Kabanata XX: Confrontation

2.5K 189 17
                                    

Kabanata XX: Confrontation

“INSAN, seryoso ka bang siya ang magiging mate mo?” naniniguradong tanong ni Orazi sa pinsan niya.

It’s been a week since Raziel disappeared from Sefarino’s home and Orazi has been following Sefarino for a week that made the prince mad.

“You’re so annoying, umuwi ka na nga!” inis na taboy ni Sefarino kay Orazi pero hindi nakinig si Orazi.

“Sefarino, si Raziel ang mahal mo, dinala mo pa nga siya sa secret base mo.”

Agad na napalingon si Sefarino habang nakataas ang kilay. “Dinala? Hindi ko nga kilala ’yan saka alam mo ba kung saan ang secret base?”

“Hindi ko alam pero alam ni Raziel. Sabi pa nga niya na ang daming lilies at nasa gitna ng lawa ay ang maliit na bahay habang may tulay,” Orazi explained.

“How did you know? Leave now!” Sefarino said angrily as he threw Orazi out of the room and shut the door with his power.

Orazi quickly stood up. Agad siyang nakabawi ng lakas lalo na’t maiisip niyang si Sabrina ang magiging mate nito. “Sefarino!” sigaw ni Orazi sa labas ng kwarto ni Sefarino.

“Orazi? Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Elerah sa pamangkin.

“Tita, okay lang ba sa inyo na si Sabrina ang magiging mate ni Sefarino?”

Elerah smiled warmly. “Sa totoo lang ay ayaw ko sa ugali ni Sabrina pero mababago naman ’yon, e.”

“Tita! Hanapin natin si Raziel,” pilit ni Orazi pero umiling lang si Elerah.

“I respect Raziel’s decision. I want him for my son but this is the reality, the reality that they will never be together.”

Dahil hindi mapakali si Orazi ay agad niyang tinungo ang pinagtatrabahuhan ni Raziel.

“Raziel!” sigaw ni Orazi pagkapasok niya sa shop kaya sinamaan siya ng tingin ni Doyle.

“Why are you shouting?”

“Nasaan si Raziel?”

“Raziel? Isang linggo na siyang wala,” sagot ni Doyle.

“Are you sure?” Orazi asked seriously, so Doyle nodded.

“Yes,” Doyle replied in a straightforward way but hindi nakumbinsi si Orazi sa sagot ni Doyle kaya nilibot niya ang loob ng shop.

“Sigurado ka ba talaga?”

“Yeah. I’ll update you if I found him,” sagot ni Doyle na hindi nakatingin kay Orazi.

Seryoso naman siyang tumingin kay Doyle na ngayon ay may ginagawa.

“Siguraduhin mo lang Doyle, dahil kahit kailan hinding-hindi magiging sayo si Raziel, itatak mo ’yan sa isip mo para hindi ka na umasa. Ayokong mapunta si Raziel sa isang kagaya mo,” huling sabi ni Orazi saka lumabas na.

“In the first place, Leone was his first. Hindi na nga ako humirit pa noon.”

Ilang araw na rin simula noong binura ni Raziel ang memorya ni Sefarino tungkol sa kaniya at kahit na mahirap ay dapat gawin dahil ’yon ang tama. Umalis na rin siya sa bahay ng mga Lazarus at nakatira siya sa basement ng flower shop na pagmamay-ari ni Doyle. Sinabi na rin lahat ni Raziel kay Doyle kung bakit siya umalis sa bahay ng Lazarus.

Naglalakad si Raziel papasok sa isang unibersidad, ang Unibersidad ng Lazarus habang dala-dala ang mga bulaklak habang tinatahak ang daan papunta sa Faculty of Engineering para ibigay ang mga bulaklak na pinapadeliver ni Sefarino. Nagiging routine na ito ni Raziel dahil araw-araw itong nagpapadeliver at binibigay lang kay Sabrina.

“I-Ito na po ’yong pinapahatid n’yo,” Raziel said then he handed the flowers to Sefarino while Sabrina is clinging to Sefarino's arm so Raziel avoided to see them.

“You can leave, I'm done paying it,” Sefarino said so Raziel could do nothing but turn his back.

He had been stalking Sefarino for a few days.

“Masaya akong makita siya,” Raziel said bitterly in his mind.

Time passed, nakarating na si Raziel sa shop at nakita siya ni Orazi kaya dali-daling pumasok si Orazi at hinila ang braso ni Raziel kaya nagulat si Raziel.

“You! Bakit mo ginawa ’yon?” hindi mapigilan ni Orazi sa pagsigaw dahil sa galit.

“A-Anong sinasabi mo?”

“Bakit mo binura ang alaala ni Sefarino tungkol sa ’yo? Bakit?” inis na sabi ni Orazi habang niyuyugyog ang dalawang balikat ni Raziel.

Napaiwas naman si Raziel, “Binura ko ito para sa ikabubuti namin.”

“Para sa ’yo lang! Hindi ko akalain na makasarili ka, ang selfish mo, Raziel! Ano? Masaya ka na?”

Tumulo ang mga luha ni Raziel dahil sa mga nakakadurog na salitang binitiwan nito. “Orazi, kahit kailan hindi ako naging makasarili. Sa simula pa lang ay kapakanan na ni Sefar ang iniisip ko.”

Napabitiw si Orazi at napatahimik habang hindi mapakaling nakatingin sa piniks na humihikbi.

“A-Akala mo ba na hindi ako nagdudurusa? Araw-araw kong pinagsisihan ang pagbura ko sa alaala niya, parte na ako ng memorya niya, ng buhay niya, ng puso niya pero binura ko ’yon na para bang basura lang ang lahat. Masakit, masakit makitang may kasama siyang iba, may ibang nagpapangiti sa kaniya at masakit isipin na magkakaroon siya ng ibang mamahalin. Bawal akong magmahal, kaya anong magagawa ko kung magkaibang mundo ang ginagalawan namin? Mali itong lahat, mali ang pagkikita namin pero kahit kailan hindi ko naisip na mali ang mahalin siya,” hikbing usal ni Raziel.

“Bakit mo siya binitiwan?” nakayukong tanong ni Orazi.

“Dahil kapag mahal mo talaga ang isang tao ay handa kang magsakripisyo kahit na masakit at labag ito sa kalooban mo.”

Napabitiw si Orazi saka tumalikod. “Kapag mahal mo talaga siya, inisip mo muna kung ano ang ikakaligaya niya—ninyong dalawa.”

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon