Kabanata VII-2

3.1K 218 17
                                    

Kinabukasan, paggising ni Raziel ay wala siyang nakitang Sefarino kaya napabangon na lang siya at umuwi pagkatapos. Hindi niya maiwasang magpa-ika-ikang pumasok sa mansyon ng mga Lazarus at agad na tumungo sa hardin. Ramdam niya ang kaonting hapdi ngunit ni kalagkitan ay hindi niya madama.

Napakunot ang noo ni Elerah na nanonood sa paglalakad ni Raziel. “Raziel, are you okay?” sigaw nito.

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ni Raziel. “M-Maayos lang po ako.” Hindi niya magawang sabihin ang katotohanan.

“Nasaan po si Sefarino?” hindi maiwasang tanong ni Raziel kay Elerah na ngayon ay nagdidilig ng halaman.

Napahinto ito saglit saka tumingin sa kaniya. “Hindi mo ba alam?”

Napailing lang si Raziel kaya inilapag ni Elerah ang dalang sprinkler saka nakangiting tinapik nang mahina ang braso ng piniks. “Si Sefarino ay lumisan upang maghanap ng mapapangasawa niya. Huwag kang mag-aalala, hindi ka na magdudusa pa.” Hindi mapakaling pinunasan ni Elerah ang mga luha ni Raziel. “Ang berde mong mga mata ay umaagos na lang bigla. Ano ang iyong problema? Ikaw ba’y natutuwa?”

Nagtatakang hinawakan ni Raziel ang pisnging basa na. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa ginang. Ang puso’t isip niya’y hindi makatugma. Nag-aalala pa ring nakatingin si Elerah kaya napayukong napangiti nang mapakla si Raziel. “O-Opo. Ang kasiyahang nararamdaman ko ay hindi kayang higitan ng kahit ano.”

“Masaya rin akong makita kang masaya.”

“Puwede po bang magtanong?” Tumango si Elerah kaya nagtanong ulit si Raziel. “Bakit n’yo po kilala si Leone?”

“Hindi mo pa rin ba nakukuha kung bakit Ina ang gusto kong itawag mo sa akin?” Umiling ang piniks bilang sagot kaya ngumiti lang ito ngunit ang mga mata’y umiitim na, hudyat na ito’y nalulungkot kahit taliwala sa nakikitang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Siya ang nakatatandang kapatid ni Sefarino. Isang dekada na siyang patay.”

Sabay na bumigay ang mga tuhod at katawan ni Raziel sa natuklasan.

“Hey. Are you okay?”

“Maayos lang po ako.”

“Hey, Deus. What?” hindi mapigilang sigaw ni Elerah sa kausap. Pagkababa ng tawag ay agad siyang tumingin kay Raziel. “Maiiwan na muna kita. May pupuntahan lang ako. Sigurado ka bang ayos ka lang?” May bahid pa rin ng pag-aalala sa boses nito.

“Opo. Huwag po kayong mag-aalala,” pangungumbinsi ni Raziel kaya ngumiti ito at naglaho.

“May posibilidad na ang litrato rito ay walang iba kundi si Leone.” Mabilis niyang tinakbo ang mahabang hagdan at isa-isang tiningnan ang mga obrang nakadikit sa pader. Napahinto siya sa litrato ni Sefarino. “Kaya pala magkamukha kayo ni Sefarino.”

“Leone, ako ay nagkasala. Hindi ko inakalang binuksan ko ang aking puso para lang mahulog sa iba at ang mas malala sa iyong kapatid pa.” Nalilitong napayuko ang piniks. “Kailangan ko itong burahin. Lalong-lalo na’t hindi ito masusuklian ni Sefarino.”

Dahil sa resolusyong ginawa ni Raziel ay tatlong araw na niyang iniiwasan ang prinsipe dahilan para magsimula na itong magtaka.

“Raz? Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Sefarino nang makitang hindi na naman matutulog si Raziel sa kaniyang silid.

“Doon sa bakanteng silid. Binigay sa akin ng ina mo,” pangatwiran ni Raziel saka tumalikod na ulit at naglakad na papalayo.

Walang nagawa si Sefarino kahit na tinawag niya ito nang paulit-ulit. Ilang minuto ring nakatingin si Raziel sa kisame. Hindi siya makatulog nang maayos simula no’ng nalaman niyang magkapatid sina Leone at Sefarino. Dahil sa inis ay napatayo na lang siya’t napagdesisyunan na tumungo sa Raz Zi Nae.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon