Kabanata IV: A Pet with a Mate

3.8K 264 34
                                    

Kabanata IV: A Pet with a Mate

ALAS onse na ng gabi. Tahimik na ang buong kapaligiran at gising na gising pa rin si Raziel na ngayon ay pagulong-gulong sa higaan. Napatingin siya sa kama ngunit hindi niya mahagilap ang presensiya ni Sefarino. Hindi niya kayang pigilan ang isip na huwag paliparin kahit saan.

“Bakit kaya kilala nila si Leone?” Ilang oras din siyang nag-iisip kung bakit kilala ng mag-asawa si Leone.

“Mamaya ko na lang iyon iisipin. Ang importante ngayon ay ang makaalis ako rito.” Napatampal si Raziel sa noo nang hindi niya alam kung ano ang gagawin upang manumbalik ang orihinal na kulay ng mga pakpak.

“Ano nga ba ang mga kasalanan ko?” tanong ni Raziel habang iniisip kung ano ang mga kasalanang nagawa niya.

“For being stupid all the time.”

Napabangon naman agad si Raziel nang marinig niya ang boses ni Sefarino. “Paano ka nakapasok?” gulat na tanong niya sa bampirang kakapasok lang. Tiningnan niya pa ang kulungan at nakasarado naman ito.

“Don’t underestimate me. Isa akong makapangyarihan na bampira,” Sefarino answered while grinning that made Raziel sighed.

“Mas makapangyarihan pa ako—” Raziel’s eyes widened and bowed his head. “Ikalimang tuntunin, huwag ihambing ang iyong sarili sa iba.”

“Huh? Rules? So, may batas kayo?” Sefarino’s brow furrowed then he comfortably lay on the futon.

“May limang libo’t limang daang tuntunin kami!” Raziel smiled while Sefarino’s face was indescribable.

“What the! Alam mo lahat?” hindi makapaniwalang tanong ni Sefarino kay Raziel pero napaiwas si Sefarino nang nahiya siya bigla. “Bakit ba ako nagtatanong?”

“Syempre naman,” natatawang sagot ni Raziel. Sino ba naman ang hindi makakasaulo kung halos araw-araw ay kailangan nila itong basahin lahat. “Pagkatapos ay parang lagpas limampu ang mga nalabag ko.” Lumungkot ang mukha ni Raziel. Kung hindi lang siya gumawa ng mga kalokohan ay sana wala siya sa mundong ito.

“Tutulungan kita.”

“Talaga?” Nagningning ang mga mata ni Raziel.

Sefarino nodded then he evilly grinned. “Sa isang kondisyon.”

“Ano iyon?”

“Kalilimutan mo si Leone,” mariing saad ni Sefarino ngunit tumawa lang si Raziel nang mahina. “Bakit ka tumatawa?”

Ang kaninang masayang mukha ni Raziel ay naging seryoso. “Huwag mong ipapagawa ang isang napaka-imposibleng bagay.”

“I don’t want to have a sex to a person moaning other’s name!” giit ni Sefarino saka itinulak si Raziel sa mantel. Pumaibabaw agad ang bampira at marahan na hinaplos ang leeg ng piniks dahilan para magbigay ito ng kuryente sa katawan ni Raziel. “You’re already mine—what?” inis na sigaw ni Sefarino nang itulak ni Raziel ang mukha niya.

Agad na umupo si Raziel saka nagtatakang nakatingin sa bampira. “Nagugutom ka ba?” Inis na tumango ang bampira saka sinundan ang itinuro ni Raziel. “Nakikita mo ba ang pinto? Lumabas ka na at pumunta sa kusina.”

“What the hell are you talking about?” Sefarino angrily grabbed Raziel’s neck then he violently released him. “Ikaw ang kakainin ko.”

Napapangiwing napaubo si Raziel habang nakahawak sa namumulang leeg. “H-Hindi ko kayang sustentuhan ka araw-araw.”

“Heh?” Sefarino flashed a smug smile. “Patawad ngunit ’yan ang tungkulin mo bilang alaga ko.” Sa isang iglap lang ay nasa pinto na si Sefarino at handang lumabas sa silid. “Ihanda mo ang sarili mo, piniks.”

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon