Kabanata XIII: Ang Nakaraang Bumabalik

2.8K 197 8
                                    

Kabanata XIII: Ang Nakaraang Bumabalik

“WHERE’S Sefarino?” nag-aalalang tanong ni Deus kay Orazi pero nagkibit-balikat lang ito kaya si Doyle na naman ang tiningnan niya.

“Hindi ko rin alam kung nasaan siya,” sabi ni Doyle.

Gabi na at nandito sila sa Lazarus Clan, namomroblema dahil apat na araw ng wala si Raziel at hindi rin tumawag o magparamdam lang ang kumuhs sa piniks, hindi rin kayang i-locate ni Doyle dahil walang traces ang naiwan.

“He’s in the abandoned building near the Vera Bay,” seryosong sabi ni Doyle habang nakatingin sa cellphone niya.

“Ano?” tanog ni Deus.

“Tara! Doon nila dinala si Raziel,” yaya ni Orazi saka dali-dali silang nagsilaho.

Nagising si Raziel sa ingay ng kulungan. Iba itong kulungan dahil may bintanang maliit at may ilaw na rin. Dahan-dahan naman siyang umupo at inilibot ang paningin sa kinalalagyan niya. Nagulat si Raziel nang may narinig siyang sigawan kaya pinilit niyang buhatin ang sariling katawan at pumunta sa rehas upang tingnan kung ano ang nangyayari. Para siyang pinako sa kinatatayuan niya sa nakita sa katapat na kulungan. Isang babaeng walang-awang kinagat ng isang bampira sa leeg. Nakita niya kung paano dumiin ng malalim at tumulo na ang dugo nito. Umiiyak lang ang babae at gustong kumawala pero malakas ang lalaking nakahawak sa kaniya.

Nanginginig siyang lumingon sa katabing kulungnan nito nang may nagsisigaw at nakita niya ang dalawang babae na walang-awa ginagahasa ng tatlong bampira. Napahigpit naman si Raziel sa rehas dahil sa nasaksihan at kusang tumulo ang mga luha. Patuloy lang sa pagsisigaw ang mga babaeng binababoy habang ’yong isa ay kinagat na ang leeg. Walang tigil sa pagpapakiusap ang mga babae pero parang mga demonyo ang mga mga lalaki dahil hindi ito nakikinig, tumatawa lang ’yong tatlo. Mas lalong napaluha sa galit at lungkot nang nasaksihan ng piniks ang pagbitiw ng buhay at ang pagbagsak nito sa sahig.

“H-Hindi ito maaari.” Nanginginig naman si Raziel na umaatras. “B-Bakit ganito ang pakikitungo ng mga bampira sa tao?” Napaluhod naman siya bigla nang nawalan siya ng lakas.

“Hindi ito totoo,” Raziel said as his tears continued to flow, he could feel the pain in every cry of these people so he covered his two ears using his both hands. He didn’t want to hear such cries.

“Ang mundong ito... bakit ganito? Bakit ganito ang mundong ito?” Hindi niya maiwasang sumigaw kaya napunta sa kaniya ang atensiyon ng ibang bampira. “Isang dekada… nanunumbalik na naman. Wala pa rin akong nagagawa.”

Two male vampires approach him. Raziel just lowered his head as he cried. Because of fear, he could no longer think of what he would do to survive.

“Hoy! Tumayo ka!” sabi ng isang bampira sa kaniya pero hindi niya ito sinunod at pilit na itinago ang sarili sa madilim na bahagi ng kulungan.

“Sino ba ’to? Saan ang susi ng kulungang ito?” Narinig niyang tanong ng isa saka narinig ni Raziel ang mga yapak nito na lumalayo na kaya iniangat niya ang mukha niya at lumantad sa kaniya ang mukha ng isang bampirang nakangisi.

“Aba, mukhang masarap ka, may paiyak-iyak ka pang nalalaman,” nakangising usal nito saka dinilaan ang kamay nitong may dugo. “Kutis babae!”

Nakatitig lang si Raziel sa malamig na sahig at damang-dama ang panginginig ng buong katawan.

“Ito na ’yong susi!” tumatawang usal ng lalaking umalis kanina habang iwinagayway ang susing dalang nito.

“Hindi p-puwede,” Raziel whispered softly when he heard the railings opened and the two entered. He was trembling and could not move. He stood by a man pulling him up. His right arm was cover with blood. Raziel just shrugged and didn’t know what to do.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon