Kabanata XII: Future Mate

3K 227 13
                                    

Kabanata XII: Future Mate

UMAGANG-UMAGA at init sa ulo ang bumungad kay Sefarino.

“Fuck! I said track those assholes!” nanggagaliitang sigaw ni Sefarino saka ibinagsak ang dalawang kamay sa lamesa na nagdulot ito ng malakas na tunog.

Dalawang araw na ang nakalipas mula noong dinukot si Raziel ng angkan ng mga Tigres. Nagtipon-tipon ang buong angkan ng Lazarus, nandito ang pamilya ni Sefarino, Orazi at Doyle pati na rin si Edoardo pero tahimik lang silang nag-iisip ng malalim at hindi man lang nila nagawang pukawin ang atensiyon ng prinsipe dahil sa takot. Na baka ay magagalit si Sefarino sa kanila.

“Give me two days,” saad ni Doyle na lalong ikinainis ni Sefarino pero hindi na itong nag-abalang magalit at mas piniling umupo na lang at tumahimik.

May tiwala si Sefarino kay Doyle. Kapag sinabi ni Doyle na dalawang araw, dalawang araw talaga ’yan at hindi na mababago pa. Galit si Sefarino ngayon. Galit na galit siya sa sarili niya dahil hindi niya alam ang gagawin niya, wala siyang magagawa para iligtas si Raziel, wala siyang maitutulong dahil wala na siyang pang-amoy. Dahil sa galit, sinipa ni Sefarino ang isang upuan dahilan para manginig ang lahat ng mga bampirang nasa silid maliban sa mga nakakataas.

“I’m useless!” inis na sabi ni Sefarino na nagpagulat sa lahat ng mga bampirang nandito.

“Huminahon ka lang,” pagpapakalma ni Elerah sa anak kaya umupo ulit si Sefarino.

Maraming katanungan ang tumatakbo sa isipan ng mga naririto lalo na ang nasa pinakamababa. Gusto nilang magtanong kung sino ito at kung bakit nag-aalala ang prinsipe sa lalaking nagngangalang Raziel.

“M-Maaari ba akong magtanong?” Ang boses ay nanginginig pati na rin ang payat nitong katawan habang nakayuko ang lalaki at ang kanang kamay ay nakataas. Bago pa makasagot si Edoardo ay inunahan na siya ni Sefarino.

“He’s my future mate.” Apat na salitang nagpagulat sa lahat. Nagsimulang umingay ang paligid.

“Seryoso ka, insan?” hindi makapaniwalang tanong ni Orazi at tumango lang si Sefarino.

“How come na siya ang magiging mate mo?” seryosong tanong ni Edoardo sa apo habang malalim na nakipagtitigan dito.

“Zi te lio.”

Tatlong salita na ikinagulat nila. Wala ni isang nagtangkang kuwestiyunin ang nararamdaman ng kanilang prinsipe lalong-lalo na’t ang nakapaskil sa mukha ni Sefarino ay walang bahid ng kasinungalingan. Alam ni Sefarino ang ginagawa niya. Alam niya kung gaano ka-totoo ang kaniyang nararamdaman para sa piniks at gagawin niya ang lahat para protektahan ito.

Humagalpak ng tawa si Edoardo na nagpa-agaw ng mga atensiyon ng lahat, “It’s fake. Your feelings for him is just temporary, it will not last long.”

Naikuyom ni Sefarino nang mahigpit ang kaniyang kamao dahil sa sinabi ni Edoardo. “I’m serious about him.”

“A man?” hindi makapaniwalang tanong ni Dery.

“May ganiyan bang relasyon?” takang tanong ni Delm.

“Wala kayong magagawa,” seryong sabi ni Sefarino sa mga kapatid ng ama niya.

“Then make sure that he will love you back more than he loves his mate,” sabi ni Edoardo saka tumayo at umalis na.

“Makakaasa ka.”

“Are you serious, son?” tanong ni Deus sa anak kaya tumango si Sefarino.

Hindi rin maiwasang hindi matuwa si Elerah ang narinig mula sa anak. Hindi na niya kailangan pang gumawa ng mga hakbang para magmahalan ang dalawa dahil nahulog na pala ang anak niya.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon