Kabanata IX: Orazi Andrens

3K 220 15
                                    

Kabanata IX: Orazi Andrens

MAGANDA ang panahon ngayon lalong-lalo na sa hardin na kanilang tinatayuan. Masarap ang simoy ng hangin at hindi gaanong mainit ang sinag ng araw kaya ang buong pamilya ni Sefarino kasama si Raziel ay nandito sa hardin pero nasa malayo sila Sefarino at ang kasama lang ngayon ni Raziel ay si Edoardo dahil nais siyang makausap nito. Nakaupo lang sila sa isang upuan sa hardin at nakatanaw kina Sefarino na masayang nagtatanim. Ang malamig, mainipin at ang walang-awang bampira na si Sefarino ay nagtatanim kaya napapatawa si Raziel kapag inis itong nagbubungkal ng lupa. Inutusan kasi ito ng kaniyang lolo na magtanim at walang nagawa kundi ang sundin ito.

“So, where do you live?”

Napatigil naman si Raziel sa panonood kina Sefarino at napalingon kay Edoardo. “Sa C-Cloude Feryss po,” utal niyang sagot. Sinabi niya ang totoo dahil ayaw na niyang magsinungaling at isa pa ay naniniwala si Edoardo sa mga piniks kaya naisip niya na maniwala rin ito sa mga sasabihin niya.

“Cloude Feryss?” Nag-isip naman si Edoardo saka tumingin sa kaniya ng seryoso kaya kinabahan siya bigla. “You’re really a phoenix.”

Nagulat naman si Raziel. Hindi ito isang tanong, hindi ito nagtatanong sa kaniya kung piniks ba siya at base sa pananalita nito ay alam na alam niya.

“Paano?” mahinang tanong ni Raziel.

Edoardo smiled at him. “May iba’t ibang kulay ang buhok mo, kombinasyon ng kulay pula, itim, at puti.”

Napahawak naman si Raziel sa buhok niya. “N-Nakita n’yo po?”

Ang maliit na parte ng buhok ng piniks na may kulay ay ito ang nagsisilbing simbolo kung ano ang kulay nila. May iba’t ibang kulay ang mga piniks at ang kay Raziel ay mga kulay ng rosas. Para itong floral arrangement kaya maganda tingnan.

“Oo, nasa ilalim. Kung hindi humangin ay hindi ko makikita,” nakangiting sabi nito. “Pero nang sinabi mo kung saan ka nanggaling ay alam ko na.”

Mas lalong nagulat si Raziel. “Alam n’yo po ang Cloude Feryss?”

Ngumiti ito ng malungkot. “Nagmahal ako ng isang kagaya mo dati na nakatira rin doon.”

Kung nagulat si Raziel kanina ay mas lalong gulat na gulat siya ngayon sa sagot ni Edoardo. “P-Pero ang unang batas ng mga piniks—”

“Hello, everyone!” Naagaw ang atensiyon nila sa kararating na si Orazi. Masiglang-masigla si Orazi na sumisigaw sa pangalan nila Sefarino pero napahinto ito nang makita niya si Edoardo. “L-Lolo,” magalang na sabi nito saka yumuko kay Edoardo.

“Why are you here?” tanong ni Edoardo sa apo.

Biglang nanlamig ngunit pinapawisan si Orazi sa tanong ni Edoardo. “V-Visiting them.”

Napaginhawa si Orazi nang hindi na nakatingin sa kaniya ang lolo niya.

“Papasok na ako sa loob. Maiwan na kita.”

Tumango si Raziel kay Edoardo at saka sinundan ito ng tingin papalayo. Maraming katanungan ang nasa isip niya na gusto niyang itanong pero parang wala siya sa pwesto para magtanong.

“He’s intimidating, right?” paunang tanong ni Orazi kay Raziel.

Nakangiting umiling si Raziel. “Hindi naman.”

“So, pinag-isipan mo ba ang alok ko sa ’yo?” Tumaas-baba pa ang kilay ni Orazi pero umiling si Raziel.

“Wala pong dapat pag-isipan.”

Napatawa naman ito. “You’re too polite. Huwag ka na lang mag-po. Hindi naman ako matanda. Magkasing-edad lang naman siguro tayo, 20 years old pa ako.” Base sa pananaw ni Orazi ay magkasing-edad lang sila dahil sa kaanyuan nito. Payat na pangangatawan, maputi’t makinis na balat at ang kakaibang awrang dinadala ng piniks.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon