Kabanata XVI: Ang Planong Bumalik

2.6K 202 8
                                    

Kabanata XVI: Ang Planong Bumalik

“RAZIEL! Kayo na ba talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Orazi na kadadating lang habang niyuyugyog ang dalawang balikat ni Raziel.

“Oo.”

Tumigil naman si Orazi sa pagyuyugyog at hindi mapigilang mapangiti. “Woah. It’s my first time seeing a couple like you but I’m happy for you. My fudanshi heart is happy too but I can’t believe that you love someone like Sefarino, a rude vampire. Ginayuma ka ba? Bl-in-ackmail? Tell me and I will help you.”

Napakamot na lang si Raziel sa ulo niya dahil wala siyang maintindihan sa bilis at sa rami ng sinasabi ni Orazi.

“Excuse me, Orazi, ginugulo mo si Raziel sa trabaho niya. Masaya ako na hindi na pumupunta rito si Sefarino pero hindi ko akalain na ikaw na naman ang manggugulo at mag-iingay rito,” nakakunot ang noong sabi ni Doyle kaya napatingin si Orazi sa kaniya.

“Wazzup, insan kong mukhang bulaklak, nandiyan ka pala?” sabi ni Orazi saka lumapit kay Doyle.

“I’m older than you—” putol na sabi ni Doyle nang sumabat si Orazi.

“So please respect me.” Si Orazi na ang nagpatuloy sabay smirk. “Kabisado ko na ’yan, insan.”

Doyle glared at him. “Get out.”

“Insan naman.”

“I said get out!” malamig na sabi ni Doyle kaya wala ng nagawa si Orazi kundi ang tumalikod para umuwi.

“Ako lang talaga ang mabait sa ating magpinsan. Magsama kayo ni Sefarino, mga malalamig,” nakasimangot na hirit ni Orazi saka tiningnan si Raziel. “Raziel, marami pa akong tanong na dapat mong sagutin kaya maghanda ka,” bumungisngis si Orazi na nagpatango kay Raziel. Isang ngiti ang inilabas nito bago umalis.

“Raziel Cassius.”

Napalingon si Raziel sa tumawag sa kaniya. “Angelo? Paano—”

Mabilis nitong itinalon ang katawan kay Raziel. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Raziel habang sa isang piniks ay kasabikang nakaukit sa mga matang kumikislap at ang mahigpit na pagkakayapos sa payat na katawan ni Raziel.  “Ako’y labis na natutuwang makita kang muli, Raziel.”

Bago pa man makapagsalita si Raziel ay napalayo sila sa isa’t isa nang may hanging pumagitna bigla sa kanila.

Napalunok si Raziel nang makita ang madilim na mukha ng bampira.

“Nais kitang makausap tungkol sa iyong pagbabalik sa Emyi Weste,” ulat ni Angelo saka tumingin kay Sefarino. “Ikinagagalak din kitang makita, Ginoo. Labis akong nagpapasalamat sa iyong pagpapatira kay Raziel,” nakayukong wika ni Angelo habang ang isang kamay pa ay nasa tiyan. Ngumiti siya kay Sefarino. “Hindi ka na mahihirapan pa dahil isasama ko na siya.”

Sabay na nanlaki ang mga mata ng dalawa. Parehong hindi makapaniwala sa narinig.

“Ikaw ay may isang linggo upang maghanda sa iyong pagbabalik,” ulat ni Angelo habang nakangiti.

Nagtatakang naitabingi ni Raziel ang ulo. “Hindi pa nanunumbalik ang kulay—”

“Hindi na iyon ang mahalaga! Utos ito ng iyong ama.” Napaiwas ng tingin si Angelo nang tumaas ang boses niya.

“Masusunod.”

“At isang mahalagang bilin ng iyong ama,” napahinto ito saka sumulyap kay Sefarino, “huwag kang magmahal ng hindi mo kauri.”

“Hindi ko iyon nakakalimutan.” Napakuyom ang kamao ni Raziel. Hindi niya kayang tingnan si Sefarino. “Hinding-hindi na ako magmamahal pang muli ng isang bampira.”

Unti-unting ngumiti si Angelo at ang mga mata’y puno ng kagalakan. “Ako’y babalik dito sa susunod na mga araw. Ika’y mag-iingat. Hindi na ako makapaghintay na ika’y makabalik.”

“Sa uulitin, paalam.”

Mabilis na humarap si Raziel kay Sefarino nang maglaho na si Angelo. Hindi niya magawang tingnan ang prinsipe. “Patawad, Sefar. Hindi ko sinabi sa kaniya na tayo’y magkasintahan—”

“Don’t worry. Naiintindihan ko naman ’yon.”

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon