Kabanata XVII: His Strangely Stunning Wings

2.7K 208 11
                                    

Kabanata XVII: His Strangely Stunning Wings

“RAZ?” tawag ni Sefarino kay Raziel habang kumakatok sa pinto ng banyo.

“Bakit?” tanong ni Raziel habang nakatanaw sa repleksyon sa salamin. Pawisan at hinihingal.

Raziel sighed. He tries to let out his wings but it’s not easy. Kanina pa siya sa banyo para subukan kung kaya na niya bang ipalabas ang mga pakpak dahil nitong mga nakaraang araw ay nagsisimula na itong mahulog. Gusto niya kasing tingnan kung bumabalik na ba ito sa dati ngunit halos isang oras na siyang nakatingin sa salamin at wala pa rin.

“Lumabas ka na. Ang tagal mo diyan.”

Hindi maiwasang mainis si Raziel kay Sefarino dahil hindi nito alam kung ano ang mga nararamdaman niya ngayon.

Napailing na lang si Raziel. “Handa ka na bang makita ang pakpak mo?” hindi maiwasang tanong ni Raziel sa kaniyang repleksiyon sa salamin. “Huling subok na lang ito.”

“Raz!”

“Huwag mo nga akong madaliin,” iritang saad ni Raziel kay Sefarino na atat na atat na palabasin siya.

Marahang inuntog ng bampira ang noo sa pinto. “Ano bang ginagawa mo diyan?” tanong na naman ni Sefarino. Naiinis ito dahil hindi sinabi ni Raziel kung ano ang gagawin niya sa banyo.

“Huwag ka ng magtanong.” Napakunot naman ang noo ni Sefarino sa sinabi ni Raziel.

“Ah—” Agad na napatakip si Raziel sa bibig niya. Hindi niya maiwasan sumigaw sa sakit dahil nagawa niyang palabasin ng dulo ng pakpak niya.

“Hey, Raz? Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Sefarino sa labas.

“O-Oo, huwag kang pumasok,” tipid na sagot ni Raziel habang hindi mapigilang mapaluha dahil sa sakit.

”Ito na ba ’to? Ang mga kasalanan ko dati?” Napaluhod naman si Raziel sa sahig at tinakpang mabuti ang bibig niya para walang lumabas na daing galing dito. “O ang malaking kasalanan ko ngayon?”

Namimilipit si Raziel sa sakit. Ramdam niyang napupunit ang kaniyang likod. Iniinda niya lang ito. Dahan-dahan namang lumalabas ang mga pakpak niya. Gusto na ni Raziel makita. Gusto na niyang makita kung bumabalik na ba ito sa dating kulay. Ayaw niyang maging pabigat sa Cloude Feress lalong-lalo na at isa siya sa mga pinagpalang piniks na may mga responsibilidad na dapat gampanan.

“A-Ang sakit.” Hindi niya mapigilan ang mga luha niya parang isang talon na mahirap patigilin.

“Raz? Raz?” katok ni Sefarino pero hindi sumagot si Raziel dahil sa sakit na nararamdaman nito.

Wala ng nagawa si Sefarino kundi ang sipain ang pinto at lumantad sa kaniyang harapan si Raziel, si Raziel na may magagandang pakpak. Napaestatwa lang si Sefarino at hindi niya magawang gumalaw sa nakita. Isang piniks ang kaharap niya ngayon. Ang piniks na pinababa sa lupa para maging sa kaniya.

Lumingon naman si Raziel sa kaniya ang ngumuti ng bahagya. “N-Nagtagumpay ako, Sefar,” masayang saad nito.

“Y-Your wings—”

Dahan-dahan namang tumayo si Raziel at tumalikod sa salamin at nilingon ito. Nakita niya ang pakpak niyang itim at puti pero mas nangingibabaw pa rin ang itim dito at may mga balahibo na kulay pula sa ibabang bahagi.

Napabuntong-hininga na lang siya. “Kakaiba ngunit masaya akong makita ito ulit,” nakangiting sabi ni Raziel kahit na may pangangamba sa puso niya.

“Bumabalik na sa orihinal na kulay,” bulalas ni Sefarino habang nakatitig sa mga pakpak ni Raziel.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon