Kabanata III: A Contract with the Prince

3.9K 265 15
                                    

Kabanata III: A Contract with the Prince

“SEFAR, nais kung malaman kung ano ang pet na iyong tinutukoy kanina?” diretsahang tanong ni Raziel pagkapasok nila sa silid.

“You will be my pet, whether you like it or not. Our bodies are compatible with each other,” mahabang paliwanag ni Sefarino ngunit isang pagtabingi lang ng ulo ang isinukli ni Raziel. “Totoo ba talagang hindi ka nakakaintindi ng Ingles?”

Dahan-dahang tumango si Raziel kaya napamura si Sefarino.

“Fact?” pag-uulit ni Raziel sa mura ni Sefarino.

Napangiwi ang bampira. “Isa ’yong mura.”

“Ganoon kayo magmura? Fact!” na-eenganyong usal ng piniks na nagpangiwi sa bampira.

Sefarino can’t help but let out small chuckles. “Bumalik tayo sa pinag-uusapan natin.” Napatango naman si Raziel kaya nagpaliwanag na si Sefarino, “Ikaw ay magiging alaga ko. Isang alagang kayang sustentuhan ang mga pangangailangan ko kagaya ng pagbibigay ng dugo o pagdating sa pagsisiping. Ayoko sa mga nagamit na kaya ikaw ang pinili ko.”

Isang mahabang katahimikang nabuo sa pagitan nilang dalawa at isang malalim na buntong hininga ni Raziel ang bumasag. “Naging alaga na ako ng isang bampira.”

“Ano?” hindi makapaniwalang sigaw ni Sefarino. He literally can’t believe it. Nakipagsiping siya sa isang taong may nakauna na.

“Iyon ang katotohanan. Leone ang kaniyang pangalan.”

Naikuyom ni Sefarino ang daliri. “Anong angkan siya nabibilang? Sa daming Leone sa mundo ng mga bampira, paano ko siya makikilala?” nanggagalaiting tanong niya ngunit isang malungkot na ngiti ang unang isinukli ni Raziel.

Pilit na sumagot ang piniks, “Siya ay lumisan na sa lugar na—ang mga mata mo ay nagiging pula.”

“Ilang taon na kayong hindi nagkikita?” inip na tanong ng bampira saka pumikit upang pakalmahin ang sarili saka masinsinang tumitig kay Raziel. “At sino namang bampira ang nakauna sa kaniya? Iyong Leone?”

Raziel sadly sighs. “Mahigit isang dekada na—”

“That’s good.” Malakas na napaginhawa si Sefarino saka inilahad ang kamay. “Ikaw ang magiging alaga ko, for now.”

“Hindi maaari!” tutol ni Raziel.

Napataas ang kilay ni Sefarino saka hinigit ang damit ni Raziel at inilapit ang mukha sa mukha ng piniks. “Mamili ka, aalis ka o magiging alaga ko?”

“Ako’y… titira.” Wala siyang magagawa. Ang tanging nasa isip lang ni Raziel ay ang manumbalik ang orihinal na kulay ng kaniyang mga pakpak.

Nakangising inilapit ni Sefarino ang mukha ni Raziel saka kinagat ang labi at binitiwan ang damit ng piniks. “Mabuti naman at naintindihan mo.” Lumakad na si Sefarino palabas ng silid pero bago niya tuluyang isinarado ang pinto ay may binilin siya, “Huwag kang lalabas ng walang pahintulot ko.”

“Anong desisyon ba itong nagawa ko?” Napangiwi si Raziel nang mahawakan ang parteng nagkasugat saka napasilip sa bintana. “Kailangan kong makalabas sa teritoryong ito.”

Mga katok na nanggagaling sa pinto ang umagaw sa atensiyon ni Raziel. Kahit na nalilito kung sino ito ay agad niya itong binuksan at isang malaking ngiti ang bumungad sa kaniya.

“Hi? Puwede ba kitang makausap?” nakangiting tanong ni Elerah.

Walang nagawa si Raziel kundi tumango at sumunod na lang kay Elerah ng tahimik at namalayan niyang nasa hardin na sila. Nakaupo lang sila sa isang upuan na nasa ilalim ng malaking kahoy kaya hindi masyadong mainit. Masayang pinanood ni Raziel ang iba’t ibang bulaklak na sumasayaw dulot ng hangin.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon