Kabanata XIX: Meeting Once Again

2.5K 200 15
                                    

Kabanata XIX: Meeting Once Again

“SEFARINO, you love him!” pilit na ipaglandakan ni Orazi ang katotohanang hinding-hindi paniniwalaan ni Sefarino.

Nandito sila ngayon sa hallway ng Unibersidad ng Lazarus. Patuloy lang sa pangungulit si Orazi ngunit wala itong epekto. Ilang araw na rin niya itong ginagawa ngunit walang ni isang resulta man lang. Lahat ng nadadaanan nila ay napapapunta sa gilid dahil natatakot na mabangga si Sefarino. Ilang ulit na siyang tinataboy nito ngunit hindi pa rin siya nagpapatinag.

Tumakbo sa harapan ni Sefarino si Orazi kaya napahinto ang prinsipe sa paglalakad. “You love him, he loves you, how can you forget Raziel?” Halos suntukin na ni Orazi si Sefarino upang matauhan lang ito.

Sefarino just frowned. “I didn’t forget him because in the first place I didn’t know him so back off. You’re getting on my nerves,” saad nito saka nilagpasan si Orazi.

“That bastard!” Orazi muttered. “How can he forget such phoenix having angelic face, voice and specially angelic heart.”

“Hey, Orazi, where’s Sefarino?” tanong ni Sabrina.

“Bakit mo siya hinahanap?”

Ngumiti naman si Sabrina. “Lolo Edoardo said that we’re going to have a date tomorrow.”

“Lolo? Are you kidding me? Hindi papatol ang pinsan ko sa isang katulad mo,” nakangising pang-iinis ni Orazi kaya nainis si Sabrina pero nagawa pa rin nitong ngumisi.

“Orazi, Orazi, Orazi, you’re handsome but ang kitid ng utak mo,” nang-iinis na sabi ni Sabrina habang inilandas ang daliri nito sa mukha.

Orazi grabbed her wrist tightly. “At least may utak kaysa sa’yo na wala.”

“Jerk!” akmang sasampalin ni Sabrina si Orazi pero dumating si Sefarino kaya agad na napatigil si Sabrina at umaaktong nasasaktan.

“Hands-off, Orazi,” malamig na sabi nito pero hindi nakinig si Orazi.

“Insan, papatol ka ba talaga sa babaeng ito?” Nandidiri pang nakatingin si Orazi kay Sabrina na ngayon ay nagpapanggap na umiiyak na halos sipain na niya ang mukha nito. “Ang laswa tingnan.”

Halos manginig si Orazi sa napakapula na mga ni Sefarino at ang malalamig na titig nito. “I said, hands-off.”

Hindi nagpadala sa takot si Orazi at mas nanaig ang inis sa matigas na puso kaya mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa pulsuhan ni Sabrina.

“O-Ouch,” maarteng daing ni Sabrina pero ngumisi lang si Orazi.

“Pinakaayaw ko talaga ang maapakan,” bulong ni Orazi.

Nabitiwan bigla ni Orazi ang kamay ni Sabrina nang naramdaman niyang humapdi ang kamay niya kaya napatingin siya rito at nakita ang sugat dahilan para mapamura siya. Hinatak naman ni Sefarino si Sabrina na may ngiting tagumpay na nakapaskil sa mukha habang naglakad sila papalayo kay Orazi.

“Hindi maganda ’to!”

Habang sa flower shop naman ay si Doyle na nanonood sa ginagawa ni Raziel. Hindi niya alam kung ano ang buong kwento ngunit nakakasiguro siyang may kinalaban ito sa pagsilang ni Sefarino bilang isang ganap na bampira.

“Raziel, ang onti lang ng damit mo, samahan mo ’ko sa mall at nang makabili tayo ng damit na kakailanganin mo,” sabi ni Doyle pero umiling si Raziel.

“Hindi na kailangan, Sir Doyle. Kontento na ako sa mga gamit ko, maraming salamat na lang po.”

“Ikaw ang bahala. Maiwan na muna kita dahil uuwi ako,” tumango lang si Raziel saka bumalik na sa pag-aayos ng mga bulaklak.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon