Kabanata XXIX: Huling Sandali

2.8K 211 20
                                    

Kabanata XXIX: Huling Sandali

"Ang bango mo," bungad na usal ni Raziel habang mahigpit na nakayakap at mas isinubsob pa ang mukha sa matigas na dibdib ni Sefarino.

Yumakap din si Sefarino kay Raziel."Thanks to Massimo's perfume." He kissed Raziel's nape. "Saan mo gustong pumunta?"

"Sa hardin lang."

"I'll prepare our breakfast."

Tumango si Raziel nang magpaalam na itong magluto. Nag-unat-unat muna si Raziel bago tuluyang bumangon na't inayos ang higaan. Pagkatapos ay tumungo na sa hardin at doon niya nadatnan si Orazi at Elerah.

"Magandang umaga po," masayang bati ni Raziel at bumati rin pabalik ang dalawa.

"Orazi? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Elerah saka idinampi ang palad sa noo ng binata.

"Y-Yeah. Don't mind me."

"Namumutla ka. Samahan kita sa loob para ikaw ay makapaghinga," suhestiyon ni Raziel.

Umiling si Orazi saka ngumiti. "Don't worry about me. I'm okay. Saka, uuwi na rin ako." Matapos itong kumaway ay naglaho na ito.

"Mama!"

Nabigla si Raziel nang may yumakap sa hita niya. "Hindi ako ang iyong ina."

"Mama!" ngawa ng bata.

"Hey. Anong nangyayari?" tanong ni Sefarino na may dalang pagkain.

"Parang nawawala yata itong bata na ito. Hinahanap niya ang kaniyang ina," sagot ni Elerah.

"Mama!" Patuloy lang ito sa pagngawa.

Napangiwing napabuntong hininga si Sefarino at inilapag ang dalang tray sa mesa saka umupo upang magka-level sila ng bata. "Huwag kang mag-aalala dahil hahanapin natin ang ina mo kaya iwasan mong umiyak. Naiintindihan mo ba?" Tumango ang bata kaya napangiti si Sefarino. "Magaling."

Tumayo si Sefarino saka ngumiti kay Raziel at Elerah. "Kumain na muna tayo."

Elerah giggled. "Kumain na ako saka may pupuntahan pa ako."

Nagtataka lang na nakatingin ang dalawa sa pwesto ni Elerah na ngayon ay walang bakas ang makikita kung nasaan na ito ngayon.

Nagsimula na silang kumain. Napapatawa na lang si Raziel kapag napapakunot ang noo ni Sefarino habang pinupunasan ang bibig ng bata.

"Raz, you need to eat," wika ni Sefarino nang makitang hindi pa nagagalaw ang pagkain.

"Busog pa ako-"

Susubo na sana si Sefafino ngunit itinapat niya ito sa bibig ni Raziel. "Here."

Malugod naman itong tinanggap ni Raziel.

"Magpapasubo ka yang po paya e," pangungutya ng bata habang ngumunguya dahilan para mapatawa ang prinsipe habang nakanguso naman ang piniks.

Halos tatlumpung minuto rin silang kumakain at ngayon ay naglilibot na lang sila sa mansiyon at nagbabasakaling makita ang ina ng bata.

Napapangiti nang palihim ang piniks nang makitang masayang nagkukwentuhan si Sefarino sa batang hawak niya.

Wala sa isip na napahinto sa paglalakad at napahimas ng tiyan si Raziel.

"R-Raz, what's wrong? May masakit ba sa 'yo? Kumusta siya?" nag-aalalang tanong ni Sefarino.

Umiling si Raziel. "Ayos lang ako-saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Raziel nang tumakbo ang bata papalayo.

Huminto ang bata sa hardin saka masayang umikot. "Buyakyak!"

"Gusto mo ba? Pipitasan kita."

Matamis na ngumiti ang bata saka mahinang iwinagayway ang mga bulaklak. "Sayamat po."

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon