Kabanata II: Ang Patunay at ang Pagtira

5.2K 284 20
                                    

Kabanata II: Ang Patunay at ang Pagtira

“GINOONG LAZARUS, ang agahan ninyo ay nakahanda na. Naghihintay na ang iyong mga magulang sa baba,” magalang na sigaw ng isang katulong habang kinakatok ang malaking pinto dahilan para magising si Sefarino.

“Anong klaseng panaginip ’yon?” inis na tanong ni Sefarino nang maalala ang hindi kapani-paniwalang napakainit na panaginip tungkol sa tangang piniks. Agad niyang kinuha ang baso sa lamesa at ramdam na ramdam ang dugo mula sa bibig papunta sa baba niya nang maalala ang matamis na dugo ng binatang nakasiping. Dinilaan niya ang kaniyang labi. “Parang totoong panaginip. Damang-dama ko pa ang init ng katawan niya.” Sa pag-iisip ng bampira, may kumukulong tensiyong namumuo ulit sa loob ng katawan niya. Unti-unti na ring nabubuhay ang kaniyang pang-ibaba.

Inis na napabaling si Sefarino sa gilid dahilan para manlaki ang mga mata. “Sino ka?” Halos lumindol ang silid nang sumigaw si Sefarino sa kaharap dahilan para mapatay lahat ng kandila.

Kitang-kita ni Sefarino ang pagsimangot ni Raziel dahil sa konting sinag na nanggagaling sa labas, prente itong napahikab at dahan-dahang binuksan ang mga mata. Hindi maiwasang mapatitig at mapalunok ng bampira, mula sa maladyamante nitong mga mata pababa sa mapupulang labi dahilan para kagatin niya ang sariling labi saka napapunta sa leeg nitong napakinis at napakaputi.

"Ang ingay mo, Ginoo! Gusto ko pang matulog,” reklamo ng piniks saka kinuha ang unan ni Sefarino saka niyakap ito at pumikit na ulit. “Ang pang-ibaba ko ay masakit pa.”

Nakataas ang kilay ni Sefarino habang pinapanood si Raziel, tiningnan niya ito mula ulo hanggang sa pag-ibabang arte nito na ngayon ay nakaharap sa kaniya. Ramdam na ramdam ni Sefarino ang pag-init ng mukha niya kaya napaiwas siya at hindi maiwasang mapaisip kung bakit hindi nahihiya ang binata sa ayos nito. Ngunit agad niyang tinakpan ang katawan gamit ang kumot nang maramdaman niyang wala rin siyang saplot.

Napasapo na lang siya sa kaniyang noo nang maalala ang nangyari kagabi saka tinuro si Raziel. “You!”

Binuksan ni Raziel ang kanang mata niya saka niyapos ang unan. “A-Ako?”

“Oo, ikaw!”

“Oo, ako?”

Napahilamos na lang si Sefarino sa sobrang inis. “Umalis ka na!”

“Prinsipe Sefarino? Ayos lang po ba kayo?” sigaw ng katulong sa labas ng kwarto ni Sefarino.

“Oo. Puwede ka ng umalis,” sagot ni Sefarino habang ang mga mata niya ay nakapako sa lalaking prenteng nakahiga sa malambot niyang kama.

“Sefarino? Sefarino pala ang iyong pangalan at isa kang prinsipe?” Nakangiting umupo ang piniks ngunit napangiwi rin nang makaramdamng hapdi. “Ikinagagalak kitang makilala, Prinsipe—”

“Lumabas ka na!” singhal ni Sefarino habang ang mga mata nito ay pumupula na saka itinuro ang bintanang nakasarado.

“Sa bintana mo ako pinapalabas? Isa kang bampirang langin!” hindi makapaniwalang tanong ni Raziel. Sa laki ng bahay ay sa bintana pa siya papalabasin at hindi sa malaking pinto. Hindi maiwasang mapailing sa isang bampirang walang malasakit.

“Wala akong pakialam. Lumabas ka na!” mariing sigaw ni Sefarino saka mabilis na naglaho papunta sa aparador para magdamit.

Tumayo si Raziel saka lumakad papalapit kay Sefarino saka ngumiti nang pagkalaki-laki. “Ang pangalan ko ay Raziel Cassius, isa akong piniks kaya pakiusap lang ay igalang mo ako.”

“Piniks? Wala akong pakialam!” malakas na sigaw ni Sefarino kay Raziel saka pinagtulakan na ito papunta sa bintana.

“Hindi puwede! Wala akong matitirahan!” Pilit na kumawala ni Raziel sa mahigpit na pagkakahawak ni Sefarino. Sisigawan na naman sana siya ni Sefarino ngunit sumabat ang malakas na tunog ng tiyan ni Raziel. “Ako’y nagugutom na!”

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon