on the hospital bed. Maraming mga swero ang nakakonekta sa katawan niya kaya naiyak na naman ako habang nakatingin sa kaawa-awang kalagayan ng kaibigan ko.

"Senend ko na yung address dito sa hospital. Also, I send my number for you to contact me kung makarating kana dito sa Catbalogan" ani pa niya kaya agad akong napatango habang pinupunasan ang luha ko. "Uhm? Ano ba ang nangyari sa kanya?" tanong ko habang nakatingin sa kanya na kumakain. Mukhang puyat narin ito sa kababantay kay Astrid.

"Sabi ng mga nakakita, tumalon daw ito sa Antio Bridge. Nang dalhin siya dito sa hospital ay na revive agad siya at nagising pa naman siya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magsorry sa akin about what she did. I tried to ask her about what happen pero tanging 'pagod na ako' ang sinasabi niya. After the result about the scan on her head, nalaman kong may internal bleed sa utak niya kailangan raw itong maoperahan para matanggal yung dugo, after ng operation ay na comatose siya" sabi niya sa akin habang unti-unting tumutulo sa mga mata niya ang luha.

"I'm sorry nagiging emosyonal na ako. Alam ko kasi kung gaano ka hirap ang buhay dito ni Astrid at alam kong may kinalam dito yung mga bruha niyang kaanak!" ani pa niya kaya napapikit nalang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Yung last namin na pag-uusap, pinakiusapan niya ako na huwag kong ipaalam sayo at sa ibang kaibigan niya. Pero hindi ko talaga magawa kaya hinanap kita in social media. Nahirapan din ako kasi hindi ko alam ang apelyedo mo at tanging pangalan lang ang nababanggit niya sa akin. Please, huwag mong ipaalam sa iba about what happened to her" sabi pa niya kaya napabuntong hininga nalang ako.

Agad siyang nagpaalam sa akin dahil may aasikasuhin pa siya kaya agad kong enend yung call. Napadako nalang ang tingin ko sa phone ko na naroon ang contact number ni Heiro at Cayden.

"Please, huwag mong ipaalam sa iba about what happened to her"

Please, huwag mong ipaalam sa iba about what happened to her"

Please, huwag mong ipaalam sa iba about what happened to her"

Paulit-ulit na bumagabag sa isip ko ang sinabi ni James. Alam ko kung bakit sinabi yun ni Astrid, ayaw niyang mag-alala sila sa kanya. Kapag kasi tawagan ko si Heiro at sabihin ang nangyari sa kanya ay uuwi agad ito sa pilipinas. Tiyak na masasayang ang contract nila doon sa ibang bansa at ganun din yung career nila ng kanyang ka banda.

I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon