Kabanata VII: Ang Pag-iwas at ang Natuklasan

3.4K 236 17
                                    

Kabanata VII: Ang Pag-iwas at ang Natuklasan

KINABUKASAN ay hindi mapakaling nagdidilig ng halaman si Raziel dahil sa titig ni Sefarino. Dahil sa naging sagutan nila kaninang madaling araw ay umiiwas na si Raziel. Namumulang napaiwas ang piniks nang tinaasan siya ng kilay ng bampira. Hindi niya namalayang nakatitig na pala siya nang matagal. Bawat kilos na ginagawa ni Raziel ay minamanmanan ni Sefarino.

“Kung may nais kang sabihin ay ito na ang tamang panahon,” basag ni Raziel sa katahimikan.

“Sino si Leone? Saan kayo nagkakilala at bakit hindi mo siya kayang kalimutan?” Kahit na ayaw pag-usapan ni Sefarino ay wala siyang magagawa dahil pinapatay ang kaluluwa niya sa kuryusidad.

“Siya lang ang taong minahal ko. Kahit na nakatira na lang ako sa mga alaala naming dalawa ay hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. Dahil sa hindi inaasahang pagtatagpo, nahulog ako sa kaniya,” nakangiting paliwanag ni Raziel habang hinihipo ang mga bulaklak.

Inis na tumayo si Sefarino at bumulong bago maglaho sa hangin. “Nahulog ka rin sa akin.”

Nagtatakang nakatingin si Elerah sa anak niyang malalalim ang buntong hininga na ngayon ay nakahiga sa isang kamang nasa ilalim ng isang malaking Nara. Malimit lang itong pumunta sa bahay bakasyunan ng mga Lazarus kaya nakakapanibago. “Why are you here?”

“To clear my mind,” nakapikit na sagot ni Sefarino habang ninanamnam ang sariwang hangin. Naramdaman ni Sefarino ang pag-upo ni Elerah sa kama. “Mom, can you choose a mate for me?”

“S-Sure,” nabibiglang sagot ni Elerah kay Sefarino. Hindi niya akalain na ang anak ay gusto na magkaroon ng mate. “What kind of mate do you want?”

“I want,” pabitin na saad ni Sefarino saka unti-unting idinilat ang asul na mga mata na kitang-kita ang repleksyon ng kalangitan, “Raziel.”

“Sefarino, iba na lang,” nakikiusap na saad ng ina.

“I can’t help it. Hinahanap ko pa rin ang presensya niya.” Inis na binalingan ng tingin ni Sefarino si Elerah nang may naalala siya. “Bakit mo siya binigyan ng sariling kwarto?”

“Kailangan ko kayong paglayuin. Ayaw mong malayo sa kaniya dahil sa dugo niya.”

Ang kaninang asul na mga mata ay biglang naging itim na ngayon ay nakatitig sa nanginginig na si Elerah. “Sana nga dahil sa dugo niya lang.”

Hindi pa rin humihinto ang panginginig ng katawan ni Elerah sa nasaksihang pagbabago ng kulay ng mga mata ni Sefarino. Ito ang kauna-unahang beses na nakita niyang umitim isang dekada na rin ang lumilipas. “Kahit kailan, ang tadhana talaga ang masusunod.”

Biglang lumitaw si Deus sa harap ni Elerah habang naaawang nakatingin sa pwesto kung saan naglaho si Sefarino. “Mate na ni Leone si Raziel, hindi na siya puwedeng maging mate ni Sefarino.”

“Hindi talaga naaayon ang tadhana sa kanila.” Agad na napalingon ang mag-asawa nang lumitaw bigla si Edoardo saka ipinakita ang pulang librong may pangil na disenyo. “Ang propesiya ang susundin natin at hindi ang kagustuhan ni Sefarino.”

Agad na napahinto si Raziel sa pagbabasa ng aklat saka agad na napatingin kay Sefarino na kalilitaw pa lang.

“Come with me.”

It was already past 6:00P.M. when Sefarino and Raziel left the house. Tahimik lang silang parehong tinatahak ang matiwasay na lugar. Ang maririnig mo lang ay ang ingay ng mga palaka at ang nagsisilbing ilaw para gumabay sa kanila ay ang maliwanag na buwan at ang mga alitaptap.

Pagdating nila sa lugar kung saan ito matatagpuan ay lumantad sa mga mata ni Raziel ang kumikinang na tubig galing sa taas at gumagawa ng isang tunog kapag nakaabot na ito sa ibaba, nakikita niya lahat dahil sa mga ilaw na nakapaligid sa lugar kaya napalapit siya sa tubig at inilusob ang kaliwang kamay sa tubig ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napaluha na lang siya bigla.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon