Kabanata II-2

4K 260 5
                                    

Pagkagising ni Raziel ay agad niyang inilibot ang kaniyang paningin sa buong silid ngunit hindi niya nakita si Sefarino, ang napansin niya lang ay ang pagkain na nakalagay sa lamesa kaya nilapitan niya ito at nakita niya ang isang maliit na papel.

“Kain. Sefar?” Natatawang napailing si Raziel lang siya sa nabasa at nilantakan ang mga pagkain.

Agad niyang hinawakan ang parte kung saan kumuha ng dugo si Sefarino ngunit wala na itong bahid na kahit anong sugat o marka man lang.

Pagkatapos niyang kumain ay napagdesisyunan niyang lumabas sa silid at hindi na inabalang tawagin si Sefarino sa hangin kahit na alam niyang nilabag na niya ang batas na ginawa ni Sefarino. Pagkalabas niya sa silid ay napanganga siya sa magagandang disenyo na nasa pader. Umikot siya ng isang beses upang makita at napangiti. Ang mansyon ay nang-aakit sa kaniya. Mansyon na ang mga kandila sa bawat palapag ng napalaki at napakahabang hagdan ang nagsisilbing ilaw. Sobrang tahimik ngunit nakakagaan ang awra ng bahay. Ang tanging naririnig lang ni Raziel ay ang kaniyang bawat hakbang na ginagawa. Sinulit ni Raziel ang paglalakad at napapahinto sa bawat malalaking obrang nakikita.

“Bakit walang mukha ang dalawa?” nagtatakang usal ni Raziel habang nakatingin sa isang obra na may isang babae at dalawang laki ngunit ang isang lalaki lang na nasa gitna lang ang may mukha. Hindi na siya nag-abalang mag-isip saka pinagpatuloy ang paglalakad at doon na naman niya nakita ang kakaibang alindog ng dalawang bampira na hindi nakaligtas sa mga mata ni Raziel ngunit sa sumunod na litrato ay napatitig siya ng matagal.

“Hindi nakakasawang pagmasdan ang pagmumukha ni Sefar.” Napangiti si Raziel saka hinaplos ang obra. “Magkamukha sila.”

Sa tagal ng kaniyang pagtitig sa obra ay namumula siyang napatakbo pababa ng hagdan. Nalilitong tiningnan ni Raziel ang mga pinto sa harapan na magkakaiba ang disenyong nakaukit. “Saan ako lalabas?”

Nakangiwing binuksan ni Raziel ang gitnang pinto na may tulip na disenyo at agad itong napawi dahil sa nakikita. Pagbukas niya, isang malawak na hardin ang lumantad sa paningin kaya hindi niya napigilan ang mga paa na tumakbo papunta rito. Wala siyang pakialam kung ano na ang natatapakan, ang nasa isip niya lang ay makausap ang mga bulaklak.

“Magandang umaga, mga bulaklak!” Isa-isa niyang inamoy ang mga bulaklak na nasa hardin. Puting rosas, pula at asul. Napapunta na naman si Raziel sa ibang grupo— ang pinaghalong pula, dilaw at puting mga tulip.

Ngumiti si Raziel saka pinitas ang isang pulang tulip. “Walang-hanggang pag-ibig.” Pinitas niya ang dilaw. “Pagpapahalaga.” At ang huli ay ang puti. "Pagpapatawad.”

Nagningning na naman ang mga mata ni Raziel, halos mankandarapa na siya sa pagtungo sa grupo ng mga gardenias. Isang puting bulaklak na may napakaberdeng dahon. Nanunuot sa hugis perpekto niyang ilong ang matamis na amoy ng mga gardenias na bumaba sa pandama ni Raziel.

“Napakadalisay at napakalumanay ng mga bulaklak na ito!” Napaikot-ikot si Raziel sa puwesto habang hawak-hawak pa rin ang tatlong tulip at nilalasap ang iba’t ibang amoy na binibigay ng mga bulaklak.

“Ano ang ginagawa mo?”

Halos mahilo si Raziel nang huminto siya sa pag-ikot saka tiningnan ang nagtanong. Ngumiti siya habang kumurap-kurap dahil hindi pa malinaw ang paningin niya. Isang magandang babae ang bumungad sa paningin na nagpanganga kay Raziel. Isang maamong mukha, malumanay na mga mata, matangos na ilong at ang napakapulang labi nito ngunit hindi maitatago ang maputla nitong balat.

Kumunot nang kaonti ang makinis nitong noo habang ang tsokolateng mga mata nito ay nakapako kay Raziel. “Inuulit ko, ano ang ginagawa mo?”

Napabalik si Raziel sa reyalidad at napalapit sa babae habang nakapaskil ang malawak na ngiti. Napagtanto niya na mas maganda ang kaharap kaysa sa bulaklak na hawak. Inabot niya ang pulang tulip saka inilahad sa babae at nagtatakang tinanggap ng babae ang bulaklak.

“Ang isang walang-hanggang pag-ibig ay aking ibibigay sa iyo, Binibini.” Ngumiti nang malapad si Raziel at yumuko ngunit nabigla siya nang tumawa ito nang malakas. Parang isang musikang nagpapahulog sa mga damdamin ng kahit na sino.

“Sobrang pormal mo naman.” Inayos ng babae ang sombrerong suot saka ngumiti. “Ako si Elerah Lazarus. Ikinagagalak kitang makilala,” masiglang pakilala ni Elerah habang nakangiti kaya mas lalong nahumaling si Raziel.

“Ang pangalan ko po ay Raziel Cassius at gusto ko lang kayong purihin sa kakaibang gandang taglay ninyo at sa maganda ninyong katangian.” Napayuko naman agad si Raziel dahil sa kahihiyang nasabi.

Bahagyang napatawa si Elerah saka inamoy ang bulaklak na hawak. “Pinapataba mo naman ang puso ko. Apatnapu’t walong taong gulang na ako at may anak na.”

Hindi na alam ni Raziel kung ano ang magiging reaksyon niya sa narinig. Pumasok na agad na isa itong bampira, ang kaharap niya ay isang bampira at hindi siya makapaniwala na sobrang bait nito.

“Hindi ba tumatanda ang mga bampira?” Mabilis namang tinakpan ni Raziel ang bibig niya sa binulalas saka napayuko dahil sa kahihiyan.

“Huminto na kami sa pagtanda kapag naisilang na kami bilang ganap na bampira.” Inilapag ni Elerah ang mga dala niyang bulaklak na itatanim. “Nga pala, bakit ka naparito? Ngayon lang kita napansin sa aming lugar.”

Hindi nakasagot agad si Raziel at napayuko na lang habang ang isip ay naghahanap ng isasagot sa ginang.

“Raziel?”

Nabigla si Raziel sa pagtatanong nito kaya napaatras siya sa mga rosas. “Aray!” impit ni Raziel habang nakangiwing nakatingin sa paa niyang nagdudugo na.

Agad na nanuyot sa ilong ng ginang ang matamis na amoy ng dugo ng piniks dahilan para mamula ang mga mata niya. “This is too sweet.” Napakagat-labi siya ngunit hindi niya kayang iiwas ang mga dugong matang nakapako sa paa ni Raziel na nagdurugo.

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ng ginang subalit nauhan na siya ni Sefarino na kararating pa lang at dinidilaan na ang paa ni Raziel. 

Napasinghap si Elerah sa nasaksihan. “Sefarino—”

Huling beses na dinilan ni Sefarino ang paa ni Raziel saka napangisi kay Elerah habang mahigpit na nakahawak sa paa ng piniks at dinampian ito ng halik. Napaangat ang prinsipe ng tingin kay Elerah. “He’s my pet.”

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon