Kabanata XI: Ang Paghahanda sa Pagsilang

3.1K 205 12
                                    

Kabanata XI: Ang Paghahanda sa Pagsilang

“Where have you been?”

It’s been three days since Raziel started working at Hana Flower Shop. Inilihim niya ito kay Sefarino dahil sa simula pa lang ay walang magbabago kahit na sabihin pa niya ito sa prinsipe.

“Sinabi ko na sa ’yo, Sefarino, lagi silang magkasama ni Orazi.” Si Cyrus na ang sumagot habang ang mga bisig ay nakakrus sa dibdib.

“I’m not asking you, Cyrus,” singhal ni Sefarino sa binata kaya napangiwi lang ito.

“Pumunta lang ako sa isang flower shop,” sagot ni Raziel at ibinagsak ang magkabilang balikat.

Napataas ang kilay ni Sefarino. “At kasama si Orazi araw-araw?” Hindi maitatanggi ang tono ng pangungutya sa boses nito.

“Sefar, wala naman akong alam sa mga lugar dito kaya niya ako sinasamahan.” Mahinang tumaas ang boses ni Raziel dulot ng pagtatanong ni Sefarino at sa pagod na nararamdaman.

“At bakit ka ba paulit-ulit na pumupunta sa flower shop? Saan ba ’yan?” pangusisa ni Sefarino.

“Pagod ako, Sefar. Bukas ka na lang magtanong.”

“As my pet, avoid having an affair with other vampires,” paalala ni Sefarino.

“Ano bang pakialam mo?” Tumaas na ang boses ni Raziel. “Oo, alaga mo ako pero may sarili rin akong buhay, Sefar. Halos lahat na lang ng ipinagbabawal mo sa akin ay konektado lang sa pagiging alaga ko.” Hindi na mapigilang sumbatan ni Raziel si Sefarino.

“Dahil pag-aari kita—”

“Ang katawan at dugo ko lang ang pagmamay-ari mo. Tandaan mong hindi kasali ang puso ko,” panunumbat ni Raziel saka padabog na umalis.

Inis ang dumadaloy sa buong katawan ni Sefarino habang nakatingin kay Raziel na padabog na ibinagsak ang pinto.

“Sefarino?”

“I’m going to rest.”

Napaismid na sumunod si Cyrus kay Sefarino na ngayon ay papasok na sa kwarto nito.

“Sefarino, saan ba magandang pumunta ngayon? Sobrang liwanag ng buwan sa labas kaya swak na swak mamasyal  Hindi ko rin nakikita sina Tita Elerah. Nasaan ba sila ngayon?”

“Stop talking for a while, Cyrus.”

“Here. Uminom ka na lang muna.”

His nose wrinkled when he smells something different. “This is not Raziel’s blood. I don’t want it.”

Cyrus eyelids squinted. “Kukuha muna ako.”

Agad siyang lumabas ng kwarto.

“Bakit ba alam na alam niyang hindi ’to dugo ng taong ’yon?” inis na bulong ni Cyrus habang napahigpit ang hawak sa basong may laman ng sariling dugo. Padabog siyang kumuha ng panibagong baso at isinalin ang dugo ni Raziel saka inamoy. “Ano bang mayro’n sa dugong ito? Wala namang amoy.” Inis niyang isinilid ang palad sa bulsa at kinuha ang nakatiklop na papel saka ngumisi at inilagay ang powder. “Tingnan lang natin kung hindi ka magmakaawang tikman ang dugo ko. A medicine that can trigger a vampire’s desires.”

Nakangiwing dinadala ni Cyrus ang basong may lamang dugo saka ibinigay ito kay Sefarino.

“Well, alaga lang naman si Raziel, mas lamang pa rin ako.” Matamis na ngumiti si Cyrus habang pinapanood na ninanamnam ng bampira ang dugo ni Raziel.

“Shit!” murang saad ni Sefarino habang napapaubo pa. Hindi na niya inabalang punasan ang dugong tumatalsik galing sa bibig.

Ramdam na ramdam ni Sefarino ang pag-init ng buo niyang katawan.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon