Kabanata XXVI: The Prophecy

2.5K 202 16
                                    

Kabanata XXVI: The Prophecy

ILANG araw na ang nakalilipas matapos ang away sa pagitan ng mga bampira sa kapwa nito bampira at ilang araw na ring nakakulong si Sefarino sa kwarto niya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa isang sulok sa madilim niyang kwarto na nababalutan ng pinaghalong kalungkutan at kawalan. Wala niisang nagtangkang katukin ang pinto ng silid dahil alam nilang lahat ang bigat na nararanasan at dinadala ngayon ni Sefarino.

"Ano pa ang silbi ng paggalaw ko sa mundong ito kung wala na ang nagbibigay ng lakas sa akin para mabuhay?" tanong ni Sefarino sa sarili.

"May karapatan pa ba akong mabuhay matapos mamatay ang mahal ko sa aking harapan na wala man lang akong nagawa," giit ni Sefarino saka tumulo na naman ang mga luha.

Buong araw siyang umiiyak at walang tigil sa pagsisi sa sarili sa mga nangyari.

"Why did you leave me? Mali ba ang pagtatagpo natin?" umiiyak na tanong ni Sefarino habang mahigpit na nakahawak sa dibdib kung saan pinakiramdaman ang pusong hirap na hirap. "Dahil ba isa akong bampira kaya nagkaganito tayo? Kaya ba ako pinaparusahan nang paulit-ulit dahil sa sinasabi nilang tadhana na walang ibang ginawa kundi ang magdala ng sakit at problema?"

Hindi na alam ni Sefarino ang gagawin niya, ang nasa isipan niya lang ay ang paulit-paulit na naganap na away at ang nangyari kay Raziel sa kaniyang harapan sa madugong gabi. Ni konting kislap man lang sa mga mata ng bampira ay wala na talaga. Napuno na ito ng luha.

"Hindi ko man lang napaghandaan ang pag-alis mo, sana ay isinama mo ako."

Dahil sa nangyari sa lupa ay naghihingalong tumatakbo ang matanda na si Master Lou papunta sa tahanan ng mga Cassius.

"Zadkiel!" hingal na sigaw ni Master Lou nang nakarating siya sa tahanan ni Zadkiel.

"Punong-guro Lou, bakit kayo naparito?" nagtatakang saad ni Zadkiel habang sinusuri ang ayos nito. Magulo ang mahabang buhok habang ang pakpak nito ay kaonting nakabukas at ang damit hindi maayos ang pagkakasuot.

"Nabura!" seryosong sigaw ni Master Lou na nagpataka kay Zadkiel.

"Nabura ang ano?"

"Ang nakasulat sa propesiya kung saan ang isang piniks na bababa sa lupa ang magiging sakripisiyo para magkaroon nang kapayapaan sa pagitan ng mga bampira sa kapwa nila bampira! Wala na ang lahat, blanko na ang huling pahina." Dahil sa sinabi ni Master Lou ay agad na kinuha ni Zadkiel ang libro sa kamay nito at agad na tiningnan ang huling pahina ng libro pero wala itong nakasulat.

"Anong nangyari? Bakit nawala?" nagtatakang tanong ni Zadkiel habang mahigpit na nakahawak sa libro.

"Nabago ang lahat. Ibang landas ang tinahak ni Raziel, ang landas na nagpabura sa propesiya," seryosong usal ni Master Lou.

"Ano ang nais mong ipabatid?"

Tumingin naman ng seryoso si Master Lou kay Zadkiel.

"Posibleng patay na si Raziel." Nabitiwan ni Zadkiel ang librong hawak dahil sa tugon ni Master Lou. "At dahil sinuway niya ang unang batas ng piniks."

"Tubig na kay hiwaga. Ano ang kalagayan ngayon ni Raziel?" Paulit-ulit na sambit ni Zadkiel habang may kasamang kaba ngunit mahigit sampung minuto na siyang nagbibigkas, ni konti man lang ay hindi gumalaw ang tubig.

"Pakitawag si Angelo!"

"G-Ginoong Zadkiel!" kinakabahang bati ni Angelo.

"Maglakbay ka papunta sa Astra Sive. Kumuha ka ng mga halamang gamot," utos ni Zadkiel.

"Sasama ako," wika ni Master Lou na kararating pa lang.

Sabay silang lumipad sa himpapawid. Inis ang sumunod sa kalungkutang nararamdaman ni Angelo.

"Natupad ba ang nakasaad sa propesiya? Maiiligtas pa ba natin siya?" Ang pangambang nakaukit sa puso ng binata ay hinaluan ng kalungkutan.

"Kapag nahanap na natin ang gamot."

Ilang oras na silang naghahanap at konti pa lang ang nakukuha nilang halamang gamot.

"Angelo, magpahinga ka na muna," pagod na sambit ni Master Lou saka unang umupo sa ilalim ng isang malaking kahoy habang pinupunasan ang pawis.

Hindi na nag-abalang tumingin si Angelo kay Master Lou at pinagpatuloy na lang ang paghahanap sa hindi karaniwang na halamang gamot. "Wala po akong oras para magpahinga, punong-guro. Buhay ng aking kaibigan ang nakataya rito."

"Iyon ang layunin natin ngayon. Subalit, sa problemang ito lang tayo makatutulong."

Napahinto ang binata saglit saka nagtatakang tumingin sa guro. "May iba pa bang problema?"

"Sinuway ni Raziel ang pinakaunang batas natin."

Napahigpit ang hawak niya sa hawak na gamot na bulaklak. "H-Hindi iyan maaari!" Hindi niya kayang tanggapin ang sinabi nito. "Binalaan ko na siya ngunit sinuway niya pa rin."

"Hindi natin mapipigilan ang nagliliyab na puso, Angelo."

Kumunot ang noo ni Angelo. "Bakit hindi? Marami na tayong napigilan-"

"Lalo na kapag nagbunga ang maling pagmamahalan." Seryoso silang nagtitigan ngunit unang umiwas si Angelo.

"Hindi ko naiintindihan ang inyong sinasabi."

Napabuga ng hangin si Master Lou nang wala sa oras. "Mas mabuti ng wala kang alam sa bagay na ito."

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon