K A B A N A T A 36

390 11 0
                                    

"Are you sure that you're okay here?" Tanong ni Cayden habang nagsusuot ng black tuxedo niya kaya agad akong lumapit sa kanya para ayusin yung white polo niya. "Of course. Don't worry, ako na bahala dito" saad ko habang sinusuotan ko siya ng necktie.

Napangiti siya dahil sa ginawa ko at nanatiling nakatingin sa akin. Medyo tumitingkayad pa ako dahil ang taas niya talaga sa akin.

Its been a week narin simula ng makauwi kami sa palawan. Nandito parin sa pilipinas yung mommy at daddy ni Heiro, sa pagkakadinig ko ay for vacation raw at preparation for their wedding.

After ng pag-uusap nina Cayden at ng parents niya ay medyo lumayo na sa akin si Cayden, ewan basta medyo umiiwas siya. Nahuhuli ko rin siyang umiinom sa tuwing gabi tapos naging busy din siya lately.

"Nagusap na kami ni Cassy. Sasamahan ka niya dito" saad ni Cayden ng matapos kung isuot sa kanya yung necktie at agad akong yinakap.

"H-hindi mo nama kailangang gawin yun" saad ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang pagod.

"I'm gonna miss you" ani niya sabay halik sa noo ko kaya napangiti ako. Agad siyang humiwalay sa akin at agad na tumingin sa relo niya. "I have 20 minutes left before our flight" saad niya kaya agad niyang dinala ang maleta niya at bumaba na kami.

Sakto lang sa pagbaba namin ay siya ring pagdating ni Cassy. "Thank you Cassy!" Saad ni Cayden bago pumasok sa kotse niya. "Good bye dear! Take care! I love you!" saad niya sabay flying kiss kaya inasar ako ni Cassy habang nakamasid sa kanya.

Nang makaalis na si Cayden ay agad na kaming pumasok ni Cassy. "Wala kang pasok?" Tanong ko sa kanya kaya napatawa siya at agad na lumundag sa sofa. "You forgot, I'm the boss" ani niya kaya natawa nalang din ako.

Oo nga pala, she have her own company now kaya hindi na niya kayang pumasok just to ear money.

"So this is the feeling of being a house wife" saad niya sabay bukas ng tv kaya dumiritso ako sa kusina para maghanda ng makakain namin.

"Maghanda kana, ikakasal na kayo ni Inigo next week" saad ko at agad na umupo sa tabi niya. "Yeah, right. Magtratrabaho din naman ako after our honeymoon. I don't want to be a house wife, masasayang lang yung pinag-aralan ko" saad niya sabay kuha ng sandwich at agad na kinain iyun.

"Ang tanong kung papayagan ka ba ni Inigo" natatawa kong saad sa kanya. "Of course he will, I'm the boss" pagmamalaki niya sa akin kaya napailing iling nalang ako habang nakangiti.

"By the way, saan pala pupunta si Cayden?" tanong niya sa akin habang naglilipat ng channel. "May business travel siya in Japan. Siya kasi yung architect na kinuha ng isang companya doon. 1 week yata siya doon" saad ko habang nakatingin sa kanya na kumuha ng cd at ipinalsak doon. Napangiti ako ng makita kong ano yung palabas na yun.

"Kdrama!" Sabay naming hiyaw at agad na nagtawanan.


































"Sige, see you later" saad ni Cassy at agad na pinatay yung tawag niya. Napabuntong hininga nalang ako at agad na nilagay sa bag yung cellphone ko.

Nakasakay ako ngayon sa jeep at papunta ako sa grocery para sana mamili ng mga kulang sa kusina. Wala na din kasi kaming stock na pagkain, mabuti nalang talaga at iniwan ni Cayden sa akin yung credit card niya.

Hindi namin natapos ni Cassy yung pinapanood naming kdrama dahil tinawagan siya ng secretary niya kaya kailangan niyang pumunta sa trabaho. Wala din naman siya sa bahay kaya napagpasyahan kong unalis na muna at mamili ng pagkain.

Inaabangan ko din yung text at tawag ni Cayden. Naninibago lang ako kasi hindi naman siya ganito dati. He used to text me or call me pero ngayon ni isa wala.

I watched him fall for someone else Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon