Kabanata XV-2

2.7K 222 12
                                    

Tumango si Raziel at sa huling pagkakataon ay niyakap ang katawan ni Leone bago sila tuluyang umalis. Tahimik lang na sumusunod sa mga yapak ni Sefarino ang piniks hanggang sa makaabot sila sa mansiyon.

“You need to rest.”

“S-Sefar,” sambit ni Raziel ngunit ilang hakbang pa ang ginawa ni Sefarino bago tumigil nang hindi lumilingon kay Raziel. Mapait na ngumiti ang piniks. “W-Wala. Salamat.”

“I just fulfilled my brother’s favor. I am now going to rest so get some rest too.”

Lutang na naglalakad si Sefarino. Hindi niya alam kung saan pupunta at inaasahan na lang na ang mga sariling paa na ang maging gabay niya.

“Son?”

Napahinto si Sefarino nang may tumapik sa kaniya. Ang mukhang nagtataka ni Deus ang una niyang nakita bago ang ina. Napabuntong hininga na lang siya saka umupo. Hindi niya akalaing makakarating siya sa gazebo.

“Is it a mistake to fall in love with a wrong person?”

A long silence has created. Nobody wants to open their mouths. Deus glances at his wife but Elerah just nod.

“No. How can you conclude it’s a mistake if you didn’t take any risk?”

“Raziel loves Kuya. It felt wrong that I fell in love with Raziel,” he honestly stated then he sighed.  “But I’m contradicting myself. I am just guilty for being happy loving him.”

“Huwag kang sumuko.”

He softly whispered, “I’ll let him go once I confess again.”

“Bakit ka bibitiw?”

“I just want to prove that my feelings for him isn’t ordinary.” A sad smile escape on his kissable lips. “And after that, I’ll make this feelings vanished in this thin air as well as the memories.”

Ilang araw na simula nang magtapat ng pagtingin si Sefarino kay Raziel at sa ilang araw na iyon ay palagi siya nitong pinapasaya at sinisilbihan. Napayuko naman si Raziel dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot o sasabihin niya kay Sefarino. Pinaramdam talaga ni Sefarino sa kaniya kung gaano siya nito kamahal at ngayon ay naglalakad sila sa isang gubat na nasa likod ng bahay ng Lazarus, malayo-layo na rin sila sa bahay kaya nagtaka si Raziel.

“Saan tayo pupunta, Sefar?” tanong ni Raziel habang nakatingin sa bulaklak na kabibigay pa lang ni Sefarino inamoy ito.

“Sa lugar kung saan ako pumupunta kapag malungkot ako,” Sefarino answered.

Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa dumating na sila sa isang lawa na may nakalutang na maliit na bahay sa gitna habang may maliit na tulay para maging daanan papunta sa bahay. Maraming water lilies din ang nakalutang sa lawa.

“Welcome to my secret base, Raz,” nakangiting sabi ni Sefarino saka iginaya siya papunta sa maliit na bahay.

“A-Ang ganda,” manghang sabi ni Raziel habang inililibot ang mga mata niya sa loob ng maliit na bahay at lumabas naman siya at umupo sa sahig habang ang mga paa ni Raziel ay nakalublob sa malinis na lawa, tumabi naman sa kaniya si Sefarino.

“Ang gaganda nila!” nakangiting sabi ni Raziel.

“Gusto mo ba ng bulaklak nila?” tanong ni Sefarino kaya napatingin agad si Raziel.

“Gusto, kahit isa lang pero ang layo,” malungot na sabi ni Raziel habang nakatingin sa mga water lilies.

Raziel’s eyes widened as he saw a red flower is approaching him then a white one followed and the last was a yellow lily, Raziel took it all and glanced at the three flowers and then looked at Sefarino. “Maraming salamat, Sefar.”

Sefarino ruffled Raziel’s hair. “Those three flowers symbolize how grateful I am to have you in my life and how pure my love for you.”

“Bakit mo ako minahal?” Raziel asked then he smelled the lilies. “Isa lang akong piniks na pinababa sa lupa upang itama ang mga mali ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo minahal ang isang katulad ko.”

“Dahil sa mga pinapakita mong kabutihan at kung paano mo gawin ang lahat para matama ang mga kasalanan mo. Ito ang kauna-unahan kong magmahal at sabi nila na hindi pa totoo ang nararamdaman ng isang kagaya ko pero para sa akin ay ito ang kauna-unahang naramdaman ko na kakaiba at ang gusto kong gawin ko lang ay pagsilbihan at paligayahin ka, bampira ako at piniks ka, naiisip ko nga kung kaya ba kitang abutin sa layo mo.” Sefarino softly smiled as he stared at Raziel in the eyes. “Nasa taas ka, nasa lupa ako. Isa pa rin akong bampirang hindi pa nakatungtong sa edad na magiging ganap na talaga.”

”Hindi naman basehan ang uri, edad, status sa buhay o hindi kaya ang kasarian para lang magmahal ng isang tao—bakit ka umiiyak?” tarantang tanong ni Sefarino nang tumulo ang mga luha ni Raziel.

Raziel shook his head. “Hindi lang ako makapaniwala na nagmahal ako ng isang bampirang katulad mo.”

Napaawang ang bibig ni Sefarino at hindi makapagsalita sa sinabi ni Raziel pero agad din itong magbago at mapait na ngumiti. “Sinuklian mo lang ba ang pagmamahal ko dahil kamukha ko siya?”

May namumuong inis sa puso ni Raziel. “Ano ba ’yang sinasabi mo?”

“Raz, I don’t need you to pity—”

“Hindi ko alam kung bakit kita minahal,” nakangiting panimula ni Raziel kay Sefarino habang ang kanang kamay nito ay ay nakalagay sa dibdib niya saka nakatingin sa mga water lilies na nakalutang. “Nagising na lang ako isang araw na mahal na kita. Ito ang unang beses kong makadama ng kakaibang pagmamahal, pagmamahal na ngayon ko lang din naramdaman na para bang gustong kumawala ng puso ko kapag nakikita. Akala ko nga noong una ay may sakit ako sa bilis ng tibok ng puso pero kalaunan ay naiintindihan ko na kung ano ito. Akala ko’y minahal lang kita dahil kamukha mo si Leone ngunit hindi ko namalayan na gumagawa lang ako ng rason para makatakas sa pinaghulugan ko…” Ngumiti naman si Raziel kay Sefarino. “Sinusuklian ko ang nararamdaman mo dahil ikaw si Sefarino Lazarus. Bakit ka umiiyak?”

“I’m ready to let you go once I confessed again,” he honestly uttered as his tears keep on falling. “I didn’t expect you to accept it.”

“Sefarino, huwag na huwag mo akong bibitiwan kundi ipapalapa kita sa leon,” natatawang banta ni Raziel.

Napapamurang yumakap nang mahigpit si Sefarino sa piniks. “Hinding-hindi talaga.”

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon