"Why did you do that?!" tanong ko kay Vincent ng makalayo na kami sa kanila. Hawak niya ang kamay ko habang hinahatak ako sa kung saan kaya nagpupumiglas parin ako sa kanya.
Hindi niya ako sinagot at sa halip ay binuksan niya yung kotse niya at pilit akong pinapasok kaya hindi ako nagpatalo sa kanya.
"Get in" saad niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
" Whaaaa! Tama na! Okay fine papasok na ako!" Saad ko habang pilit na tinatanggal yung kamay niya na siyang kumikiliti sa tagiliran ko. "Good" saad niya habang nakangiti kaya napaiwas ako ng tingin. I never seen him smiled like this. Nakakailang.
Sumakay na din siya sa driver seat at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napabuntong hininga nalang ako at agad na napasandal sa bintana ng kotse.
Naalala ko naman si Cayden at Zarhana. Yeah, right. I have no rights to get jealous dahil hindi naman kami pero nasasaktan talaga ako. Akala ko iba siya at hindi niya ako sasaktan but look at me right now, iba nga siya, sa ibang paraan niya ako sasaktan.
"Tara" saad ni Vincent ng huminto kami sa isang kanto. Paglabas ko ay nakita kong likod lang to ng bahay ni Vincent na kung saan ay na sa garden niya. Madilim din ang paligid at tanging sinag lang ng buwan yung nagbibigay liwanag sa kapaligiran.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin kay Vincent na nagsisimulang akyatin yung napakataas na hagdan na siyang papunta sa kabukiran kaya nakakatakot. "Basta, tara" saad niya at agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak ako papaakyat.
"Uy baka may ahas dito o di kaya multo" natatakot na saad ko habang patuloy kaming umaakyat at nakahawak siya sa kamay ko kaya medyo lumapit ako sa kanya lalo na ng may madinig akong kaluskos sa gilid. Huhu nakakatakot.
"Teka, pahinga muna tayo, nakakapagod" saad ko habang naghahabol ng hininga dahil sa sobrang pagod sa pagakyat. "Bilis, malapit na tayo" saad niya at hinatak muli ako hanggang sa makaakyat na kami.
"Wow?" Saad ko ng bumungad sa akin ang kabuohan ng subdivision na ito. Natatanaw din dito ang buong manila at yung mga building kaya sobrang taas nga talaga yung inakyat naming dalawa.
Tinanaw ko yung baba na kung saan ay nandoon ang bahay ni Vincent. Ito talaga yung bundok na natanaw ko mula sa baba. "Here" napalingon ako kay Vincent, nakita kong lumabas siya sa isang rest house na siyang napapansin ko palang. May malaking duyan din sa gitna na hindi ko napansin kaya agad akong napangiti habang nakatingin sa paligid.
Ng makalapit na sa akin si Vincent ay agad niyang inabot sa akin ang isang bote ng wine at two wine glass. "Ang ganda naman dito" saad ko sa kanya. Nakailaw na ngayon ang rest house at straight light kaya hindi na masyadong madilim.
"This is my favorite place. I used to cone here everytime I'm sad" saad niya habang nagsasalin ng wine sa baso ko kaya napatingin ako sa kanya. Dumudugo pa yung sugat niya sa labi pero binalewala niya lang ito. Nakaupo din kami ngayon sa grass field at magkatabi kami.
"Wait, gamutin na muna natin yang sugat mo" saad ko sa kanya kaya napatawa siya at seryosong tumingin sa akin. " Wala to sa sakit na nararamdaman ko ngayon, Astrid" saad niya kaya napaiwas ako ng tingin at agad na ininom yung wine.
"Bakit mo pala ako sinama dito?" Tanong ko habang nakatingin sa paligid. Napapadako din ang tingin ko sa kalangitan na kung saan ay may half moon at maraming stars na siyang dumadagdag sa kagandahan ng paligid.
"You're sad too" simple niyang sagot kaya napabuntong hininga ako. Wala na muling may nagsalita sa amin. Kapwa kami nagpapalitan at nagpapakawala ng mabibigat na buntong hininga.
"Did you know, I used to be here everytime no one's understand me" pagbabasag niya ng katahimikan kaya napatingin ako sa kanya. " Ako, everytime I'm sad, I used to cut some onions para maiyak ako" saad ko sa kanya kaya napatawa siya. "Lol. Really?" Saad pa niya kaya napatango ako habang nakangiti.
Nagsalin na naman siya muli ng wine sa baso ko at sa baso niya. "Cheers for our broken hearts" saad niya habang tumatawa kaya natawa nalang din ako at nakipag-cheers sa kanya.
"Bakit ba ang hilig nating magmahal sa taong walang ibang ginawa kundi saktan tayo?" Biglang tanong niya kaya napanguso ako at napatawa. "Siguro dahil hindi tayo marunong magmura" saad ko sabay tawa ng malakas kaya napakunot siya ng noo at natawa nalang dahil sa kinilos ko. Ewan ko kung bakit ako naging ganito. Siguro dahil tinamaan na ako ng alak.
"Ang lakas na ng tama mo" saad pa niya sabay salin ulit kaya agad ko itong ininom. "Mas mabuti ng malakas ang tama sa alak, huwag lang sa taong walang balak na mahalin ka" saad ko sabay tawa ng malakas hanggang sa mapahawak na ako sa tiyan ko.
Sa sobrang tawa ko ay hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.
"Grabe! Even our own happiness can hurt us! Kaya pala sinaktan ako ni Cayden" saad ko habang patuloy na umiiyak kaya agad akong napatayo at lumapit doon para mas lalo kong masilayan yung buong paligid.
"Are you okay?" Tanong ni Vincent at agad na tumabi sa akin kaya pilit kong pinupunasan ang luha ko. "Y-yes I am" saad ko. Napalingon ako sa kanya ng madinig ko ang pagtawa niya.
"Why are we supposed to say I'm Okay' even if its not" saad niya kaya mapait akong napangiti.
"Then, why do people tend to ask that question if its obvious that we're not" saad ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Its because sometimes, what we see is not enough to prove that our statement was true. Sometimes, you need some evidence to prove your statements. Parang pag-ibig. Hindi porque pinaramdam niyang mahal na mahal ka niya ay totoo na iyun. Malay mo paasa lang siya. Just like what they said, Even a salt looks like a sugar" saad niya kaya natamaan ako.
"Bakit ba ang hilig niyong magpaasa?" Biglang tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Excuse me, what?" Tanong niya kaya sarkastiko akong natawa.
"Kayong mga lalaki, ang hilig niyong magpaasa! Nananahimik lang ying buhay namin tapos mag bibigay kayo ng motibo, tapos ano? Sa huli mang-iiwan kayo!" Bulayaw ko sa kanya kaya nakita ko ang pag-igting ng panga niya. "Nothing hurts more than a heart left wondering why" dugtong ko pa habang nagsimula na namang tumulo yung luha ko.
"Don't act like you're only the one who are victim here, Astrid. Pinaasa rin ako ng babaeng tulad mo!" Saad niya kaya napatigil ako. Oo nga pala. magkakampi kaming dalawa.
"Gusto kong sumigaw" usal ko habang nakatingin sa kanya kaya napangiti siya. "WOAH!" pangunguna niya sa pagsigaw kaya agad kong pinunasan ang luha ko at sumigaw na rin.
"P*T*NG *NA KAYONG LAHAT!" malakas kong sigaw kaya muntik na akong mawalan ng hangin sa loob ng katawan ko kaya natawa ako. "Wait? Did you just cursed?" Tanong niya kaya napatango ako habang tumatawa at ganun din siya.
Napatigil kaming dalawa habang nakatanaw na sa buong paligid. Medyo malamig na rin ang simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Nagulat ako ng maramdaman ko yung pagpatong ng coat sa balikat ko at nakita kong yun yung suot ni Vincent. "Akala ko sanay ka na sa lamig" ani pa niya kaya napakunot ako ng noo. "Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Kasi he's already cold to you" saad niya sabay tawa kaya napatawa nalang din ako at hinampas siya sa braso. Hindi ko inakala na magiging kompotable na ako sa kanya.
"Alam mo yung feeling na mahal na mahal mo yung tao pero kailangan mong itigil dahil meron na siyang iba?" Biglang tanong ko sa kanya kaya malungkot siyang tumingin sa akin. "I feel you, pero hayaan mo na. Uminom nalang tayo" saad niya at agad na nagsalim nuli ng wine.
"Alak para sa puso nating wasak" saad ko habang tumatawa kaya naatawa na din siya"You know what? I just realized that the scary part in love is you didn't know if it is real or you're just getting played" saad ko matapos uminom.
"But I think I just played now. Laruan talaga ako ng mga taong bored" saad ko at mapait na ngumiti."Damn. I feel you" saad niya kaya natawa nalang ako. "But you know what?" saad niya kaya kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"If he really loves you, no matter how many people he met in his life, his love for you won't change" saad niya kaya napayuko ako.
"A real lover can't be stolen" dagdag pa niya.
"Tumahimik ka na. Ipinagpalit ka din naman ah!" Bulyaw ko sa kanya kaya napatawa siya.
BINABASA MO ANG
I watched him fall for someone else
General FictionAstrid Ortega has been friends with Heiro since the day they were little. She was always there when Heiro started his career in singing and joining the band till he was discovered and become an Idol. Heiro knows everything about Astrid but only one...